Chapter 19 Going Back

205 13 0
                                    

Zhyriyah's POV

Kakarating lang namin ng manila medyo ginabi narin kami kasi hapon narin nong umalis kami kanina sa boracay, namimiss ko na agad don sana naman makabalik kami ulit don.

Bukas ng umaga aalis nadin kami pabalik sa Arcadia tapos na kasi yung three days vacation namin ei, grabe parang ang bilis ng araw parang kelan lang nong dumating kami dito ah.

"Bago tayo bumalik sa bahay kumain muna tayo alam kong gutom narin kayo"

"Sige po pa"

Kaya naman ay dumaan na muna kami sa isang restaurant at kumain, pagkatapos namin kumain ay umuwi nadin kami agad kelangan pa kasi namin mag pahinga.

"Sige na matulog na kayo"

Nakita kong umakyat na yung iba kung mga kaibigan pero ako plano ko pang kausapin sina mama at papa.

"Ma, pa pwede po ba tayong mag usap"

"Sure anak. Ano bang pag uusapan natin"

"Ei kasi ma hanggang ngayon diko padin nahahanap tunay kong mga magulang"

"Anak mag antay ka lang darating din ang araw at mahahanap mo rin sila"

"Ma alam ko narin po kapangyarihan ko"

"Talaga ba anak, ano naman yun"

"Tubig po ma, sinasabi pa nga nila na ang swerte ko daw po dahil isa ako sa ma swerte na nabigyan ng elemental power"

"Hmm alam mo ba anak na hindi lang yan ang kapangyarihan mo" ano naman kayang ibig sabihin ni papa na hindi lang ito ang kapangyarihan ko.

"What do you mean, pa"

"antayin mo ang pag sapit ng kaarawan mo anak, at doon mo malalaman ang ibig naming sabihin"

"Oo nga pala ma pa next month na birthday ko, makakapunta po ba kayo"

"Susubukan namin anak"

"O siya umakyat kana sa kwarto mo at ng makapag pahinga kana"

Kaya naman ay umakyat na ako sa kwarto ko at pagkatapos kong mag half bath ay natulog na din ako.

Jen's POV ( mama ni zari )

"Ayaw mo parin ba talagang sabihin sa anak natin kung sino talaga ang mga magulang niya"

"Fernand hayaan natin na ang anak natin mismo ang makaalam na tunay niyang pag katao, may tiwala ako sa anak natin"

Ayuko lang talagang pangunahan ang anak namin dahil baka sa oras na sabihin ko ay marami ding makaalam at malaman pa ito ni devin.

Kaya rin kami umalis ulit sa arcadia dahil nalaman pala ni devin na nakabalik na kami at sinimulan niya ng ipahanap kami, alam kong nanganganib na ang buhay naming mag asawa at hindi rin ako papayag na makuha nila ang anak ko, magkakamatayan muna kami.

At sa oras din na sumapit ang ika labing walong kaarawan ni zari ay doon na lalabas ang iba pa niyang tinatagong kapangyarihan.

Zhyriyah's POV

Lahat kami ay handa na para bumalik ng arcadia, ihahatid nalang daw nila kami kung saan kami lumabas kahapon sa portal gamit nong van.

"Tara na"

Pagka sabi non ni papa ay pumasok na kaming lahat sa van, bago kami umalis tinignan ko lang ulit yung bahay namin na sana talaga ay makabalik pa ako dito.

Nag tagal lang ng 20 minutes ang byahe namin dahil hindi naman masyadong traffic at mabilis din mag drive si papa.

"O siya andito na tayo"

Arcadia Academy ( On Going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon