Chapter 28 Another Mission

188 9 0
                                    

Zhyriyah's POV

It's been a month since nong pumunta  kami ng palasyo at nag tataka narin kaming mag kakaibigan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nag sisimula ang training namin para sa DLC.

"Bat kaya hanggang ngayon di parin nag sisimula training natin" Tanong bigla ni zheus habang andito kami sa Garden tumatambay wala kasi kaming klase ngayon dahil nasa meeting lahat ng Prof.

"Baka hindi na tuloy" bigla namang sabi ni Azi.

"Ei ano ba yan, sayang naman kung ganon" sabi naman ni Zhoe.

"Mag antay nalang tayo baka may inaayos lang sila"

"Tama si zari baka may naging problema lang kaya mag antay nalang tayo"

"Royalties together with zhyriyah and kinsky pinapatawag po kayo ngayon ni HM sa office niya" pagka sabi non ng isang estudyante ay umalis na din siya agad.

"Tara na guys baka yung about sa DLC yung sasabihin ni HM" kaya naman ay tumayo na kami sa pagkakaupo namin sa damuhan at nag simula ng mag lakad papunta sa office ni HM.

"Sino kakatok" bigla namang tanong ni finn.

"Zhyver Ikaw na" seryosong sabi ni zhyren.

"Zheus ikaw nalang ikaw malapit sa pinto ei"

"Huh bat ako, ikaw inutusan"

"Tanginang yan kakatok lang mag tuturuan pa kayo" kaya naman ay pumunta na ako sa harap ng pinto at nag simulang kumatok.

"Come in" narinig naming sabi ni HM kaya pumasok na kaming lahat.

"Maupo kayo"

"Bakit niyo po kami pinatawag HM about po ba ito sa training namin" Tanong ni Azi.

"Actually no, kaya ko kayo pinatawag dito ay dahil gusto Kong sabihin sainyo na hindi na matutuloy ang DLC"

"Po? Bakit naman HM" Tanong ko.

"Kaya kami nag karoon ng meeting kanina dahil nakatanggap ako ng mensahe galing sa hari ng Light dimension na hindi na daw matutuloy ang DLC sinabi niya rin saakin na kaya hindi na matutuloy ay dahil sinugod sila ng mga Black devils. Hindi nila ito Inaasahan kaya hindi sila nakapag handa, marami ring namatay ng dahil sa pag sugod ng mga Black devils. Hindi nila kinaya ang mga alagad ni devin dahil sobrang dami nila"

"Teka lang po HM, bakit naman pati sa ibang dimensions ay sinugod ni devin" Tanong ni finn.

"Dahil gusto niyang pag harian hindi lang ang Arcadia kondi pati narin ang ibang dimension. Isa rin pala sa dahilan kung bakit ko kayo pinapunta dito dahil gusto kung tulungan niyo sila"

"Kami lang po" Tanong ni zhoe

"Alam kung makakaya niyong talunin sila dahil meron kayong elemental powers at wala naman doon si devin tanging ang mga alagad niya lang ang nandoon"

Sobrang sama talaga netong si devin pati ba naman ibang dimension dinamay pa, sisiguraduhin kong mabibigyan ko ng hustisya ang pagka matay ng mga magulang ko.

"Paano nga po pala kami makakapunta doon diba po kelangan mo ng susi galing sakanila bago ka makapasok sa dimension nila"

"Wag kayong mag alala dahil kasabay ng mensaheng pinadala nila ay binigyan din nila tayo ng susi papunta sakanilang dimension"

"Sa tingin niyo po ba magiging matagumpay itong mission namin"

"May tiwala ako sainyo alam kong kakayanin niyo yan. At wag niyo naring isipin ang mga magulang niyo dahil alam na nila ito"

Arcadia Academy ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon