☬Dos☬

61 7 4
                                    

Alison POV*

Ilang oras rin kaming tumagal sa mall at napagpasiyahan narin naming umuwi dahil 6:00pm na ng gabi, mabilis naman kaming nakauwi dahil walang kaming nakasalubong na traffic. Pagka-uwi ay agad naman akong dumeretso sa kwarto upang maligo, bawat kwarto kasi ng aming bahay ay may kanya-kanyang banyo.

Habang nakatutok sa mukha ko ang shower ay ipinikit ko naman ang aking dalawang mga mata at biglang pumasok sa aking isip ang napaginipan ko naninang umaga. Unti-unti kong naaalala ang mga pangyayari sa aking panaginip pero ang ipinagtataka kolang ay kung sino ang lalaking naka itim at nakatalikod sa baba ng hagdaan? Hindi kaya masamang tao ito? Oh multo? OMG, katakot!

Napailing ako "ano kaba alison, matapang ka, be brave and be strong" bulong ko sa aking sarili at saka napagpasyahang magbihis na at puntahan si mama sa kanyang Kwarto.

Agad naman akong bumaba ng hagdan at tumungo sa kwarto ni mama pero hindi ko siya naabutan don, siguro nasa kusina o sala siya nagmumuni-muni. Pumasok ako sa loob ng kwarto ni mama at wala itong pinagbago, ganun parin ang ayos ng mga gamit niya at ganun parin ang itsura, malinis, mabango, maaliwalas, maganda. Malayong-malayo sa itsura ng kwarto 'ko. Naglakad ako palapit sa kama ni mama upang maupo muna sana ng saglit ng masipa ko ang isang bagay mula sa ilalim nito, agad naman akong lumuhod at sinilip kung anong bagay ang nasipa ko mula sa ilalim ng kama ni mama. Isang...

Isang Album?

Tama.

Album nga.

Sa pagkakaalam ko, nasa isang aparador ang Mga album ni mama at ang isang 'to? Bago. Bago 'to sa paningin ko. Hindi kopa to nakita sa tanang buhay ko.

Kinuha ko yung album at marahang tumayo habang nakatitig parin sa album na ngayon kolang nakita. Tinitigan ko ito ng mabuti, maalikabok ito at tila kulay brown na ang mga pahina ng album na ito, kung susumahin, matagal na ang album na ito. Pero bakit ngayon kolang ito nakita? At hindi pa ito naipakita o nabanggit ni mama sa'kin. Binitbit ko ito at lumabas na ako ng kwarto dahil balak kong mag tanong kay mama tungkol dito. Nakita ko si mama sa sala namin habang nakatingin ito sa bintana na animo'y malalim ang iniisip at nakaupo ito sa silyang tumba-tumba. Umupo ako sa katabi nitong upuan at tinabihan ko siya. Pinatong ko ang album sa dalawa kong hita.

"Ma" tawag ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya, naka side view siya sa'kin at masasabi kong napakaganda niya, mula sa mahaba nitong pilikmata, sa matangos nitong ilong, sa mapupula niyang labi at sa brown niyang buhok. Para siyang isang celebrity na amerkana, ang ganda ni mama, sobra. "Ma, anong album 'to?" Itinaas kopa ng bahagya ang album upang sana ay ipakita sa kanya pero hindi niyako nilingon at walang imik parin si mama.

Mukhang malalim nga talaga ang iniisip ni mama.

Scarlet POV* (Alison's Mother)

Habang ako'y nakaupo sa silyang tumba-tumba at naka tunghay sa kawalan dito sa harap ng bintana sa aming salas. Napakaganda talagang pagmasdan ng mga nagsasayawang bituin sa kalangitan.

Isa lang naman ang aking iniisip sa araw-araw at iyon ay ang anak ko, si Alison.

54 years old nako, pero malakas pa ako. Hindi mo mahahalata ang edad ko dahil sa itsura kong hindi tumatanda, buti hindi napapansin iyon ng anak kong si Alison, pero alam kong lalabas at lalabas dun ang katotohanan tungkol sa pamilya namin at sa nakaraan ko at sa naghihitay sa kanyang hinaharap. Pero sa ngayon, pilit ko paring itinatago sa kanya ang katotohanan para sa ganon ay mailayo ko siya sa kapahamakan, ginagawa ko ito dahil mahal ko siya at ayoko siyang masaktan. Natigilan ako sa aking malalim na pag-iisip ng isang boses ang nagsalita mula sa gilid ko. Si Alison.

"Ma, anong album 'to?" Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Alison na sa ngayon ay hawak ang album na matagal ko nang itinatago sa kanya, bigla tuloy akong kinabahan at sa mga oras na ito ay palakas na ng palakas ang kabog ng aking dibdib ko. Ito naba ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang katotohanan? "Ma, ayos kalang ba?" Tanong nito at agad naman akong natauhan.

"Ah oo nak, san mo nakuha yan" pagtatawa kong tanong at ibinalik ang tingin ko sa mga bituin. Sa pagkakataong ito, hihingi ako ng sign, pag may isang bulalakaw akong nakita ibig sabihin this is the time para sabihin na sakanya ang katotohanan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Di ko sinasadyang masipa 'to ma sa ilalim ng kama mo, sinilip ko eh album pala tapos bago pa sa paningin ko kaya dinampot kona ma, medyo maalikabok na ngapo eh" paliwanag niya at patuloy oarin kakong nakatingin sa kawalan "syanga pala ma, bakit dimopa po yata ito napakita sa 'kin" tanong niya na agad naman akong napalingon sa kanya.

"Hindi pa ba?" Maangmaangan kong tanong sa kanya. Kung alam molang anak na dyan nakatago ang mga sikretong itinago ko sayo sa mahabang panahon pero ayoko munang ipaalam sayo, dahil ayokong payinikaw ay nawala sa'kin. Hindi sa pinagkakait ko ang jatotohanan sayo pero ayoko lang talagang malagay sa peligro ang buhay mo, anak.

Alison POV*

Walang anu-ano ay binuklat kona ang album sa una nitong pahina. Nakasukat dito ang apilyido namin, Miller.
Binuklat ko muli sa pangalawang pahina at bumungad sakin ang isang magandang binibini habang nakaakbay ang isang napakagwapong lalaki sa kanya, nakasukat sa ibaba nito ay ang pangalan nilang dalawa. Mrs. Adell Miller & Mr. Apolo Miller. Kung hindi ako nagkakamali, si lolo ito, at ang napakagandang babae naman ay ang aking lola Adell.

"Ang ganda naman ni Lola at ang gwapo naman dito ni Lolo ma" usal ko habang nakangiti "at ambata pa nila dito, sayang diko na sila naabutan" dugtong ko

Akma kona sanang buklatin ng maalala ko yung usapan namin ni Evan, na gagawa kami ng project sa bahay nila bukas. Isinara kona ang album at ipinatong ito sa maliit na lamesang nakapagitsa sa amin ni mama.

"Ma, magpapa alam po sana ako. Pupunta po ako kila Evan kasi gagawa po kami ng project" mahinahong paalam ko kay mama

"Ok lang naman sakin anak, basta ipangako mo sakin na mag-iingat ha" sabi ni mama habang nakatingin ito sa akin ng seryoso "at huwag matutiwala sa di kilala" chorus namin bigkas ni mama dahil ilang beses na niyang nasabi sakin iyon tuwing magpapaalam ako sa kanya at kabisado kona ang linyahan niyang 'yon.

Umakyat nako sa aking kwarto at natulog na daahil maaga pa akong aalis bukas para gumawa ng project.

Naalimpungatan ako ng mapagtantong nakatayo na pala ako sa harapan ng hagdanan namin paibaba. Anong ginagawa ko dito? Naglakad bako ng tulog? Wait what the fuck? Madilim sa ibaba ng hagdan pero... Pero maaaninag mo namay nakahulmang tao doon, nakatayo ito at animoy nakatalikod sa akin. Malaking tao ito at hindi mo ikakailang lalaki 'to. Takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam pero may tumutulak sakin na lapitan ang estrangherong iyon. Humakbang ako ng dahan-dahan upang hindi makagawa ng ingay, tahimik parin ang paligid pero ang hangin, palamig ng palamig. Isa pang hakbang ng napatigil ako dahil umalingitngit ang parte ng hagdang naapakan ko dahilan ng pagharap ng estranghero. Namilog ang dalawa kong mga mata dahil papalapit na siya sakin. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sakin dahil hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil naka hoodie ito ng itim at masiyadong madilim para makita ko ang mukha niya. Nakakabingi ang pagtibog ng puso ko dahil sa kaba at iyon nalang ang tanging natirinig ko sa mga oras na ito, pinagpapawisan narin ako dahil sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong nanigas na bangkay dito at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Tulungan nyoko.....

..........

[A.C. Clemente: Hi mga readers nabitin ba kayo? :)] like, share and vote.

The truth about Alison (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon