☬Cuatro☬

34 6 7
                                    

Alison's POV*

Nakita ko ang walang buhay na katawan ng aking Mama. Hindi ko maintindihnan ang nararamdaman ko, hindi ko maipinta ang mukha ko, basta ang alam ko ay nagpipiraso ang puso ko ngayon sa mga nakikita ko. Wala paring tigil sa pag-agos ang mga luha ko at buong katawan ko ay nanginginig sa takot.

Taranta kong kinapa ang bulsa ko para hanapin ang aking cellphone para tumawag sana ng pulis at ng ambulansiya pero nagulantang ako ng hindi ko mahanap ang aking cellphone, wala akong nagawa kun di umiyak ng umiyak. Hanggang sa tila may kumakalabit sa aking likod. Naging madilim ang paligid at naoagtantong nakapikit ako sa nga oras na ito, marahan kong idinilat ang aking mga mata at napapikit muli ako dahil sa kiwanag na tumama sa aking mata. Idinilat ko muli ang aking mga mata sa pangalawang oagkakataon at bumungad sakin ang kulay puting kisame namay chandelier sa gitna nito, nasan ako?

"E-Evan" hinang-hina kong bigkas sa panglan niya.

Nagulat ako dahil wala ako sa aking bahay. Napagtanto kong nasa bahay ako nila Evan at nakahiga ako sa sofa kung saan nakatapat sakin ang electric fan.

"A-anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong sa kanya at nakatingin lang sakin si Evan at si tita Esma sa akin na mababakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"Nahimatay ka" mababakas sa boses ni evan ang pag-aalala.

Magulo ang isip ko sa mga nangyayari. Kanina lang ay nasa bahay ako at umiiyak, nanginginig. Pero ngayon? Nagising ako sa bahay ni Evan? What?, I mean w-what happened? Ano yun? Panaginip koba yun? Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko mula sa nga mata ko, ramdam ko parin ang lungkot at takot na nakita ko sa panaginip ko. Pero, panaginip ngaba?

"Ayos kana ba anak" tanong ni tita Esma sa'kin at inabutan ako ng isang basong tubig, marahan namab akong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa at inabot ang tubig para inumin ito, isang lagok lang at ipinatong kona sa lamesa ang baso.

Pinunasan ko ang kuha kong patuloy paring unaagos mula sa aking mga mata.

"Kanina kasi habang Gunagawa tayo ng project eh bigla ka nalang natumba sa upuan tapos nagisay-ngiday kapa, syempre ako naman nataranta tapos tinawag ko si mama. Pati si mama hindi rin alam ang gagawin" pagpapaliwanag ni Evan na nanginginig pa ang boses dahil sa takot na nasaksihan kanina "Ang malala pa bes eh yung tumirik yung mga mata ko, tapos may luhang umaagos sa mga mata mo. Matakot talaga kami ni mama kanina. Balak na nga naming tumawag ng ambulansiya kaso bigla ka namang tumigil sa pangingisay tapos sa pagtirik ng mata mo kaya napag pasiyahan namin ni mama na buhatin ka at ilagay sa sofa, timutukan karin namin ng electric fan para may ngahin kang makuha" dugtong niya at nagpakawala siya ng malalim na hininga "aka ko talaga, mawawalan nako ng bespren" inakap niya ko habang patuloy parin ako sa pag hikbi

"Salamat Evan, Salamat tita Esma. Pero kailangan kona pong umuwi" paalam ko sakanila at hindi na nila ako pinigilan pa at inihatid na ako ni Evan sa sakaayan ng taxi. Dala ki parin ang mga luha ko sa aking mga mata na hindi parin tumitigil.

Evan POV*

"Ingat bes" paalala ko sa kanya bago siya tuluyang sumakay ng taxi

The truth about Alison (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon