Kabanata 7

1.2K 60 42
                                    

Kabanata 7

Betrayal

He was a fun company, as expected. May mga bumabati pa rin sa kaniya habang nag-uusap kami which I find disrespectful for my part. Lagi niya naman akong pinapakilala tuwing tinatawag siya pero hindi pa rin iyon sapat para matuwa ako.

"This is Crescent, Christoff Acosta's daughter..."

Talaga bang kailangan ganiyan ang pagpapakilala?

"Puwede mo namang sabihin na kaibigan mo ako. No need to mention my father." Umirap ako.

Inangat niya ang kilay niya. "Kaibigan?"

"Oo, bakit? Hindi ba?"

"Okay, I'll take what I can get..." Tumango siya at sumubo ng quesadilla.

Kaunti lang ang nakain ko. Masarap naman ang mga pagkain kaso mas nag-enjoy pa akong panoorin siya kaysa kumain. Hindi rin naman niya ako pinilit no'ng sinabi kong busog na ako. He ate a lot and even my leftovers. He must've worked hard to have that kind of body while still being able to eat like a beast.

"Bakla ka!"

Napalingon lahat ng mga ka-service ko kay Kelly mismong pagpasok niya pa lang. Ang iba pa ay sinuway siya pero walang pake ang babae. Talagang tumili pa kahit ang sama na ng tingin sa kaniya. Nobody is happy this early in the morning. We all have our poker face on habang siya ay gising na gising.

"You are so secretive! Naiinis na ako sa'yo ha!" reklamo niya pa.

Pinasak ko ang airpods ko sa tenga ko para hindi na marinig ang susunod niyang sasabihin. She's too loud. Inaantok pa nga ako e. Alas nuebe kaming nakauwi ni Ansel kagabi. Niyaya niya pa kasi akong maglaro sa Timezone. I volunteered to buy some load, pero ayaw niya. Siya lang ang gumastos. Siya rin ang gumastos no'ng kumain kami. Gano'n kaya talaga siya gumastos kapag umaalis?

Siguro. I'm not that special for sure. Baka after pa nila pumunta sa mall no'ng mga dinadala niyang babae, dumidiretso sila sa Hotel.

Uminit ang mukha ko sa mga senaryong naisip ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagsabay sa kanta para mabaling ang atensyon ko at hindi na matuloy pa ang naisip.

Sa sobrang lakas ng pinapatugtog ko, hindi ko talaga naririnig ang mga sinasabi ni Kelly. I made sure that it was hidden in my hair.

Kaya naman nagulat ako no'ng hinawi niya ang buhok ko at binunot ang nakalagay sa tenga ko. "You weren't listening!" she complained.

"Ang aga-aga, ha. You're so noisy, Kelly," sambit ng kapapasok na si Brigette.

Kelly rolled her eyes then she stayed silent the whole ride to our school.

Sa break time ay hinila agad ako ni Kelly papuntang restroom.

Kita ko ang paika-ika niyang lakad. I couldn't help but ask about it.

"Bakit ka ba ganiyang maglakad? Kahapon pa 'yan, ah..."

Nanlaki ang mata niya pero umiling din. "W-Wala ito!"

Sa wakas ay nakaabot kami sa loob ng restroom. Hinila niya ako.

"What about Bri?" tanong ko.

Umiling siya. "She's out of my questions. Mukhang hindi pa umaabot sa kaniya ang balita." Nakangisi siyang nakaharap sa akin.

"Okay? Then spill..." bulong ko at luminga sa mga taong pumapasok sa loob.

She's weird every day that this didn't even surprised me. Sanay na akong ganito si Kelly kapag may sasabihin sa aking chismis o may itatanong na hindi puwedeng malaman ni Brigette. In the latter's case, it's always about her question for Ansel. Ngunit matagal niya nang hindi nababanggit si Ansel kaya siguro naman ay iba ngayon.

Weeping Her Lost Desires (Baby Daddy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon