Fourth Night

31 1 0
                                    

Lynn's POV

Time: 10:19pm Tuesday

"Sorry nga pala kung nasigawan kita last time Nemmy." Sabi ko habang pinapanood si Nemmy magsalin ng inumin sa baso niya.

Nandito kami ngayon sa dining area.

"Wag ka mag-alala Lynn, naiintindihan kita." - Nemmy

"Hindi ko pa rin maisip kung sino ang mafia at serial killer." Napabuntong hininga ako.

"Naiisip ko either si Hailey or si Aireen." - Nemmy

"Bakit? Sa mga ebidensya na pinakita at pinaliwanag ni Kens, akala ko si France na." - ako

"Si Hailey at Aireen na lang naman yung may gusto sayo at buhay pa sa larong 'to." - Nemmy

"Si France naman na yung tinutukoy ni Agatha na di umaamin sa akin diba?" Tanong ko.

"Sabagay. Pero ewan, di ko talaga maisip. Try natin mag-imbestiga pa." - Nemmy

"Mukhang malalim pinag-uusapan niyo ah. Pwede ba sumali?" Bungad ni Aireen nang makarating din siya dito sa dining area.

"May pinaghihinalaan ka ba sa ibang players Aireen?" Tanong ni Nemmy.

"Mga namatay na yung pinaghinalaan ko nung nakaraan eh. Pero sa ngayon, si Jai, Myla, at si Dhebs." Napatigil si Aireen. "Si Hailey din pala."

"Hmm Myla and Dhebs?" - Nemmy

"Bakit sila? Tsaka bakit si Jai?" - ako

"Pansin ko kasing umiiwas yung dalawa kapag napag-uusapan ang tungkol sa mafia at killer. Kadalasan sa judgement, tahimik lang sila. Bihira magsalita. Lalo na si Myla." Paliwanag ni Aireen. "Si Jai naman, chill lang siya lagi. Hindi ko makita sa kanya ang kaba at takot. Siguro pwedeng tinatago niya lang para makatulong na maging light ang situation kahit papaano, pero ang galing niya naman don."

Nakafocus kami ni Nemmy sa mga sinasabi ni Aireen. Nakita ko rin na nakatitig si Nemmy sa mata ni Aireen. Siguro binabasa niya isip nito. Charr HAHAHHAHA kyut talaga ng mga psych major.

"Isa pa, nagtataka ako kung bakit alam na agad ni Jai ioperate yung tv sa judgement room nung time na nagpakita ng screenshots si Kennylene. Napansin niyo ba?" - Aireen

"IT student si Jai. Siguro madali na lang sa kanya maging familiar sa ganon." - Nemmy

"Oo, alam ko IT student siya pero, ewan, di ako sigurado." - Aireen

"Ang sakit na ng ulo ko, magpahinga na tayo." Nagyaya ako umakyat na at makarating na sa kwarto.

"Tara na." - Aireen

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Aireen. "Lynn!"

"Hmm?"

"Halika." Sabi niya at pumasok sa kwarto niya.

Ano naman sasabihin nito?

Pinuntahan ko si Aireen sa kwarto niya.

"Isara mo ang pinto. May ipapakita ako sayo." Utos niya.

"Hoy kapag ito kalokohan na naman, sinasabi ko sayo, kukutusan kita."

"Hindi. Eto naman takot na takot. Hindi kita rerape-in. Lumapit ka nga dito." Hawak ni Aireen ang wallet niya.

"Kalokohan mo ha. Ano ba kasi yan?" Umupo ako sa tabi niya sa kama.

Pinakita sa akin ni Aireen ang isang bala ng baril na kinuha niya sa wallet niya.

"Bakit ka may ganyan?" Nagtatakang tanong ko.

"Kumalma ka nga. Hindi akin 'to." Sabi ni Aireen. "Nung gabi ng party, nung lumabas galing sa banyo si Hailey, nasanggi niya ako, nahulog niya yan. Hindi ko alam kung bakit may bala siya ng baril. Ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat Lynn, kaya sayo ko sinabi."

Kiss of Blood (Completed)Where stories live. Discover now