Chapter 10 Training

251 16 0
                                    

Zhyriyah's POV

Papunta na kami ngayon sa dorm ng mga royalties kasi may sarili daw silang training room doon.

Pano ko kaya sisimulan ang training ko ei hindi ko pa naman nababasa yung libro na kinuha namin sa library, ay bahala na nga.

Andito na kami ngayon sa dorm ng mga royalties at ang masasabi ko lang ay ang ganda ng dorm nila ibang iba sa dorm namin, ang alam ko kasi ay mag kakasama silang lahat dito kaya maluwang at syempre sila din ang mga royalties kaya may special treatment.

Sumakay kami sa parang elevator ulit kasi nasa underground daw yung training room nila.

Pagkarating namin don, namangha nalang ako sa ganda ng training room nila sobrang luwang tapos kompleto narin yung mga armas na pwedeng gamitin.

"Okay guys ano gusto niyong unahin sa training natin" tanong ni zhyver.

"Ahm guys, actually i still don't know how to use my power" nahihiyang sabi ko.

"No problem zari, anjan naman si zhoe at zheus para itrain ka dahil pare pareho naman kayong water element ang kapangyarihan" sabi ni finn.

"Of course, ako ng bahalang mag turo sayo kung pano gamitin ang water element" hayst buti nalang at may mag tuturo na saakin, thanks to zhoe.

"Bago tayo mag simula kelangan muna nating mag lagay ng barrier, zhyren ikaw na mag lagay" pagka sabi non ni azi ay pumunta na sa harap si zhyren.

May narining akong sinabi ni zhyren na spell pero diko naman maintindihan, pagka sabi niya nong spell ay nakita kong parang may pumalibot sa buong training room.

"Okay let's start the practice" pagka sabi non ni ice ay nag hiwahiwalay na kami, ako naman sumunod kay zhoe dahil tuturuan niya nga ako kung pano gamitin yung kapangyarihan ko.

"May alam ka bang cast kahit isa para mapalabas mo ang kapangyarihan mo" tanong sakin ni zhoe.

"Wala nga ei, pero may kaya akong palabasin" pagka sabi ko non ay nag concentrate agad ako at pinakiramdaman ang enirhiya na gustong lumabas sa katawan ko, pagka mulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ulit yung water ball.

"Yang nailabas mong kapangyarihan ay isa yang water ball, kaya mo pa yang palakihin basta ibuhos mo lang lahat ng lakas mo, wag mong pigilin ang enirhiya na gustong lumabas sa katawan mo" pagka sabi non ni zhoe ay sinubukan ko ulit mag concentrate at hinayaan kong lumabas lahat ng enirhiya na gustong lumabas sakin.

Nakita ko naman na mas lalong lumalaki yung water ball na nabuo ko.

"ngayon subukan mong ibato yan" walang pag aalin langan na ibinato ko siya sa gilid, at pagka bato ko bigla nalang sumabog pero wala namang nasaktan saamin kasi may sari sarili rin kaming barriers.

"Good job zari nagawa mo, mabilis ka lang naman palang turuan ei kaya dika mahihirapan na matutunan agad ang kapangyarihan mo"

"Thank you" masayang sabi ko.

"Okay next, subukan mo namang mag palabas ng maraming water balls" Marami? As in marami talaga, kaya ko kaya yun, bahala na you can do it zari.

"just do the same thing, mag concentrate ka lang at isipin mo lang na bumubuo ka ng maraming water balls then kapag may naramdaman kang parang may gustong lumabas ulit na enirhiya sa katawan mo, ilabas mo lang wag mong pigilan"

Ginawa ko lahat ng sinabi niya, nag concentrate ulit ako at inisip na bumubuo ako ng maraming water balls, hindi rin nag tagal ay naramdaman ko ulit yung enirhiyang gustong lumabas sa katawan ko.

"Pag naramdaman mong parang may lumalabas sa mga palad mo, ilabas mo at ibato mo ulit"

Nakita kong umilaw yung mga palad ko at hindi nag tagal nag silabasan ang water balls na binuo ko at ibinato ko ulit ito sa gilid.

"Nagawa mo, marami ka pang dapat matutunan pero hindi mo pwedeng gamitin lahat ng kapangyarihan mo ngayon baka dahil mang hina ka lalo nat hindi kapa bihasa sa pag gamit" Tama nga si zhoe medyo parang ng hihina na nga ako.

Tinuruan niya nalang ako ng mga basic na water powers para kahit papano masanay daw ako, pero hindi yung kapangyarihan na malalakas ah, kaya nga basic ei, ay ang gulo mo zari.

Kinsky's POV

Nag hiwahiwalay na kaming lahat para simulan na namin yung practice namin, kelangan ko pa din matutunan ng maigi ang kapangyarihan ko para mas lalo pang lumakas at malaki ang score na makuha ko sa leveling.

Inuna kong mag palabas ng mga Vines at siyaka ko tinira lahat to sa gilid.

Pangalawa naman ay ang leafspeak, ng maramdaman ko na may enirhiyang gustong lumabas sa katawan ko ay hinyaan ko lang ito, pagka labas ng mga leafspeaks ay ibinato ko ulit ito sa gilid.

Hindi ko namalayan na inabot na pala kami ng dalawang oras sa pag papractice, nararamdaman ko narin na medyo ng hihina na ako ng dahil sa mga kapangyarihan na nailabas ko.

"hey drink a water first" nagulat ako ng may biglang nag abot ng tubig sakin, pagka angat ko ng ulo ko ay nakita ko si prince iczeckel, hala shit si crush, naramdaman kong parang namumula na ata yung mga pisngi ko hala kinsky dream come true, di charing lang.

"ah thanks" nahihiyang sabi ko jusme kalma ka lang heart.

"Go there and eat a snacks first" pagka sabi niya non ay umalis na din siya, kaya naman sinundan ko narin siya dahil nagugutom narin ako.

Zhyriyah's POV

Grabe diko namalayan na inabot na pala kami ng dalawang oras sa pag papractice.

Naka upo lang ako dito habang nakapikit ng maramdaman kong may tumabi sakin, pagka mulat ko nakita ko si sungit.

"here, uminom ka muna ng tubig" ay bakit parang biglang bumait tong si trev, nilagay ko yung kamay ko sa noo niya para icheck kung may lagnat siya.

"Wala ka namang lagnat"

"What the heck are you saying" loh ayan nanaman siya bumalik nanaman sa pagiging masungit.

"Ei nag tataka lang naman ako bakit parang bumait ka ata bigla"

"Tsk. You're crazy" pagka sabi niya non ay umalis na din siya agad.

Loh ako pa talaga baliw, siya nga jan ei, bipolar din pala tong isang to.

Sumunod nalang din ako sakanya para makapag meryenda narin, gutom narin ako ei.

"Okay bukas naman ay gagamit tayo ng mga swords, then sa mga susunod na araw ay may makakalaban tayong mga dummy." Sabi ni finn.

Sana lang talaga maging maganda ang kakalabasan ng practice ko para malaki makuha kong score sa leveling.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
•Thanks for reading sorry if hindi ako nakapag update kanina naging busy kasi ei bawi ako tommorow•

•Don't forget to Vote and Comment•

•Leveling is next! •

Arcadia Academy ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon