CHAPTER 22

506 23 4
                                    

[2years later]

-AMETHYST POV-

Matapos ang halos dalawang taon na pananatili ko sa France ay nagbalik na ako sa Pilipinas.

Doon parin ako tumuloy sa Mansion kung saan marami akong masasayang alala.

Dalawang taon narin ako walang balita kay Aeron. Hindi naman kasi yun active pagdating sa social media eh. Isa pa, sinadya ko narin na wala kaming maging communication habang nasa France pa ako. Naniniwala naman ako na kung talagang kami para sa isa't isa, ano't ano pa man ang mangyari ay muli kaming pagtatagpuin ng tadhana.

Kasalukuyan ako nag lilibot ng tingin sa paligid ng Mansion dahil marami nabago dito simula ng umalis ako, nang marinig ko ang boses ni Daddy.

"Amethyst, may ipapakilala pala ako sayo. Siya si Justine, ang magiging bagong personal bodyguard mo." pagpapakilala ni Daddy sa lalakeng kasama niya.

Nang marinig ko yun ay nagbalik sa alaala ko ang unang pagkikita namin ni Aeron.

[Flashback]

"Dad, sino siya?" agad na tanong ko kay Daddy ng makita ang lalakeng kasama niya.

"Ah, hayaan mong ipakilala ko sayo ang magiging personal bodyguard mo. Siya si Aeron, tatlong taon ko na siyang personal bodyguard malaki ang tiwala ko sa batang 'to, alam kong mapo-protektahan at maalagaan ka niya. And Aeron, siya naman ang nag iisang anak ko si Amethyst, ngayon mo lang siya nakita dahil kakauwe lang niya galing ibang bansa. Doon kasi siya nag aral." nakangiting pagkakasabi ni Daddy.

"Dad, hindi ko kailangan ng bodyguard. Kaya ko ang sarili ko, hindi na ako bata." saad ko.

"Amethyst, sumunod kana lang sa gusto ko. Mapagkakatiwalaan itong si Aeron." malumanay na pagkakasabi ni Daddy.

"Ok fine, sige. From now on you're my personal bodyguard." sarcastic na pagkakasabi ko at agad na nilahad ang kamay ko kay Aeron agad naman niya 'tong kinuha.

"Wag po kayo mag-alala Ma'am Amethyst, lagi ko po kayong po-protektahan." nakangiting pagkakasabi ni Aeron.

"Malamang, yun ang trabaho mo eh. Para saan pa't naging personal bodyguard kita kung 'di mo 'ko kayang protektahan." sarcastic na pagkakasabi ko at agad na umalis patungo sa silid ko.

[End of Flashback]

Ngumiti na lamang ako kay Daddy at sa kasama niya, si Justine.

Pagkatapos non ay nag decide ako na lumabas ng Mansion upang makasagap ng sariwang hangin.

Napansin ko naman na nakasunod sakin si Justine.

"Ah, wag mo na 'ko samahan. D'yan lang naman ako." nakangiting pagkakasabi ko sa bago kong personal bodyguard.

Naninibago parin ako na iba yung kasama ko saan man ako magpunta. Nasanay kasi ako na si Aeron ang laging nakabuntot sakin.

Agad ako nagpunta sa garage saka sumakay sa kotse ko.

"Ma'am Amethyst saan po kayo pupunta?" malumanay na tanong ni Grace sakin. Isa sa limang bagong kasambahay namin.

"Ah d'yan lang, wag mo nalang sabihin kay Daddy na nakita mo 'kong umalis." nakangiting pagkakasabi ko at agad na pinaandar ang kotse.

Sa isang tabing dagat, doon ako nagtungo. Gusto ko lang panoorin ang paglubog ng araw.

-AERON POV-

Kasalukuyan ako naglalakad lakad sa tabing dagat. Kabababa ko lang sa barko, nitong nakaraang linggo. Isa narin kasi akong Chef sa isang crewship.

Dalawang taon na mula ng umalis si Amethyst, sobrang namimiss ko na siya. Sana lang ay napatawad niya na ako sa kung ano man ang nagawa ko sakanya noon.

My Personal BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon