Pearl POV*
"Si Alison?" napataas ang boses ko ng mabigla ako dahil si Alison ang hahanapin namin? Like, what?
Sa ilang taon kong pag-aaral dito sa Academy ngayon kolang napatunayan na totoo pala siya? Hindi lang pala siya character sa isang history book sa library nitong Academy. Karamihan kasi sa mga estudiyante ay sinasabing gawa-gwa lamang ang kwentong nakapaloob sa libro na ang mga miller ang siyang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong mundo at saka hindi raw sila nag exist sa mundo. Pero ngayon hahanapin namin ang anak na ng may pinakamalakas na kapangyarihan, woah. This is gonna be crazy and fun!
"Kelan po namin hahanapin si Alison?" tanong ko
"Sisimulan nyo na ngayon" sabi ng Headmistress
"Ngayon?" sagot naman ni Jake
"Yes, dahil nakausap ko si Mang Nerso, nakita niya ang susunod na pag atake ng mga black sorcerers" paliwanag ng Headmistress
"Ok! Fine." tugon ni Jake
"Take note students, kelangan nyo na silang mahanap dahil mamayang 12:00am mangyayari ang sasapitin nilang mag ina. Kaya dapat mahanap nyo na sila" seryoso itong nakatingin sa amin, hindi kami pwedeng mag-aksaya nv panahon lalo't buhay ang nakataya dito. This is my first mission na kasama ako at siguradong hindi 'to magiging madali. "Pag labas nyo ng kagubatan iwasan nyong ipakita ang mga charm nyo sa mga tao, don't use your abilities if it's not necessary. Okay?" paalala ng headmistress na tumango lang kaming apat.
Isa sa mga rules ng paaralan ang hindi pagpapakita ng kakayanan namin sa tao. Dahil once na nakita nilang may kapangyarihan kami ay ano nalang ang iisipin nila. Isa pa mag co-cause ito ng shock sa mga tao at syempre gugulo ang mundo.
Nag sama sama na kami palabas ng Academy. Nilakad na namin ang ang kagubatan.
"Guys alam nyoba nilalamok nako" pagmamaktol ni Drew
"Ohh ayan na" tinapat ni Jess ang kanyang kamay kay Drew at tila nagkaroon ito ng enerhiyang pumabilog kay Drew, hindi mo ito mapapansin pero kung tititigan mo ng mabuti makikita mo na parang isang invisible shield ang naka pabilog kay Drew. Cool right, at isa yan sa kapnangyarihan ni Jess.
"Kayo den guys" dugtong niya at nilagyan din niya kami ng invisible shield para hindi kami lamukin. Mabait din pala 'tong si Jess. By the way, hindi pa kami close ng mga 'to pero ako lang yata ang naligaw sa kanilang tatlo. Bakit? Mga sikat sila sa academy, hello? Tumingin ako kay Jake, tila naglalabas siya ng apoy sa kanyang kamay at pinaglalaruan lang ito. Patay sindi ito sa kanyang kamay. Ako naman na walang imik dahil medyo nahihiya at tsaka medyo ilang pa ako sa kanila.
"Huy ano ba name mo?" tanong ni Jess sakin
"Hindi kapa nag sasalita mula kaninang paglabas natin sa Academy dugtong niya
"Ako si Pearl Diaz" pag papakilala ko
"Nerd ka hano?" medyo pasmado din 'tong bunganga ni Drew pero tama naman siya, ako lang naman si Pearl ang nagkakaisnang nerd na nag-aaral sa X Academy.
"Siguro, Hindi ko alam pero wala akong friend" tugon ko
"Kame! Simula ngayon friends mona kame at friend kana namin diba?" mukhang di naman ako nagkamaling purihin si jess na mabait siya dahil totoo nga. Bait nga ang babaeng 'to. Ngumiti lang ako bilang ganti sa pagmamagandang loob niya.
"Kaya nga" saang-ayon si Drew
"Diba Jake?" tanong ni Jess
Pero hindi siya sumagot at patuloy parin siyang naglalakad na habang pinag lalaruan ang apoy sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
The truth about Alison (Editing)
FantasyAno ang katotohanan tungkol kay Alison? Merong isang kasabihan na "walang lihim ang hindi nabubunyag". Alison wants her life to be normal, but she could not escape the fact that she was not like the others. Walang ka-idea-idea si Alis...