Chapter 29 Light Dimension

191 11 0
                                    

Zhyriyah's POV

Nang maka pasok kami ng portal ay hindi kami umikot ikot hindi kagaya ng normal na portal na ginagamit sa Arcadia yung tipong halos masuka ka sa hilo pero ito hindi para lang kaming tumagos sa liwanag at andito na agad kami.

Andito kami ngayon sa Lugar kung saan ang dilim dilim at kitang kita mo rin ang mga bahay na nasira ng dahil sa pag sugod.

"Hindi ko inaakala na ganito kalala ang sinapit nila" narinig kong sabi ni Finn.

Mukhang hindi nga talaga nakalaban ang kaharian ng light.

"Mag tago tayo may mga paparating na black devils"

Pagka sabi non ni Zhyren ay agaran kaming nag tago sa isang mababang pader.

Sumilip ako ng konti at nakita ko nga ang mga paparating na Black devils at sa tingin ko ay nasa bente sila pataas. Alam kong marami pang nakakalat na mga black devils dito.

Nang makita naming naka layo na silang lahat ay umalis na kami sa pinag tataguan namin. Nag libot libot nalang muna kami dahil nag babakasakali kaming kahit papano ay may natira paring naninirahan dito.

"Mukhang lahat ng tao dito ay bihag nila" seryosong sabi ni Ice.

"Subukan nating pumunta sa bandang gubat at baka may mga nag tatago doon"

Kaya naman ay lahat kami sumunod sa sinabi zhoe nag lakad kami ng dahan dahan dahil baka makita rin kami ng mga Black devils, pagka rating namin sa gubat ay halos makalbo narin ito dahil lahat ng puno ay sira sira na.

"Sino kayo"

Lahat kami ay nagulat ng may mag salita sa likod namin kaya lahat kami ay napa tingin don.

"Anong ginagawa niyo dito, isa rin ba kayo sa mga kalaban"

"Nag kakamali ka. Lahat kami ay nang galing sa ibang dimension at kami ay taga Arcadia, andito kami para tulungan kayo" seryosong pakikiusap ko dito.

"Kung ganon ay sumama kayo sakin para maipaliwag ko ng maigi sainyo"

Lahat kami ay sumunod sakanya ng sabihin niya yon.

Hindi naman nag tagal ang pag lalakad namin at nakarating kami sa isang maliit na kubo, ito na ata ang tinitirahan niya.

"Pumasok kayo" pumasok kaming lahat at umupo. Pagka tapos non ay binigyan niya kami isa isa ng tubig.

"Sabi niyo sakin ay galing kayo ng Arcadia"

"Oo at andito kami dahil pinadala kami dito ng headmistress ng Arcadia Academy gusto niyang tulungan namin kayo" seryosong sabi ni finn.

"At sino naman kayo"

"Sila ang prinsesa at prinsipe ng Arcadia Academy" sabay turo ko sakanila syempre except kay kinsky "At kami namang dalawa ay mga kaibigan nila"

"Ako nga pala si Kendrious Czech ang prinsipe ng light kingdom"

Tumayo ako at nagpakilala din sakanya "Nice to meet you Prince Kendrious, I'm Zhyriyah and this is my friends Kinsky, Aziah, Finnley, Zhyver, zhyren, zheus and my boyfriend, Trevor."

"Nice to meet you all"

"Teka paano ka nga pala nakaligtas sa pag sugod ng mga Black devils" Tanong ko dito.

"Nong araw na sumugod ang mga kalaban sa kaharian namin ay nasa misyon ako at ng bumalik naman ako dito ay nakita kong halos wala ng natitira na tao sa buong light kingdom  kaya naman ay agad akong sumulat at pinadala sa inyong paaralan, ipinangalan ko to sa aking ama para mas mabilis na makarating sa Inyong HM, at pagkatapos non ay nag hanap agad ako ng pwede kong matataguan at buti nalang ay nakita ko itong maliit na kubo halos mag iisang linggo narin akong naninirahan dito"

"Alam mo ba kung saan nakakulong ang mga binihag nilang mamamayan ng light kingdom" Tanong ni Zhyren kay Kendrious.

"Sa tingin ko ay naka kulong silang lahat ngayon sa aming palasyo"

"Kung ganon ay sa palasyo niyo tayo susugod at pakakawalan lahat ng bihag don" seryoso ulit na sabi ni zhyren.

"Hindi lang yon ang problema, dahil napag alaman ko din na may mga bihag din sa ibang palasyo dito sa light"

Mahihirapan pala kami neto dahil marami pang Black devils na nakakalat sa buong light kingdom.

"Ilang palasyo ba meron kayo dito" Tanong ko.

"Tatlo lamang. Ang Gardenia Palace, Darkenia Palace at ang light kingdom"

"Kung ganon ay kelangan nating mag hiwa hiwalay para mas mapa dali" seryosong sabi ni Trev.

"Bukas natin isasagawa ang pag sugod sa ngayon ay kelangan na muna nating mag plano ng maigi"

"Tama si Zari dahil hindi natin alam kung gaano pa karami ang natitira dito na black devils" sabi ni kinsky.

"Sino ang mag kakasama" Tanong ni Azi.

"Trevor, Finnley, Zhoe and Zhyver sa gardenia Palace kayo at kayo naman Azi, zheus, Ice and kinsky sa Darkenia Palace at ako si Zhyren at Kendrious sa light kingdom" Wala namang umangal ng sinabi ko iyon kaya settle na.

"Hindi tayo pwedeng sumugod ng basta basta dahil baka idamay nila ang mga inosenteng tao" sabi ni Zhyver.

"Tama si Zhyver pwede nilang gamitin ang mga taong nakakulong para lahat tayo ay umatras, kaya kelangan talagang mag plano ng maigi"

"Kendrious memorize mo ba bawat pasukan ng mga palasyo dito" Tanong ni Azi.

"Oo, sa Gardenia Palace ay mas maigi kung sa likod kayo dumaan dahil may sekretong pintuan doon sa malaking garden nila walang masyadong nakaka alam sa pintuan na yon, pagka pasok niyo doon ay mapupunta kayo sa underground ng palasyo nila at don niyo na pwedeng simulan hanapin ang mga bihag ng hindi nalalaman ng mga Black devils"

"Mabuti kung ganon, pag napakawalan niyo na lahat ng bihag doon ay dalhin mo silang lahat dito Zhyver dahil meron ka namang kakayahan na mag teleport at habang yung iba naman ay sisimulang kalabanin ang mga Black devils" pagka sabi ko non ay lahat sila nag tunguhan.

"Paano naman sa Darkenia Palace" Tanong ni Zheus.

"Pwede kayong dumaan sa likod ng palasyo dahil sigurado naman akong walang nag babantay don dahil lahat sila ay nasa harap ng pintuan ng Darkenia Palace, pagka pasok niyo naman don ay nasa malapit na kayo ng Throne room, mag iingat nalang kayo dahil sigurado akong may mga nakabantay doon"

"Kung ganon ay si Azi at kinsky ang mag hahanap ng mga bihag habang si Zheus at Ice naman ang lalaban sa mga black devils at kapag napakawalan niyo na sila Azi ikaw ang mag dadala sakanila dito" Hindi naman na ulit sila umangal kaya okay na ulit.

"Sigurado akong mas maraming Black devils ang nasa light kingdom" seryosong sabi ni Kendrious.

"Psh wag kang mag alala malalakas kaya yang kasama mo"

"Shut up Zhyver" seryosong sabi ni Zhyren sa kapatid.

"May alam akong pwede natin daanan bukas kaya wag na kayong mag alala"

"Mabuti kung ganon"

Marami pa kaming pinag usapan about sa pag sugod namin bukas bago namin naisipang matulog lahat dahil kelangan naming magising ng maaga bukas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
•Thanks for reading don't forget to Vote and Comment•

.......................................................
Hey guys baka maging mabagal na po ang pag update ko dahil magiging busy narin po ako sa modules ko pero susubukan ko paring isingit ang pag update.

Arcadia Academy ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon