"Xy!" Sigaw ni Eury na agad nagpalingon sa akin, kasama niya si Milan na nagbabasa ng libro habang naglalakad papunta sa direksyon ko, si Eury naman ay parang kiti-kiti sa tabi nito na kumakaway-kaway pa.
"Samahan mo ako sa date namin ni Lucas mamaya!" Salubong ni Eury. tuwing biyernes after class ay may date sila ng boyfriend niyang si Lucas sa Jollibee dahil daw dalawang araw nilang hindi makikita ang isa't-isa at palagi siyang nagpapasama sa amin ni Milan. Hindi ko alam kung bakit e wala naman kaming ibang ginawa kung hindi panoorin sila magsubuan ng fries.
"Sige na please! may gagawin daw si Milan!" Pangungulit niya lalo noong hindi ako sumagot, tinignan ko si Milan at sinamaan ng tingin, itinaas niya lang ang dalawa niyang braso. Ayokong panoorin si Lucas at Eury mag-isa!
Pero sa huli, iyon ang nangyari. May araw ka rin sa akin, Maria Thylane!
Hindi ko mabilang kung pangilang irap ko na ba 'to, at hindi ko rin alam kung para kanino ang mga irap ko, kay Milan na iniwan ako, kay Eury na pabebe o sa jowa niyang kumikindat-kindat pa. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa gilid bago pa ako masuka, nakakadiri pinaggagawa nila.
Inalok pa ako ni Lucas ng fries pero inirapan ko na lamang siya at isinalpak ang earphones sa tenga ko. Buti na lang dinala ko ang earphones ko, makakanood ako ng kahit anong movie dito. Mas mabuti na yon kaysa naman panoorin ang dalawa. Noon, natitiis ko pa dahil dalawa naman kami ni Milan na nagdurusa tapos nakakatawa pa yung mukha niya kasi pinipilit niya pa ring ngumiti kahit na alam mong diring-diri na rin siya pero ngayon na mag-isa lang ako, ayoko nga.
Masyado akong focus sa pinapanood kong movie, ni hindi ko nga napansin na katabi ko na pala si Eury kung hindi niya lang inalis ang isang earphone sa tenga ko. Sasabihan ko na sana si Eury ng mga masasamang words pero inunahan niya na ako.
"Brusse is here!" Bulong niya sa pataas na boses na para bang excited. Agad umikot sa paligid ang mga mata ko at doon ko siya nakita kasama ang mga kabanda niya, tumawa siya at biglang nagliwanag ang paligid, napakaguwapong nilalang.
"Puntahan mo, huwag puro titig!" Saad ni Lucas na nagpatawa naman kay Eury. Mga tangang 'to. Inirapan ko na lang sila at tumayo, bahala sila sa buhay nila.
Nakangiti ako habang binabagtas ang daan papunta sa table nila. Ang pogi talaga ni Brusse, ang sarap pagmasdan.
"Uy! xy!" Bati sa akin ni Elias, ang vocalist ng banda, nakipagpeace bump ako sa kanila bilang pagbati bago umupo sa tabi ni Brusse.
"Hindi mo sinabi sa aking nandito ka." Bulong ko kay Brusse pagkatapos makaupo sa tabi niya.
"Biglaan lang" Sagot niya at inakbayan ako.
"Tapos na practice niyo?" Tanong ko sa kaniya, may practice pa rin kasi sila sa banda. Hindi nga lang kasing dalas kapag may event sa school pero sinisikap pa rin nilang magpractice tuwing biyernes, umeextra rin kasi sila minsan sa mga gig kaya kadalasan sa music room ang diretso ko pagkatapos ng landian nila Eury at boyfriend niya.
"Hindi kami nagpractice, welcome party to para dito!" Sagot niya, pinalo-palo pa ang likod ng bagong gitarista ng banda na nasa kabilang gilid niya.
"Pare naman!" Rinig kong reklamo pa ng gitarista, paano kasi ay punong-puno ng pagkain ang bunganga.
"Welcome to Rangers!" Matamis ang ngiting bati ko sa kaniya. As much as I can, I really try to be friends with Brusse's friends. And now that he is part of the band, I'm sure he's also part of the group too. Hindi naman nila tatanggapin ito kung hindi nila ito gusto bilang tao. Mukha pa namang close sila ni Brusse dahil magkatabi sila.
Close na rin kami ng mga kabanda ni Brusse pero nakakailang ngayon dahil tingin ng tingin sa akin ang bagong gitarista, simula noong binati ko siya ay ganoon na. Maalis lang ata ang tingin niya sa akin kapag susubo siya ng spaghetti, mas nakakailang pa dahil sobrang halata nito, kailangan niya pa kasing gumilid ng tingin dahil si Brusse lang ang pagitan namin. Inirapan ko na lamang siya, out of habit, I guess.
YOU ARE READING
The Antagonist's Point of View
Genç KurguPoint Of View Series #1--- "It hurts realizing that all along, I am the antagonist of my own story."