Ipinaliwanag nila lahat ng pangyayari kay mama, wala akong lakas ng loob para mag kwento dahil sigurado akong iiyak nanaman ako. Bumabalik-balik parin sa isip ko kung paano ko nakita si mama na wala ng buhay. Pero sino namang walang puso at kampon ni lusiper ang gagawa no'n kay mama. Magbabayad siya
"Sorry Alison sa nangyari kay Mrs. Scarlet" hinawakan ng headmister na si Mrs. Jackson ang dalawa kong kamay at alam kong malungkot din siya dahil nakikita ko mula sa kanyang mga mata.
Bakit parang andaming alam ng headmistress "daw" ng paaralang 'to tungkol sa 'min? Like kaano-ano ba namin siya? Meron kaya siyang connection samin?
"Bakit kilala nyopo ako?" hindi kona napigilan ang sarili ko na mag tanong.
"Hayaan nyo muna kaming mag usap ni Alison" sabi nito sa aking 4 na kasama, kaya naman agad silang nagsilabas ng office at ako naman ay pinaupo ng headmistress sa bangkuan sa tapat ng table niya at siya naman ay naupo sa kanyang swivel chair.
"Alison" ipinatong niya ang kanyang dalawang braso sa lamesa "Alam mo kasi Alison, si Mrs. Scarlet ang unang Headmistress dito sa academy kaya kilalang-kilala kayo dito lalo kana dahil nanay mo siya. Ang mga miller ang may roong pinakamalakas na kapangyarihan sa academy na ito at isa kana don" pag papaliwanang ng headmistress, pero wala parin akong maintindihan sa mga nangyayari at patuloy lang akong nakinig. "Noong year 2000 nagkaroon nang digmaan sa pagitan nang Black Sorcerer at sa X Academy na ito at isa na sa nakipag digma ang iyong ina at ang iba mopang mga kapamilya" pagkukwento nito sa akin
"Pero nasan na po ang ibang Miller? Ang ibang kamag-anak ko?" tanong ko
"Ibinuwis nila ang kanilang buhay para lang manalo sa laban ang X Academy at maging mapayapa ang mundo"
hindi ko alam pero may parte parin ng pagkatao ko ang hindi naniniwala s a mga sinasabi niya "sakatunayan ay kayo nalang nang iyong ina ang natira at sa isa mo pang nakatatandang kapatid" sabi nito, nagulat ako dahil may kapataid ako? Kelan? Hinde, sino? Tsaka hindi mankang nabanggit ni mama to sa'kin. Ano pabang hindi ko alam? Ano pabang itinatago ni mama sa akin? Bakit siya naglilihim?"Kapatid?"
"Oo meron kang nakatatandang kapatid pero hindi ko alam kung ano nang nangyari sakanya dahil hindi ko na siya nakita, simula nung nawala siya habang may digmaan. Bata pa siya no'n habang ikaw ay sanggol palang" sabi nito at nag simula nang dumami ang mga tanong sa aking isip "wala na kaming balita sakanya" sigurado 'kong patay narin siya pero sino kaya siya?
"Kaya ko kayo ipinahanap dahil nanganganib ang buhay nyong mag-ina pero sa kasamaang palad namatay si Mrs. Scarlet, sorry Alison. Mabuti pang magpahinga ka muna" sabi nito at hinatid niya ako palabas ng office.
"Jake, paki samahan naman si Alison sa kwarto niya" said Headmistress at pumasok na ito sa office niya
"Kayo na ang maghatid" naglakad na siya paalis habang nakapasok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang hoodie, wala manlang ka emosyon ang kanyang mukha, mukang seryoso siya parati.
Mabilis namang lumapit si Jess sakin at ipinalupot ang kanyang kamay sa braso ko na para bang close kami, medyo naiilang ako sa ginawa niya.
"Let's go" sabi ni Jess at naglakas na kami, sinusundan lang namin ang dalawa na sina Drew at Pearl.
OMG' Alison's here na, kelan pa?
Siya nabayan?
Hindi nako mabibigla kung siya ang magiging pinakamalakas dito.
So totoo nga ang nasabi sa libro. There's a two miller pa ang nabubuhay si Alison and her mom, pero nasan ang mom niya?
Bulung-bulungan ng mga estudiyante nakakasalubong namin, jusko hindi ko alam ang gagawin ko, lahat ng mata nila sakin naka tutok. Nakakahiya.
"It's ok Alison, normal lang yan kapag may bago dito sa Academy" biglang nagsalita si Pearl at nasa tabi kona siya habang si Jess ay nakapalupot parin sa braso ko. Si Drew naman ang nagunguna sa paglalakad.
"W-what do you mean?" mahina kong bulong pero sapat na para marinig niya
"Pag may bagong tao kasi silang nakikita, dun lang naka pako ang tingin nila, pero pag lumipas ang araw, mawawala din ang mga mata nila sayo" pagpapaliwanag ni Drew
"Hindi mo masasabi yan dahil sikat ang apilyido ni Alison dito sa Academy" sabat ni Drew, tumango naman sa tabi ko si Jess bilang pagsang-ayon kay Drew "kaya ngayon palang sanayin mona ang sarili mo na may parating nakatingin sayo" dugtong pa nito
Parang ang hirap naman no'n, tsaka nakakahiya. Isa pa, bakit namnan magiging sikat ang apilyido namin sa lugar na 'to? Dahil ba sa nagawa ng mga miller noon sa academy na 'to? Hindi ko nga alam kung totoo 'yon. Malay natin eh mental pala tong napasukan ko. Halla! Pero pano ko maipapakimawanag ang mga nakita ko kanina ng makapasok ako dine? Like ung nga lumulutang sa ere na estudiyante? Ah hinde, baka may tali kang yon, nag papractice baka may performance sila sa mapeh, oo tama, may tali nga yon.
"Lalik yata ng iniisip natin jan ah" said Jess na kasalukuyang nakatingin sa'kin.
"Medyo naguguluhan lang ako sa mga nangyayari" nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Sa una lang yan" she said at muling ibinalik ang tingin sa dinadaan, hindi nako sumagot at sumunod nalang s a kanila sa paglalakas.
Ilang minuto din ang inabot namin sa paglalakad at ngayon ay nasa harapan na kami ng pintuan. Maganda nang pintuhan halatang mahal na gamit ang ipinagpagawa dito. Hindi narin ako magtataka dahil sa itsura palang nitong lugar ay nakamamangha na. Sino naman kasi ang maniniwalang nag exist pala ang ganitong lugar.
"Ito na ang magiging kwarto mo Alison" said drew at siya na nang nagbukas ng pintuan
Pumasok naman ako agad, maluwang ang kwarto, may sarili itong cr saloob, may sarili naring kusina at may malaking kama. Umupo ako sa malaking kama at masasabi kong makapag papahinga ako ng maayos dito dahil sa lambot ng kamang inuupuan ko ngayon.
"Maiwan kana namin Alison" nakangiting pagpapaalam ni Drew ganun din ang dalawang babae, isinara na ni drew ang pintuan pero bumukas muli ito "nakalimutan ko palang sabihin na, if you need something may cellphone jan sa lamesa" itinuro niya ang study table na tabi ng aking kama at may cellphone nga dito. Tumango lang ako bilang pagtugon.
Muling isinara ni Drew ang kwarto ko at narinig ko ang yapak ng pag-alis nilang tatlo. Inihiga kona ang katawan ko sa malambot na kamang ito at pumikit, hinayaan kong tumulo ang luha ko.
Nalulungkot parin ako dahil dalawa na ngalang kami ni mama ay nawala pa siya, hindi kona alam ang gagawin ko pag-wala siya. Pano na'ko nito? At tsaka bakit naman gagawin kay mama yung ganong karulmaldumal na pagpatay. Pilipit ang ulo ni mama at andami nitong bubog sa katawan at sugat, tsaka yung buong bahay ay parang binagyo sa gulo. Like, nakakalat ang mga bubog at sira-sira ang mga gamit. Kung magnanakaw lang 'yon, hindi naman siguro ganon sasapitin ng bahay namin at ni mama. Halatang hindi normal na tao ang gumawa nito, mga walang awa ang gumawa nito kay mama.
Kailangan ko ng hustisiya para sa pagkamatay niya.
BINABASA MO ANG
The truth about Alison (Editing)
FantasyAno ang katotohanan tungkol kay Alison? Merong isang kasabihan na "walang lihim ang hindi nabubunyag". Alison wants her life to be normal, but she could not escape the fact that she was not like the others. Walang ka-idea-idea si Alis...