Chapter 12 Happy

244 14 0
                                    

Kinsky's POV

Tatlong araw ng walang malay si zari at miss na miss ko narin siya, ako lagi ang nag babantay sakanya dito sa clinic hindi ko talaga siya iniwan, wala pa kaming klase ngayon kasi nalipat na akong royal section ganon din si zari, sigurado akong magiging masaya siya pag nalaman niyang mag kaklase na kami.

Kung tatanungin niyo kung ilang points ang nakuha niya nong leveling ay 95, oh diba first time niya lang pero nalagpasan niya na agad yung ibang royalties, ang galing niya naman kasi talaga nong leveling diko iniexpect na ganon niya pinaghandaan, I'm so proud to my bessy.

Narinig Kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang mga royalties na may dalang pagkain.

"Hindi parin ba siya nagigising" tanong ni zhoe.

"Hindi parin ei" malungkot na sabi ko.

"Hintayin nalang natin na magising siya, oh eto kinsky kumain ka muna alam namin na wala ka pang kain simula kaninang lunch" sabi ni finn sabay abot sakin ng pagkain, hindi pa kasi talaga ako kumakain simula kaninang lunch dahil hindi ko talaga maiwan si zari.

"Ahm thank you dito, pero mamaya nalang siguro dipa naman ako gutom ei"

"You're going to eat or I'm going to feed you" seryosong sabi ni ice, ano naman kayang problema ng isang toh, pinagpipili niya ako kung kakain daw ba ako or susubuan pa niya ako, pwedeng yung second nalang, char hahaha.

"Sabi ko nga kakain na ako" nakita ko yung ibang tingin ng royalties para silang ng aasar amp.

Kaya naman ay wala akong ibang nagawa kondi kumain, yung iba naman ay nagsi upuan nalang sa sofa.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa tabi ni zari, nakita ko naman na nanonood sila ng tv.

"Guys hindi paba kayo babalik sa dorm niyo, gabi narin kasi ei"

"I'm going to stay here" biglang sabi ni trev aba parang kelan lang sinusungit sungitan niya si zari ah.

"Oo nga kinsky hayaan mo na si trev na mag bantay dito para makapag pahinga ka naman.

"Okay fine, bantayan mo siya ng maigi"

"Halika na sumabay kana saamin" sabi ni Azi, wala narin akong ibang nagawa kondi ang sumunod sakanila, tinignan ko lang ulit si zari bago ako lumabas.

Pagkalabas ko nakita kong nauuna na yung ibang royalties si ice nalang ang nakita kong nag aantay saakin sa labas.

"Let's go" sabi niya bago kami nag lakad, ang bagal namin mag lakad sa totoo lang, hindi ko tuloy alam gagawin ko.

"How are you" biglang tanong niya, ei kasi naman kanina pa kami tahimik.

"Okay lang naman, medyo malungkot lang talaga ako kasi dipa rin nagigising si zari"

"Magigising din naman siya, at pwede ba kumain ka naman" hala wag kang ganyan ice kinikilig ako.

"Hindi lang kasi talaga ako makakain ng maayos kasi hindi ko maiwan si zari"

Sa pag uusap namin hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng building namin, hindi ko narin makita yung ibang royalties siguro nauna na sila.

"Sige mauuna na ako, bye salamat sa pag hatid" aalis na sana ako pero bigla niyang hinila yung kamay ko.

"Goodnight" nagulat ako sa sunod niyang ginawa, shit hinalikan niya ako sa noo, omg kinikilig ako.

"bye" pagka sabi niya non ay umalis na din siya agad, ako naman ito nakatunganga parin, hindi ko parin na poprocess yung ginawa niya.

Pagka balik ko sa dorm namin hindi ko na napigilan tumili wahh shit yung crush ko kiniss ako sa noo.

Arcadia Academy ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon