Tahimik akong gumagawa ng assignment sa kuwarto ni Brusse habang siya ay nakatutok sa computer, kalaro niya na naman sila Yohan at Josh. Pinagmasdan ko ang mga papel sa kama niya, tapos na si Brusse dito, ito ang ginawa niya kagabi. Dapat ay sabay naming gagawin ito pero masiyado pang masakit ang palad ko at hindi ako makapagsulat! Buti ngayon ay hindi na masiyado dahil ginamot na ito ni tita, ipinagpipilitan pa nga nila akong dalhin sa clinic pero ayaw ko. Nandito rin ang sagot ni Brusse pero hindi ko makuha kung paano niya nakuha 'yon! Sa math talaga lumalabas ang kabobohan ko!
"Brusse" tawag ko sa kaniya.
"Brusse" Tawag ko ulit, sa panahong ito ay tinignan ko na siya. Ang mokong tila walang naririnig at patawa-tawa pa habang kinakausap ang mga kalaro. Nakakainis! Kung nandito lang sana si kuya Ad ay sa kaniya ako magpapaturo pero sinamahan niya si tita maggrocery!
Tumayo ako at hinila ang headset palayo sa tenga niya. Gulat siyang tumingin sa akin."Kanina pa kita tinatawag," Saad ko "Math" dagdag ko pa rito dahil hindi niya ata nakuha ang ibig kong iparating.
Tumango siya at ngumiti "Guys, math time na with Xy, pray for me!" Biro niya pa bago umalis sa laro na nagpatawa sa mga kasamahan niya. Itong mga gagong 'to, akala mo kung sinong matatalino e nangongopya lang din naman kay Brusse!
Sa buong maghapon na iyon, ang ginawa lang ni Brusse ay turuan ako. Tumatango-tango na lang ako minsan kahit hindi ko talaga nakukuha ang mga paliwanag niya, masiyado na akong bobo!
"Xyron Dale, are you listening?" Buong owtiridad niyang tanong na nagpamulat sa akin, nakapikit na pala ako. Lumalabas na tuloy ang inner kuya Ad niya. Tumango ako at isinenyas ang kamay ko na magpatuloy siya. Hindi ko kasalanang inaantok ako, nakakaantok ang boses niya! Kasalanan niya 'yon!
"Sabagay, kung nakinig ka lang kay Teacher Vicky noong nakaraang araw ay alam mo na ito ngayon." Panenermon niya, marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na lang siya pinapansin at nagsimulang magligpit ng mga gamit.
"Kailan mo ba papahalagaha---what are you doing?" Tanong niya noong napansin ang ginagawa ko.
"We are done" Anunsyo ko na nagpakunot sa noo niya.
"No, we are not" Laban niya, tumayo ako at umakyat sa kuwarto ko. Bahala siya, kung gusto niya ay turuan niya ang mga halaman ni tita sa garden. Basta ako tapos na, siguro ay kay Milan na lang ako magpapaturo.
"Dapat ay hindi kayo nalalate ng ganito, malapit na kayo grumaduate ganito pa rin ang mga galawan niyo!" Sermon sa amin ni kuya Ad habang nasa sasakyan. "Lunes na lunes, late kayo?" Dagdag pa niya.
Tumango-tango ako habang ngumunguya ng dounut, para naman kunyari ay may sumasangayon sa kaniya. Tumingin ako kay Brusse na nasa tabi ko, nakatingin siya sa labas. Medyo sanay na kami sa mga sermon ni kuya Ad kaya parang wala na lang sa amin 'to. Inilapit ko kay Bruse ang iced coffee na hawak ko, inaalok siya nito, hawak niya naman ang dounut na kinakain namin. Sumipsip siya dito, "Mmmm!" Sagot niya, nasarapan siguro.
"Nakikinig ba kayo?" Tanong ni kuya Ad sa amin sa mas malakas na tono. Kita na ang ugat sa leeg niya sa galit siguro, napaupo tuloy ako ng maayos. Si Brusse naman ay napaubo pa, sa gulat siguro. Nasobrahan yata sa badtrip si kuya Ad ngayon? siguro ay nagaway sila ni ate Camille;ang girlfriend niya.
"Huwag kayong pakampante dahil lang alam niyong tatanggapin pa rin kayo, paano na kapag may nauna na sa inyo?" Dagdag niya.
Unahan ba sa school? hindi naman ata ganon? At isa pa, maaga kaya kaming gumising ni Brusse! Natagalan lang kami dahil ang hirap kayang kumilos, masakit pa rin ang siko ko kapag nasasangga, at ang palad ko naman ay may benda kaya hindi ko ganoon napapakinabangan!
Pagkadating namin ay paalis na ang Science subject teacher namin sa room, binati namin siya pero tumango lang, normally ay ngingitian niya kami, wala ata sa mood ang mga tao ngayon? Hindi pa kami nakakapasok sa room pero dinig na ang ingay doon, dumiretso si Brusse kina Josh at pumunta naman ako kila Eury. Sinalubong ako ng yakap ni Eury dahil daw namiss na ako, dumiretso naman ako kay Milan at tinanong siya kung anong ginawa sa science kanina, mabuti na lang at discussion lang daw.
YOU ARE READING
The Antagonist's Point of View
Teen FictionPoint Of View Series #1--- "It hurts realizing that all along, I am the antagonist of my own story."