Alison POV*
Naramdaman ko na nasa loob ako ng sasakyan, kaya naman dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata pero hindi ko ito magawa dahil nanlalabo pa ang aking mata at nararamdaman kong sumasakit ang aking ulo.
Sinubukan ko muling idilat ang aking mata ng dahan dahan at napagtanto ko na nasa loob kami ng kagubatan. Dito ako nakaupo sa backseat ng saskakyan kung saan nasa tabi ako ng bintana.
"Gising na siya" mahinang sabi nang isang lalaki eppero sapat na iyon para marinig ng lahat, nasa tabi siya ng isang bintana sa gawing kaliwa.
Agad naman akong tiningnan ng babaeng naka upo sa harap pero tiningnan kolang siya at tumingin ako sa rear-view mirror at nakita ko ren na nakatingin ang lalaking nag dadrive ng kotse. Bago sila sa paningin ko at sigurado akong ngayon kolang sila nakita, pero bakit kilala nila ako? Naguguluhan ako.
Naramdaman ko na nakasandal ako sa balikat ng katabi ko kaya naman dahan dahan kong ini-angat ang aking ulo at nakita ko ang babaeng nakasalamin.
"Ayos naba ang pakiramdan mo?" tanong nang babaeng naka salamin at nagbigay ito ng maliit na ngiti. "By the way, ako nga pala si Pearl Diaz. Pearl nalang itawag mo sa akin" pagpapakilala nang babaeng nakasalamin, wala parin akong imik at seryoso lang ang muka ko dahil naguguluhan talaga ako. Unasalahat, sino ba sila?, pangalawa, bakit nasa sasakyan ako?, pangatlo bakit nasa gubat kami?" Pang-apat wait, what the fuck!
Bumalik lahat ng pangyayari sa isip ko, ang sakit na nararamdaman ko ay bunalik nanaman na para bang dinudurog ang puso ko sa maliit na piraso. Hindi namalayang tumulo na pala ang luha ko sa aking mga mata at biglang nagsalita ang babae na nakaupo sa harapan ng kotse kaya naman napunta ang aking atensiyon sa kanya.
"Ako naman si Jess Ashley. Pero tawagin mo nalang akong Jess" pagpapakilala niya, pinunsan ko ang luha na tumulo sa aking mga pisngi, sino ba sila?
"At ako naman si Drew Elliot. Drew nalang for short" pagpapakilala nang isang lalaki na malapit sa bintana.
Tumingin ako sa isang lalaki pero wala parin itong imik.
Napatingin ako kay Jess dahil hinampas ito nang mahina ang lalaking nag dadrive. "Mag pakilala ka naman" sabi ni Jess, feeling ko mag jowa ang dalawang 'to, isang gwapo at isnang maganda, perfect.
Pero siryoso parin ang muka ng lalaki at tila mukang ayaw parin nitong mag pakilala o mag salita.
Kinausap ako ni Drew.
"Hayaan mo na, talagang---" hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang magpakilala ang lalaking nag mamaneho ng sasakyan.
"Jake" maikli nitong bigkas sa pangalan niya.
"Si-sino kayo?" nanginginig ang boses ko dahil sa kaba, h
"Unli ka ghorl? Kakatapos lang namin mag pakilala" tumawa pa si Jess at bumalik din sa pagkaseryo ang mukha nito ng walang sumabay sa tawa niya.
"Naaalala moba yung nangyari sau kagabi?" pag tatanong ni Pearl, tumango lang ako bilang pagtungon sa tanong niya at pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha pero hindi ko kaya. Tuluyan ng umagos ang luha ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring nakita ko kagabi, halos paulit-ulit bumabalik ang ala-alang iyon sa isip ko.
"Kami yung kumuha sayo kagabi bago ka mawalan ng malay" pagpapaliwanag ni Drew.
"Pinapahanap kasi kayo samin ng headmistress dahil nalaman niyang delikado ang buhay nyong mag ina pero..." napahinto si Jess sa pagsasalita at huminga ng malalim "pero nahuli kami, I'm sorry Alison" papaliwanag naman ni Jess habang nakatingin lang ito sa dinadaanan at alam kong malungkot siya dhahil bakas sa boses niya habang nagpapaliwanag siya sa'kin.
"W-wala kayong kasalanan" mahina kong sabi pero sapat na para marinig nilang apat.
Hanggang sa tumahimik ang buong paligid at ang aking naririnig nalang ay ang mga huni nang mga ibon, ang pag hampas nang hangin sa mga dahon at ang tunog ng sasakyan nakabukas kasi ang bintana upang makapasok ang fresh na hangin.
Naalala ko ang sinabi ko kay mama na lulutuan ko siya ng favorite niyang sinigang pero isang iglap. Nawala siya.
"I'm sorry Ma" muli nanamang tumulo ang mga luha ko habang nmnakatingin ako sa kawlalan.
"Wala kang kasalanan, Alison" nagulat ng may humimas ng likod ko "walang may gusto sa nangyari, wag mong sisihin ang sarili mo" si Pearl, medyo napagaan niya ang pakiramdam ko.
Naalala ko ang sabi sakin ni Mama "Minsan sa buhay mo kasama na diyan yung may mawawala sayong importanteng tao, alam kong masakit dahil napagdaanan kona lahat ng sakit pero kaylang tanggapin at kaylangang maging matatag tayo sa buhay natin"
Huminto ang sasakyan at tumingin ako sa harapan.
Nakita ko ang isang gate na malaki at napapalibutan ito nang semento na kasing taas nang gate.
Dahan-dahan itong bumukas at sa pagbukas nito. Nakita ko ang puno sa bawat gilid nang daan papasok sa loob.
Nang makarating kami sa dulo, mumaba na kami nang sasakyan.
Nakita ko ang isang malaking palasyo na tila sa palabas kolang nakikita. Nananaginip bako?
May ilan ilang estudiyante akong nakikita sa labas ng palasyo na tila nakatambay lang sa mga duyang nakalagay sa garden.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking pag pasok sa loob nang palayo. Maraming istudiyante ang nasa loob nito.
Pero ang ikinagukat ko ay yung ibang istudiyanteng lumulutang? Lumilipad? totoo ba ito?.
Sinundan kolang nang sinundan ang apat kong mga kasama hanggang sa wala na akong estudiyanteng nakikita.
Hanggang sa nakita ko na papasok kami sa isang pintuan at may nakasukat ditong 'office'
Nang pagpasok namin, nagulat ako nang may magsalitang babae.
"Welcome to X Academy the school of magic" pag we-welcome nang isang babaeng nakatayo malapit sa bintana
Anong sinabi niya? School of magic? Anong magic? Pinagtitrioan yata ako nito? At tsaka sigurado ko na isa nanaman to sa mapaglaro kong panaginip. Walang ano-ano ay sinampal ko ng malakas ang sarili ko, na siyang ikinagulat ng apat na kasama ko kanina at ang babae na nag welcome sakin.
"Alam kong mahirap paniwalaan, Alison" napatawa siya dahil sa ginawa kong pagsampal saa sarili ko, ganundin ang tatlo, maliban sa isang lalaki. "Ako nga pala si Mrs. Jackson, ang Headmistress ng academy na ito" pag papakilala nito. Ibig sabihin ay siya ang nagpapahanap samin ni mama.
"Asan si Mrs. Scarlet?" tanong nito sa aking mga kasama.
Sa tuwing binabanggit ang pangalan ni mama, hindi ko maiwasang mapaluha.
BINABASA MO ANG
The truth about Alison (Editing)
FantasyAno ang katotohanan tungkol kay Alison? Merong isang kasabihan na "walang lihim ang hindi nabubunyag". Alison wants her life to be normal, but she could not escape the fact that she was not like the others. Walang ka-idea-idea si Alis...