Kabanata 20

1.4K 50 2
                                    

Kabanata 20

Forever

After years, Grace told me that he hasn't visited the country since he left. Why now? Because of Papa? He's fine with my father now because my father's now dead? Nakalimutan niya na ba lahat ng mga masasakit na salita na sinabi sa kaniya ni Papa? The punches? Breaking us apart? Of course, he would. Everything meant nothing to him.

Did he keep in touch with Papa? Kaya ngayong nalaman niyang patay na ay 'yon ang una niyang pinuntahan mismong pag-uwi niya ng Pilipinas?

Why did I sound like I didn't want him to forgive my father? My father deserved peace. He lamented everything before he died. Baka humingi na rin siya ng tawad kay Anselmo bago pa siya malagutan ng hininga. Kung ako naman, mas maayos siguro kung hindi na siya humingi ng tawad kay Anselmo. Papa was right about him.

Mukhang nakamove on na ang lahat sa nangyari, kahit si Papa bago siya namatay. Ako na lang ba ang hinihila pa rin ng nakaraan? Kung gano'n. Simula ngayon, pipilitin ko na ang sarili kong makalimutan ang nangyari dati. Wala na akong dahilan para umasa pa.

Today is Papa's funeral. Akala ko ubos na ang luha ni Mama pero patuloy pa rin ang hagulhol niya habang nagbabasbas ang pari. Buhat buhat ni Tevaughn ang anak ko because she's so beat up of running around with other kids. Isang linggo na hindi pumapasok sa nursery school si Augusta. I still won't let her even after Papa's funeral.

Hinagod ko ang likod ng ina kong patuloy pa rin ang iyak.

"Mama, we need to go..." mahinhin ko siyang binulungan nang hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa tombstone ni Papa.

Nilingon ko sina Tita Nailea at Tito Thiago na nakatayo rin sa gilid ni Mama. Si Tevaughn ay nasa likod ko lang, bitbit pa rin ang anak kong tulog.

"Crescent, mauna na kayo ni Tevaughn sa funeral reception. Kami na ang magsasabay sa Mama mo..." si Tita Nailea.

Huminga ako ng malalim sabay tango. It's hard to see my Mama like this. I hope they could calm her more than my attempts.

Nauna na ang iilang inimbitahan ni Mama sa funeral reception. Ayaw ko sana ng gano'ng kaganapan pero kung 'yon ang makakapagpabuti sa kalooban ni Mama, mas ayos sa akin 'yon. Kung kailangan niya ng mga tao para sabayan siya sa pagluluksa, ayos sa akin 'yon. Kung ano ang sa tingin niyang makakatulong sa kaniya.

Sa parking ay nandoon pa rin sina Grace at Kuya Shemuel na naghihintay sa amin ni Tevaughn. We all have our separate cars, so they didn't have to wait.

Magsasalita na sana ako sa kanila nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sa screen ay nakalagay ang pangalan ng sekretarya ni Mama.

I told her to postpone all business meetings and associations for two weeks. Why is she calling now?

"Rhian," I called with a formal tone.

"Ma'am Crescent. I know you told me to give you two weeks off, but this is urgent. We just had the reminder of last month's schedule that we need to pay the highest associate of your father... It's been going on for months and it says in the contract that the compa-"

"Rhian, please slow down," mariin kong sambit.

Pinagtitinginan ako ng mag-asawa at ni Tevaughn ng pagtataka.

"Ma'am, the office will need to cut down employees."

"Wait, ano? Iba pa 'yan sa sinabi mo no'ng una?"

"No, Ma'am. It's your father's first option if we haven't paid the debt until the end of indenture."

"Rhian, why can't this wait?" irita kong sabi.

Weeping Her Lost Desires (Baby Daddy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon