-AMETHYST POV-
Nagising na lamang ako na nasa isang silid ako, pagtingin ko sa kanang kamay ko ay may nakakabit na dextrose sakin.
"Thanks god, you're awake." nakangiting pagkakasabi ni Daddy sakin.
"What happened Dad?" nanghihinang tanong ko.
"Dinala ka namin dito sa Hospital matapos ka magtamo ng sugat kanina. Pero wag ka mag alala, you're safe now." saad ni Daddy.
"Si Aeron? Nasaan siya?" tanong ko.
Ilang saglit pa ay pumasok narin ng silid ko si Aeron.
Kaya agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Maiwan ko muna kayong dalawa para makapag usap kayo." nakangiting pagkakasabi ni Daddy.
"Ok Dad." nakangiti kong saad, bago umalis si Daddy ay hinagkan niya muna ako sa noo.
-AERON POV-
Nang makaalis na si Sir Martin ay saka ako umupo sa gilid ng hospital bed ni Amethyst.
"Thank you for saving me kanina." nakangiting pagkakasabi ni Amethyst.
Kaagad ko naman hinawakan ang kamay ni Amethyst.
"Ganun naman talaga ang gagawin ng kahit na sino lalo na kapag nasa kapahamakan ang taong mahal mo." nakangiting pagkakasabi ko saka ko hinagkan ang kamay ni Amethyst.
[2days later]
-DARWIN POV-
"Grabe Bro., I didn't expected na magagawa kang ipagpalit ni Amethyst sa isang personal bodyguard lang." pang i-insulto ni Jeddah.
Kaagad ko naman siya tinignan ng masama kaya tumahimik na siya.
"Sa tingin mo ba papayag ako na magtagal ang relasyon nila? Hindi. Dahil walang ibang karapatdapat kay Amethyst kundi ako lang." seryosong pagkakasabi ko.
"So anong pinaplano mo?" sabat naman ni Julian.
Ngumisi lang ako sa kanilang dalawa.
-AERON POV-
Nang makatulog na si Amethyst ay saka ako lumabas ng kwarto niya. Nakalabas narin siya ng Hospital pero kailangan niya parin magpahinga para bumalik ang lakas niya. Marami din kasing dugo ang nawala kay Amethyst.
Paglabas ko ng Mansion ay nasalubong ko si Darwin sa garden.
"Nagpapahinga si Amethyst, hindi siya pwede istorbohin." seryosong pagkakasabi ko kay Darwin.
"Kahit anong sabihin mo, bodyguard ka parin niya Aeron. At ako? Kaibigan niya ako. Wala kang karapatan na paghigpitan ako." seryosong pagkakasabi ni Darwin.
"Kaibigan ka nga niya, pero boyfriend niya na ako." sarcastic na pagkakasabi ko.
Nabadtrip yata si Darwin sakin at kaya agad niya ako inambahan ng suntok pero mabilis ko napigilan ang kamao niyang tatama sana sa mukha ko.
-AMETHYST POV-
Nang magising ako ay wala na si Aeron sa kwarto ko. Kaya minabuti ko na bumango at lumabas ng silid ko.
"Ma'am Amethyst, nasa garden po si Sir Darwin. Nakita ko po na magkausap sila ni Aeron." saad ni Lina.
"Bakit sila magkausap?" pagtataka ko.
"Hindi ko po alam Ma'am Amethyst, pero parang may alitan yata sa pagitan nilang dalawa." sagot ni Lina.
Kaya dali dali akong nagtungo sa garden kung saan naabutan ko ang pagsuntok ni Aeron sa mukha ni Darwin dahilan upang matumba 'to.
Aambahan pa sana ni Aeron ng pangalawang suntok si Darwin pero pumagitna na ako.
Agad ko naman nilapitan si Darwin at nakita ko na dumudugo ang labi niya dahil sa suntok ni Aeron sakanya.
Inakay ko siya papasok sa loob ng Mansion at saka ako humingi ng yelo kay Elsie.
-AERON POV-
"Aeron, dumudugo braso mo. Saka yung sa mukha mo." saad ni Lorrie at ng tignan ko ang braso ko, may dugo nga siguro sumabit ito sa alambre kanina habang nakikipag suntukan ako kay Darwin.
"Wala lang 'to." seryosong pagkakasabi ko.
"Gusto mo ikuha kita ng alcohol at bulak para sa sugat mo?" malumanay na tanong ni Elsie sakin.
"Hindi na kailangan." seryosong pagkakasabi ko at agad na pumasok sa Mansion.
Parang madudurog yung puso ko habang pinagmamasdan si Amethyst na ginagamot ang pasa sa pisngi at labi ni Darwin.
Kaya lumabas nalang ulit ako.
-AMETHYST POV-
"Bakit kasi pupunta ka dito tapos makikipagsuntukan ka lang pala kay Aeron." tanong ko.
"Hindi ko alam, Amethyst. Pero inis na inis talaga ako sa lalakeng yun sa tuwing nakikita ko siya. Lalo na kapag kasama mo siya sayo." paliwanag ni Darwin.
"He's my personal bodyguard. Natural lang na lagi ko siyang kasama." paliwanag ko naman.
"Pero totoo ba na boyfriend mo na siya? Kailan pa? Ang bilis naman yata? Ginayuma ko ba ng lalakeng yun?" magkakasunod na tanong ni Darwin dahilan upang panandalian ako hindi makapagsalita.
"Amethyst, ang isang tulad mo ay hindi karapatdapat sa lalakeng tulad ni A-----"
"Oo tama ka, boyfriend ko na nga si Aeron. Kaya bilang kaibigan ko, maging masaya kana lang sana sakin. And please, hindi sana maulit 'to. Ito na sana ang una't huli na mag aaway kayo ni Aeron." malumanay na pagkakasabi ko.
Tumango naman si Darwin pero ramdam ko na hindi parin nawawala ang galit niya kay Aeron.
Ilang saglit pa ay nagpaalam narin si Darwin na aalis na siya, hinatid ko nalang siya sa gate.
Pagbalik ko ay nasalubong ko si Aeron pero pilit siya umiiwas sakin.
-AERON POV-
"Aeron." saad ni Amethyst pero nagpatuloy ako sa paglakad.
Ngunit sinundan niya ako hanggang sa hawakan niya ang sugat sa braso ko at dumugo 'to.
"May sugat ka?" pagtataka ni Amethyst.
"Wala lang 'to. Sige na, bumalik kana sa kwarto mo. Magpahinga kana." seryosong pagkakasabi ko.
"Iniiwasan mo ba 'ko?" malumanay na tanong ni Aeron.
"Hindi kita iniiwasan, kaya sige na. Magpahinga kana." seryosong pagkakasabi ko.
"Yang sugat mo, dahil ba yan sa pag aaway niyo ni Darwin kanina?" seryosong tanong ni Amethyst.
"Hindi." pagsisinungaling ko.
Agad na lumapit sakin si Amethyst saka niya ako niyakap.
"Sorry." tipid na pagkakasabi ni Amethyst habang nakayakap sakin.
Agad ko rin naman siyang niyakap.
"Wag kana mag-sorry. Hindi naman ako galit sayo, aamin ko lang na nagselos ako. Pero isa lang ang hindi nagbago, yung pagmamahal ko sayo." nakangiting pagkakasabi ko habang nakayakap kay Amethyst.
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard
Action"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.