Kabanata 24

1.3K 44 7
                                    

Kabanata 24

Revenge

Hindi ako nakatulog agad dahil sa tanong ni Mama. Pilit kong tinawanan lang ang tanong niya kagabi kahit alam ko naman ang sagot ko. I've never really denied it, I just don't confirm it with other people. I'd rather let them think themselves.

My actions were clear as a crystal. It was adequately clear for me as it was blurry to them. I'm bitter like an unripe fruit plucked years earlier than its real season.

I honestly dreaded myself for being so pathetic around him. I'm always dumbfounded, gaping like a mad kid craving for a toy she couldn't have. The difference is that he's reachable but has cynical intentions.

Inipon ko ang lakas ng loob bago pumasok sa loob ng lobby. I saw his car beside my usual parking spot. Maraming bumati sa akin na tinanguan ko lang. When the elevator stopped on my floor, I gave out a heavy sigh.

Kita agad ang opisina na naka-assign sa kaniya pero wala siya roon. Para na naman akong baliw na hindi mapakali sa kakalingon sa buong palapag. Tinakbo ko ang distansya ng elevator at opisina niya. Pumasok ako sa loob para kumpirmahin ang presensya niya pero wala talagang tao sa loob.

Pinuntahan ko ang office ko na sa tapat niya pero wala talagang tao roon.

"Rhian," I called the woman in front of my office.

"Yes, Ma'am?"

"I saw Anselmo's convertible in the parking space outside. Where is he?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "Narito po siya kanina, Ma'am... Inalok ko po siya kanina ng kape pero siya na lang daw po kaya baka nasa-"

Hindi ko na siya pinatapos sa tagal niyang sabihin sa akin ang lugar. Dumiretso na ako sa staff lounge kung saan tama nga ang hinala niya. There, stood miraculously stupefying, the guy with a huge smirk while talking to one of my personnel.

They didn't feel my presence as they continued exchanging simple words. The girl blushed at something that he said. I gritted my teeth before walking my way closer with my hand on my hips.

"What are you doing?"

Nalaglag ang panga noong babae at agad itong nagpaalam sa akin. Inirapan ko ang babae bago ibinaling ulit ang tingin sa lalaking may multong ngiti.

"This is why you want an office here? To flirt with my employees. Bakit? Nasubukan mo na ba ang lahat ng mga babae sa inyo at dito ka naman ngayon naghahasik ng lagim?" giit ko na may pilit na ngiti.

"Good morning to you too," he said, then he tried to hold my hand, but I slapped him away.

"You're a fucking flirt, Anselmo. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo!" I shouted.

Unti-unting nawala ang ngisi niya at sinubukan ulit hawakan ang kamay ko pero hinawi ko na naman.

He groaned. "I didn't do anything. The girl just asked me if I was the one producing the site condominium near this building. I said yes and she was just complimenting my constructs..."

Umiling ako at naglakad papuntang opisina ko. Naramdaman kong sumunod siya sa akin at siya na mismo ang nagsarado ng pinto pagkapasok namin.

"Baby..." Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko kaya lumayo ako.

"Umalis ka na, Anselmo! Bawiin mo na ang pera mo. Babayaran kita sa utang ni Papa, bigyan mo lang ako ng isang taon para palaguin ang kumpanya. Isang bilyon kung isang bilyon!"

"Crescent, I don't need your money, please calm down..." aniya.

"Hindi ko kailangan ng utang na loob sa'yo. I need you gone and out of my life. No connections," I said roughly.

Weeping Her Lost Desires (Baby Daddy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon