☬Uno☬

120 10 22
                                    

Alison's POV*


Naramdaman kong nag-iba ang ihip ng hangin sa aking kwarto kaya naman idinilat ko ang aking mata at pinagmasdan ang paligid.

Nakita ko ang bukas na bintana habang humahampas ang malakas na hangin sa kurtina at hindi ko nalang ito binigyang pansin.

(Blooooooooggggg!!!!!!!)

_-Malakas na pagbagsak mula sa ibaba-_

Nagulat ako sa aking narinig kaya naman mabilis akong umupo at inuulinigan ko kung may tao sa ibaba, at biglang may pumasok sa aking isip.

"Si Mama!" Mahinang sambit ko sa aking sarili at hindi maalis ang takot at kaba na nararamdaman ko sa mga oras na 'to,

Agad akong tumayo at dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang hindi ito makagawa ng ingay.

Napansin ko na ang buong bahay ay nababalutan ng usok.

Nag lakad ako para bubaba ng hagdan, ngunit sa aking pagtapat sa hagdan may nakita akong...

(Kringggg! Kringgg! Kringggg!)

_-Tunog ng aking Orasan-_

Nagising ako dahil sa alarm clock na nakapatong sa lamesa' malapit sa aking ulo.

Dahan dahan akong umupo at hindi ko namalayang nakatulala na pala ako, dahil iniisip ko ang mga pangyayari sa aking panaginip.

Pero nakalimutan ko kung ano ang aking panaginip, ang naalala kolang ay naglakad ako papuntang hagdan at may nakita akong nakatalikod na isang tao pero hndi ko alam kung sino siya.

(Tok! Tok! Tok!)

_-May kumakatok sa aking kwarto-_

"Anak? Alison! Andiyan yung Best Friend mo!". - sabi ni Mama saken.

"Luh, mama sabihin mo umuwi na muna siya" tamad ngunit malakas ang pakasabi ko sa mga salitang iyon. "At inaantok pako". - dugtong ko sabay hikab ng malaki na kala mo wala ng bukas

Jusko naman sabado ngayon, dapat nag papahinga ako. Pagod na pagod ako sa kakasayaw kahapon sa school. Student night kasi kagabi, My gosh sinayaw kaya ako ni crush kagabi, like OMG! Sino ba naman hindi kikiligin, my gosh.

"Hoy, Alison kanina pako salita ng salita dine nakikinig kaba?! Alison! Alison!". - sigaw ni Mama sa akin.

"Halla masiyadong hagard si Mother". Bulong ko sa sarili ko, sabay sabing "Oo na ma, bababa na po, pakisabi Ma' mag hintay kamo siya at maliligo lang ako". - sigaw ko.

"Ok nak bilisan mo". Narinig kopa ang mga yabag ng paghakbang niya na paalis na sa harap ng pinto ng aking kwarto.

Mabilis akong tumayo at kumilos at agad na nagtungo sa banyo upang maligo, pag katapos kong maligo agad naman akong lumabas ng aking kwarto, ayoko namang paghintayin ng matagal ang bestfriend ko noh, nagulat ako ng madatnan kong nakahiga si Evan sa aming sofa.
Tulog na tulog siya, Hashtag naka nga-nga pa HAHA. Matagal ba ang 1hour na paggagayak? Eh ito na ang pinamaka mabilis na gayak ko noh. Nilapitan kona siya upang hisingin, tinapat ko ang aking bibig sa kanyang tenga sabay sigaw ng "SUNOOOOG!".

"SUNOOOOOOG!" sinabayan niya ko sa malakas na pagsigaw kaya naman natawa ako dahil napabalikwas pa siya sa gulat at bila siyang upo.

"POOOTANG IIIINA". Mura niya sa sobrang gulat, kala mo nabilog ang mga mata niya na kala mo kwago "Sira ulo ka pala hano? Gulat ako sayo, balak mo ata akong patayin. Sisirain mopa beuty ko". galit niyang sabi sakin sabay irap.

"Baklang to, eh kung tusukin ko ng daliri yang mata mo?". - usal ko sa kanya syempre ganyan naman talaga ang mga biruan ng mag kakaibigan normal lang yan sa amin ni Evan.

"De' joke lang di ka naman mabiro", - tsaka nyako nginitian na halatang peke, sarap din kutusan to minsan eh

"Musta kagabi? Balita ko sinayaw ka ng Crush mo ah?".
- dugtong niya na ngumiti pa, lakas mang-asar ng ngiti niya

"Syempre, feeling ko dalagang pilipina ako kagabi, alam mona, mahinhin" tumawa ako ng mahinhin habang nakalagay ang kanan kong palad sa aking bibig na animoy pagmamalandi ko sa kanya. "Nga pala diba mag mo-mall tayo ngayon?". dugtong ko. Naalala ko, nakapangako nga pala ako sa kanya na mag rerelax kami ngayon sa mall, shopping shopping, nood ng cine, kain sa tabi-tabi 'lam nyona para makalimutan ang stress na binibigay ng school.

"Kaya nga ko andito para sunduin ka, baliw." -maarti niyang sagot sakin. "Tsaka hindi pwedeng hindi tayo matuloy kasi minsan nalang ako makakita ng chupapi, malay mo makabingwit ako ng sugar baby boy, ehe" iba din pala ang trip nitong bestfriend ko, langyang yan natawa ako sa pagkatawa niya ng napaka-arte.

"Kaya pala" tinawanan ko siya "oh anopang hinihintay natin, gumora na tayo" anyaya ko at nauna nako maglakad palabas sa kanya

Since Grade 6 si Evan Lores na talaga ang Bestfriend in crime ko, napakagaan ng loob ko sakanya kahit nung una palang kami magkakilala, Grade 12 na kami at malapit na kaming grumaduate. Nakalimutan ko palang sabihin na hindi lalaki si Evan, gay siya at wala akong problema don. Kung may problema ka edi mag bardagulan nalang tayong dalawa, oh ano kakasa ka? Takot ka pala eh, mag basa ka nalang para walang gulo, hmmkay?

Mabilis kaming nakarating sa mall pagpasok na pagpasok palang namin sa entrance ng mall, maaamoy na agad ang tinatawag nilang stress reliever. stress reliever naming dalawa ito ni Evan, everytime na nai-stress kami sa mga pinapagawa ng mga professor namin ay dito kami tumatambay para mawala yung ib a naming iniisip, at shempre pag balik sa bahay, back to normal nanaman, stress nanaman ang sasalibong sayo. Una naming tinungo ang Cinwhan, showing kasi ang paburito naming panoorin na Avengers: Invinity War. Halos lahat yata ng Mavel at DC ay inaabangan namin ni Evan.

Ilang oras rin ang inabot ng palabas na 'yon at masasabi mong worth it ang binayad mo sa ticket dahil sa ganda ng palabas. Naisipan na naming kumain dahil alas tres na ng hapon at medyo gutom narin kaming pareho. As always lagi kaming kumakain sa Inasal, ito kasi nang paburito naming kainan dito sa mall, paburito ko dito ang sisig nila at si Evan naman ay yung dalawang pares ng hita, iba din kasi 'to kumain, daig pa ang tatlong tao HAHA. Masadap ang mga pagkain nila dito sa Inasal, isapa unly rice pa sila at unly soup, o jivva, san kapa.

Nakakarelax talaga pag nasa loob ka ng mall, wala kang iniintindi, wlala kang problema, at nakkakatanggal talaga siya ng stress, at ng pagod.

After namin kumain ni Evan, shempre hindi pwedeng hindi kami pumunta sa Tom's World, jusmiyo kahit grade 12 na kami paburito parin naming maglaro dito, lalo na sa claw machines. Medyo nababadtrip ako sa larong 'to kasi maduga yung parang galamay niya, once na nakuha ung isang item tapos pag tumaas yung galamay eh parang lumuluwag ito para mabitawan ung item, gusto konang masagin to at kunin nalang ung laman eh. Badtrip kasi.

..................

[A.C. Clemente: Hi mga readers chapter 1 palang pero natatawa kana, ano ba talaga to Comedy o Fantasy? Pero sa una lang yan :)] like, share and vote.

The truth about Alison (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon