Crisstofer
"Hijo gising"
Napadilat siya ng mata.Nakita niya ang nanay Feh niya nakatayo sa mismong harapan niya na nagtatakang mukha.
Sino ba ang hindi magugulat sa ayos niya.Nakatulog lang naman siya sa harapan ng pintuan ni Megan.Nakasandal siya sa pintuan habang natutulog sa lapag.Hindi siya naligo kagabi kahit na amoy araw siya.Hindi din siya nakabihis pantulog.Nakakahiya ang ayos niya.
"Bakit diyan ka natulog hijo"
Wala siyang mahagilap na isasagot sa matanda.Hindi niya naman pwedeng sabihin na kaya siya nakatulog sa may pintuan kasi hinihintay niyang lumabas si Megan para makipag ayos sa kanya at sasabihin niya na okey lang maging KABIT siya atleast alam niyang hindi na siya iiwan uli ni Megan.
Ayaw niyang sabihin iyon dahil alam niuang ang isasagot nito kalimutan na niya ang feeling niya sa babae kasi may nagmamay-ari na daw at makakasira lang siya ng pagsasama.Wala siyang pakialam kong makasira man siya ang gusto lang niya ay makasama niya ang babaeng mahal niya at tatanggapin niya kahit na ilang anak pa ang meron ito.
May naisip na sana siyang isasagot ng bigla niyang narinig ang sigaw ni Megan mula sa loob ng kwarto.Agad naalirto ang katawang lupa niya.Sinubukan niyang buksan ang kwarto ni Megan pero hindi ito nabuksan.
Sigaw ng sigaw parin si Megan sa loob.Siya naman labis na ang kanyang pag alala.Isa lang kasi ang alam niyang labis na kinatatakutan ni Megan at yon ay ang Daga.Pero naisip niya na wala namang daga sa bahay niya kaya naisip niyang may masamang nangyari kay megan.
"Nanay Feh asan ba ang susi sa room na ito"
.
Nataranta na siya.Sigaw ng sigaw kasi si Megan sa loob alam niya na pag may kinatatakutan ito ay hindi na ito makakagalaw pa kaya kailangan niyang mabuksan ang pintuan bago pa ito mawalan ng malay.
Kumuha siya ng kong ano-anong bagay para mabuksan ang pintuan pero wala paring nangyari he left whith no choice.Sinira niya ang pintuan.And then nakita niya si Megan na putlang putla agad niyang kinuha ang box na hawak nito.Napangiwi siya ng makita ang loob nito.Isang patay na daga ang nakita niya sa loob na hinaluan ng dugo ng kung anong hayop tapos may note pang nakalagay na youre dead.
Agad niyang pinatapun ang box kay nanay Feh.Niyakap naman niya si Megan na putlang putla kaya pala ang lakas makasigaw kanina eh daga pala ang nakita nito at nahawakan pa.Umiyak na ito di lang dahil sa daga kundi pati na rin sa deadly note.
Nagtataka nga siya kong bakit napunta sa higaan ni Megan ang bagay na iyon eh sa may pintuan siya nakatulog kagabi kaya imposibleng hindi siya magising kung pumasok ang salarin.
Tiningnan niya ang bintana at nakita niyang nakabukas ito ng kaunti at alam niyang doon dumaan ang salarin.Napailing nalang siya.Alam niyang mabait na tao si Megan kaya wala itong kaaway pero nagtataka siya kung bakit pinadalhan ito ng ganoong klase ng bagay.
"Crisstof takot ako di para sa akin kundi sa dalawa kong anak."
Naisip niyang baka nga pati anak ni Megan eh idadamay pa sa gulo.Ano ba ang pwede niyang gawin ang patirahin ang dalawang bata sa bahay niya.Kaya niya bang maging isang ama sa mga batang anak sa ibang lalaki ng babaeng mahal niya.Naisip niya na kaya niy, na mas mabuting tanggapin niya ang mga mahal ng mahal niya.Kaya niya bang tanggapin ang asawa ng taong mahal niya Iyon ang hindi niya alam.
"Dont worry babe i will let your children to stay here"
Biglang napatigil sa pag iyak si Megan ang takot sa mga mata nito ay napalitan ng pagkabahala at kitang kita niya yon.
"No doon nalang sila sa bahay"
"No meg dito sila paano kong mapapahamak siya."
"Papayag lang ako kung maulit pa ang bagay na ito"
Wala na siyang isinagot.Si megan kasi ang sinusunod niya.Niyakap nalang niya si Megan para malaman nito na safe ito sa mga kamay niya.
Samantha.
Galit na galit siya habang nakatunghay sa dalawa na nagyayakapan sa loob.Gusti niyang patayin si Megan sa mismong kamay niya para hindi na ito muli pang makalapit kay Crisstof.
"Hello palpak ang plano mo Thea"
"Sorry po"
.
"Pagbutihin mo kung gusto mong maging parte ng pamilya namin."
Ibinaba niya na ang cellphone niya.Speaking of Thea anak ito sa labas ng daddy niya na wala ng pamilya.Pinagsisiksikan nito ang sarili sa pamilya niya.Ayaw ng parents niya kay Thea pati siya ayaw rin pero gagamitin niya ang half kapatid para magkasira ang dalawang sinira niya noon.
Hindi pa siya tapis i fact nagsisimula pang siya.Ipapatikim niya kay Megan ang maging isang babaeng inagawan ng lalaki.Gaya ng ginawa nito sa kanya noon.
♥♥♥♥♥♥
Sorry short ud lang
Bawi nala g sa susunod
♥♥♥♥♥♥
BINABASA MO ANG
Let Love Heal ( under editing )
RomanceMinsan na siyang umibig at nasaktan. Minsan ng naging tanga sa pag ibig. Lumayo siya at pilit na kinalimutan ang lalaking minahal at nangakong kailanman ay hindi na magpapakita rito kasama ang anak na nasa sinapupunan niya. But destiny find a way pa...