☬Tres☬

52 7 2
                                    

Alison's POV*

Tulungan nyo 'ko.....

Dahan-dahan siyang umaakyat habang ako naman ay paatras na ng paatras, bawat isang hakbang niya naman ay katumbas ng dalawa kong hakbang paatras. Napahinto ako nang maramdaman 'kong pader na ang nasa likuran ko at wala na akong maatrasan. Katapusan kona ba 'to?

Pinagmasdan ko ng mabuti ang estranghero ng mapagtantong naka maskara ito ng itim, sandale. Parang... Parang kulay puti ang maskara niya, Tama! Puti nga.

Nang makaakyat na ang estranghero, lalong bumilis ang tibok ng puso ko, lumamig ang buong katawan ko na parang isang malamig na bangkay at hindi kona ito maigalaw na para bang naninigas na ako sa mga oras na ito dahil sa takot.

Ilang dipa nalang ang layo niya sakin at alam kong nakatingin siya sakin sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit walang boses na lumalabas mula sa bibig ko upang humingi man lang ng tulong.

Pumaikot ito pakanan na ngayon ay nakaharap na siya sa nakasarang pintuan ng aking kwarto. Pero bakit? Hindi niya ba 'ko nakikita? Ano bang nangyayari? Iba ang pakiramdam ko, parang hindi magnanakaw ang isang 'to. Hindi ko alam kung bakit pero, iba talaga ang nararamdaman ko sa estrangherong ito.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ko at umalingitngit pa ito, nakikita ko ang laman ng aking kwarto mula dito sa kinatatayuan ko, at nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama. WTF? Namilog ang mga mata ko sa gulat ng makita ko ang sarili kong mahimbing na natutulog. Pinagmasdan lang ng estranghero ang katawan ko, pero ang pangyayaring ito? Parang totoo. Pero? Panaginip lang ba 'to? Sana.

Nakita kong ibinaba niya ang hood ng kanyang sambra tungo sa kanyang likuran at lumabas ang itim na itim nitong buhok, lalaki ang estrangherong ito. Hindi nako nagdalawang isip na maglakad papuntang hagdan upang bumaba at puntahan si mama. Nang makarating ako sa harapan ng hagdan tumingin muna ako sa lalaki, nakita kong marahan naman niyang inalis ang kanyang maskra, hindi ko parin makita ang mukha niya dahil buhok lang sa likod ang nakikita ko, nakatalikod parin siya sa akin. Ibinalik ko ang atensyon ko sa hagdan at humakbang ng isang beses, marahan ko itong ginawa upang hindi makagawa ng ingay.

Isa pang hakbang.

Tahimik parin

Isa pa...

Tahimik parin

Isa pang dahan-dahan na hakbang...

Tahimik parin.

Tumingin ako sa itaas sa tapat ng aking kwarto habang marahang inihahakbang ang aking isang paa paibaba, sisilipin ko sana kung nandon pa ang estranghero ngunit wala nakong naaaninag na nakatayo doon. Tumingin ako sa likod upang silipin siya doon, nagulat ako dahil nasa likod kona siya. Mabilis kong inihakbang ang paa ko paibaba pero nawalan ako ng balanse dahil narin sa pinag samang gulat at takot sanhi ng paggulong ko sa hangdan.

[Alarm Clock....]

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang alarm clok na nakapatong sa study stable sa gilid ng aking kama.
"Panaginip nanaman" mahina kong usal habang inaabol ang hininga ko, ramdam ko ang sakit ng katawan ko na parang nalaglag nga talaga ako sa hagdan. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng panaginip ko na 'yon pero ung estranghero, ung lalaki sa panaginip ko. Parang pamilyar ang mukha niya pero ang pumukaw ng atensiyon ko at ikinagulat ko kaya nalaglag ako sa hagdan ay yung mga mata nito, umiilaw, kulay asul, anong ibig sabihin non? Bakit umiilaw? Anuyon?, Wala namang matang umiilaw diba. Wala namang taong may matang umiilaw? Whta if hindi tayo yon? What if aswang? Bampira? O baka Alien? Jusmiyo nakakatakot.
Kinikilabutan naman nako.

The truth about Alison (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon