Chapter 1 First Day

542 22 0
                                    

Zhyriyah Dan Riley

Ang sarap sarap ng tulog ko ng bigla kong narinig ang boses ni mama.

"zhy wake up malilate kana sa klase mo remember this is your first day"
Oh shit oo nga pala takte nakalimutan ko.

"yes ma babangon na po" pagka sabi ko non ay dali dali na akong pumunta sa banyo sa pag mamadali ko ayun nadulas ako pisting yawa ka naman oh nag mamadali na nga mamalasin pa jusme kay aga aga.

Pagkatapos kong maligo ay agad narin akong nag bihis pisti talaga ng dahil sa sobrang pag mamadali ko pati panty ko baliktad ay bahala na nga di rin naman nila makikita.

Agad na akong kumain at pagkatapos kong kumain ay nag paalam na ako kay mama wala si papa kasi maagang umaalis yun para sa trabaho.

Sumakay na ako sa kotse namin at sinabi ko narin kay kuya driver na bilisan niya malilate na nga ako 8:30 start ng klase ko 8:22 na shit talaga first day na first day malilate ako.

Pagkarating ko sa school ay tumakbo na agad ako papasok sa loob pero kung minamalas ka nga naman makakasalubong ko pa ang unggoy, siya lang naman ang sinasabi nilang Queen bee daw psh bagay nga sakanya yung title na yun higit na sa isa siyang bitch ay mukha din siyang bubuyog.

"Ay bubuyog!" nagulat nalang ako ng may humigit sa kamay ko tangina si bubuyog lang pala kasama yung alipores niya nakakainis naman ei late na nga ako tapos haharangan pa ako ganon na ba ako kaganda.

"anong bubuyog yang sinasabi mo ah"
Inis na sabi ni bubuyog este si abby "ikaw, at siyaka pwede ba wag mo muna akong guluhin kasi late na ako bwiset ka rin ei noh" inis rin na sabi ko sakanya nakakabwiset pag ako talaga napagalitan ng prof ko ng dahil sa bubuyog na toh makakatikim talaga siya sakin.

Sasampalin niya sana ako ng mapigilan ko siya "once na dumapo yang madumi mong kamay sa maganda kong mukha matitikman mo ang hindi mo pa natitikman, don't try me bitch"

Pagkasabi ko non ay umalis na ulit ako tinignan ko relo ko 8:28 na may 2 minutes pa ako kaya ayun takbo ulit ako pagka rating ko sa harap ng room ko ay eksaktong 8:30 na shit sana wala pa si Prof.

Pagkabukas ko ng pinto nakita kong wala pa sa prof hay sa wakas kahit papano sinwerte din ako pagka pasok na pagka pasok ko marami na agad akong naririnig na bulungan pero bulungan paba yun rinig na rinig ko ei.

"hala ang ganda talaga ni zari " Girl 1

"oo nga ang swerte naman natin classmate natin siya" Girl 2

"pre ang swerte natin classmate natin si zari" Boy 1

"pre liligawan ko talaga yang si zari" Boy 2

At syempre hindi mawawala ang mga insecure sa mundo.

"psh mas maganda parin naman ako jan" Bitch 1

"masyadong papansin nakakainis" Bitch 2

Ilan lang yan sa mga narinig ko hayst hirap talaga maging maganda umangal mababaog char lang.

Pumunta na agad ako sa pinaka last row ng seats malapit sa bintana doon favorite spot ko ei kung nag tatanong kayo kung may kaibigan ako ang sagot wala ayuko magkaroon ng kaibigan kasi some of them is plastik baka kapag nakuha na nila loob mo bandang huli sila rin pala manloloko sayo, and i preferred lonely sanay naman ako.

Biglang dumating yung prof namin jusme ito yung terror na prof si Mrs. Agunsilio.

"okay dahil first day lang naman natin ang gagawin lang natin ay introduce your self, mauuna sa first row okay start with you" tinuro niya yung babaeng nasa unahan.

Natapos na lahat at ako nalang ang huli kasi nga nasa last row ako tumayo na ako at nag pakilala sa harap.

"Zhyriyah Dan Riley, please be good at me" pag kasabi ko non bumalik na agad ako sa upuan ko.

Natapos ang buong klase na panay introduce your self lang.

Pagka uwi ko naabutan Kong nag uusap si mama at papa kaya di muna ako pumasok di ako chismosa ah curious lang talaga ako.

"hon kelan ba natin sasabihin kay zhy ang totoo, hindi naman pang habang buhay ay maitatago natin ang katotohanan sakanya" rinig kong sabi ni mama.

"alam ko hon pero natatakot lang din ako para sa anak natin alam naman nating hindi siya ordinaryong tao lang iniisip ko din na paano kong hanggang ngayon hinahanap parin siya ni devin"

Ano kayang ibig sabihin ni mama atsaka ano daw hindi ako ordinaryong tao, oo alam ko naman yun kasi minsan parang may gustong lumabas na enirhiya sa katawan ko ang weird din minsan atsaka ano kayang ibigsahin nila na hinahanap daw ako nong devin sino naman yun.

"kelan din natin sasabihin sakanya na hindi tayo ang tunay niyang mga magulang"

Nagulat ako sa sinabi ni mama what the heck all this years tinago nila sakin ang katotohanan hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nagulat sila ng bigla nalang akong pumasok sa bahay.

"anak kanina kapa ba diyan"

"oo ma at narinig ko lahat. Bakit? Bakit niyo nagawang mag sinungaling sakin, ang sakit non ma mahal na mahal ko kayo ei hindi ko inaakala na makakaya niyong mag sinungaling sakin."

"anak hindi sa ganon" hindi ko na pinatapos si papa at umakyat na agad ako sa kwarto ko wala akong ibang ginawa kondi umiyak ng umiyak hindi ko parin talaga matanggap kong bakit hindi sila nag sabi ng totoo sakin.

At ang masakit din hindi pala nila ako tunay na anak ang dami nanaman pumapasok sa isip ko iniisip ko kung nasan kaya yung tunay kong mga magulang bakit kaya nila ako iniwan basta andami.

At sino rin kaya yung devin na humahanap sakin ano naman kayang kelangan niya grabe ang daming ng yare ngayon araw hindi ko keri pero bawal ma stress kasi baka pumanget

Sa sobrang kakaisip ko at pag iyak naka tulog na akong walang ligo at bihis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
•Thanks for reading don't forget to vote•
•please wait for my update•

Arcadia Academy ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon