8

19 7 1
                                    

DAWN BEATRICE POV

"Pumasok kana.." doon lang ako natauhan ng muli, siyang nagsalita kaya naman mabilis akong tumalikod sa kanya at binuksan ang gate namin ng maalala ko ang bag ko na nasakaniya pa.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siya na hawak ang bag ko habang nakatingin sa akin. Kaya unti unti ulit akong lumapit at nilahad niya naman ang bag ko sa akin.

"Thank you, ingat ka pag uwi.." marahang sabi ko at naglakad na papasok sa gate namin sasarado ko na sana ang gate namin ng tinawag niya ako.

"Dawn.." Sumilip ako sa kaniya at nakita ko na nasa harapan na siya ng gate namin

"Bakit?"

" Read the book, okay?"

"S-sige.." I said I was about to finally close our gate when he spoke again.

" And call me after an hour.." napatitig ako sa kaniya at napatango tango nalang. He bid his goodbye, and get in to his car and drove away.

Kaya naman tuluyan na akong pumasok sa loob ng gate,namin at naglakad na papasok sa loob ng bahay nang makasalubong ko si ate na nasa may hamba ng pinto at naka tingin sa akin na may halong panghuhusga.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Nanood lang kami ng movie ni joanne.."

"Sino yon?" She asked that made me looked up at her

"Sino?" I asked getting nervous already.

"Yung humalik, sa noo mo." sabi niya at umayos ng tayo at pinaningkitan ako ng mata.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita niya pa yon? Omyghad! Nakakahiya! Nakakainis naman kasi bakit kailangan niya pa akong halikan sa noo?! Bwisit na yon! Feeling close talaga!

"A-ano, ka-kaibigan ko lang iyon.." sabi ko sabay iwas ng tingin. Naramdamanan ko na sobrang init na ng mukha ko dahil siguro narin sa tama ng alak kahit kaunti lang ang ininom ko at dahil sa kahihiyan at pagkabwisit ko kay justian na yon!

Pogi siya oo! Mukha naman maganda ang katawan niya, makapal ang kilay matangos ang ilong, matangkad, at may pamatay na panga. Pero bwisit parin siya dahil nakailang beses na siya sa akin ngayon ha!

Una kung maka hawak sa mukha ko kala mo kung sinong gwapo! Pangalawa kung maka hawak sa kamay ko kala mo jowa ko siya!

Lakas ng loob niyang hawak hawakan ako iniwan din naman niya rin naman ako sa pop up para sa ibang babae!

"Hoy!!" Nagugulat akong napatingin kay ate ng sumigaw siya sa tenga ko mismo

"Ano ba iyon, bakit naninigaw ka diyan?!" I hissed

" Tinatanong kasi kita, nakatulala ka lang diyan.Nakainom kaba? Bakit ang pula pula ng mukha mo?" She asked looking at my face.

I pouted, " k-konti lang.."

She sighed " Pumasok kana nga sa loob! Maligo kana, amoy alak ka!" She shouted.

Kaya sumunod naman na ako sa kaniya at pumanhik na sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos ko maligo,napatingin ako sa orasan at napansin kong apat na putlimang (45) minuto na, pala ang nakaraan simula ng makauwi ako.

Naupo ako sa kama ko, at na alala ko yung sinabi ni justian na tawagan ko siya. Kaya napatitig ako sa study table ko. Kung nasaan ang libro na binili sa akin ni justian,nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba na yung libro at kung tatawagan ko siya.

Tumayo ako at lumapit sa study table ko at kinuha yung plastic bag na may lamang libro.

Binuksan ko yung plastic bag at nilabas yung libro. At doon ko napansin yung calling card na sinasabi ni justian.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now