—AMETHYST POV—
Paglabas ko ng kwarto ko ay agad akong bumaba ng hagdan saka nagtungo sa kitchen kung saan nakasalubong ko si Elsie.
“Magandang umaga sayo Ma'am Amethyst.” sarcastic na pagkakasabi ni Elsie sakin.
Hindi ko siya pinansin at agad na dumiretso sa paglalakad pero mabilis niyang hinila ang buhok ko at agad na tinapat sa leeg ko ang kutsilyong hawak niya.
“Elsie, ano bang problema mo?!” tanong ko na may halong takot dahil nararamdaman ko na ano mang oras ay itatarak ni Elsie sa leeg ko ang kutsilyong hawak niya.
“Ikaw ang problema ko Amethyst. Ok na kami ni Aeron eh, masaya na kami. Pero ng dumating ka, nabaling ang atensyon niya sayo. Kaya alam mo ang dapat gawin sayo? Mamatay na.” nanggigil na pagkakasabi ni Elsie habang mahigpit na hawak ang buhok ko at nakatutok parin sa leeg ko ang kutsilyong hawak niya.
“Akin lang si Aeron, Amethyst. Saakin lang siya.” dagdag pa ni Elsie.
Habang patuloy na nanggigil sa galit sakin si Elsie ay nag iisip ako ng paraan kung paano makakatakas sakanya.
Hanggang sa sinikmuraan ko na nga siya gamit ang siko ko, at kaagad niya ngang nabitawan ang kutsilyong hawak niya.
Nang mabitawan niya yun ay kaagad ko yun pinulot pero mabilis niyang nahawakan ng mahigpit ang kamay ko.
At doon na nga kami nagsimulang mag agawan sa kutsilyo.
Talagang desedido si Elsie na patayin ako dahil lang sa sobrang pagmamahal niya kay Aeron.
Sa pag aagawan namin ng kutsilyo ay bigla niyang sinaksak ang sarili niya.
—ELSIE POV—
Kasalukuyan kami nag aagawan ni Amethyst sa kutsilyo ng mapansin ko na parating na si Aeron kaya sinadya kong saksakin ang sarili ko.
Agad nga akong bumagsak sa sahig habang dumudugo ang kanang bahagi ng tagiliran ko.
—AMETHYST POV—
“Anong nangyayari dito?!” agad na tanong ni Aeron.
Kaagad ko naman nabitawan ang kutsilyong hawak ko at naluluhang napatingin kay Aeron.
“I-I d-ddn't mean to hurt her.” nauutal na pagkakasabi ko habang unti unting pumapatak ang luha sa mata ko.
“Hindi? Amethyst, kitang kita ko ang ginawa mong pananaksak kay Elsie!” bulyaw ni Aeron sakin at agad na nilapitan si Elsie.
“Malalim ang sugat mo, kailangan mo agad madala sa Hospital.” pag aalala ni Aeron kay Elsie at saka niya 'to agad na binuhat.
“Aeron, believe me. Elsie tried to kill me. Hindi ako ang sumaksak kay Elsie, sinadya niya yun gawin sa sarili niya.” pagpapaliwanag ko pero hindi ako pinapansin ni Aeron.
“Anong nangyari kay Elsie?” agad na tanong ni Kuya Ruben ng makarating na kami sa garage kung saan andoon ang kotse.
“Mamaya na ang tanong Kuya Ruben, kailangan muna natin siya madala sa hospital.” seryosong pagkakasabi ni Aeron saka agad na sinakay si Elsie sa kotse patungo sa Hospital.
Kaagad naman ako napatingin sa kamay ko na may bahid pa ng dugo ni Elsie.
—AERON POV—
Pagdating sa Hospital ay agad na dinala si Elsie sa ER.
“Sino ang may gawa non kay Elsie? Sinong sumaksak sakanya?” magkasunod na tanong ni Kuya Ruben.
Kaagad naman ako napabuntong hininga.
“Hindi ko alam, pero naabutan kong hawak ni Amethyst ang kutsilyo ng bumagsak si Elsie. Kaya sinong pwede gumawa non kay Elsie, kung silang dalawa lang ang nandoon.” naguguluhan kong sagot.
“Ibig mo bang sabihin, si Ma'am Amethyst ang sumaksak kay Elsie?” pagtataka ni Kuya Ruben.
“Parang ganun na nga, pero ang sinasabi niya kanina. Pinagtatangkaan siyang patayin ni Elsie na alam kong hindi naman yun gagawin ni Elsie, dahil mas nauna ko makilala si Elsie kay Amethyst. Alam kong mabait na tao si Elsie.” saad ko.
“Pero hindi rin naman magagawa ni Ma'am Amethyst yun kay Elsie. Bata pa lang noon si Ma'am Amethyst, buhay pa ang mommy niya ng una ko siyang makilala bago siya mag aral sa ibang bansa. Mabait na bata si Ma'am Amethyst, kaya imposible din na nagawa niyang saksakin si Elsie ng walang mabigat na dahilan. At kung may dahilan man, hindi parin yun magagawa ni Ma'am Amethyst.” paliwanag naman ni Kuya Ruben kaya mas lalo akong naguluhan.
“Pinagseselosan ni Amethyst si Elsie, maaaring yun ang dahilan kaya niya nagawang saksakin si Elsie.” seryosong pagkakasabi ko kaya agad napatingin sakin si Kuya Ruben.
Matapos ang mahigit dalawang oras ay nailipat na ng silid si Elsie.
—ELSIE POV—
“Mabuti naman at nagising kana, ano ba talagang nangyari kanina?” agad na tanong sakin ni Aeron.
Agad naman ako napabuntong hininga.
“Sa totoo lang Aeron nagulat din ako sa nangyari kanina eh. Basta ang natatandaan ko lang nasa kusina ako non para sana ipagluto ng almusal si Ma'am Amethyst pero nagulat ako ng makita ko siyang nasa likod ko na. Tapos pinagbantaan niya ako na wag na daw ako lalapit sayo. Sabi ko, hindi ko maipapangako yun kasi una sa lahat magkaibigan tayo. Tapos ayon, bigla nalang niya ako sinaksak. Mabuti nalang nga at dumating ka para iligtas ako.” pagsisinungaling ko saka ko hinawakan ang kamay ni Aeron.
“Pero may sinabi siya kanina na pinagtatangkaan mo daw siyang patayin.” seryosong tanong ni Aeron.
“Hindi yun totoo Aeron, kung ako ang nagtatangkang pumatay sakanya. Bakit ako yung nandito sa hospital ngayon, naka-dextrose matapos masaksak at hindi siya?” malumanay na pagkakasabi ko.
“Gusto mo bang mag file ng case against her?” seryosong tanong ni Aeron.
—AMETHYST POV—
Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad lakad sa labas ng Mansion, iniintay ko ang pag uwe ni Aeron upang alamin kung kamusta na si Elsie dahil hindi rin naman ni Aeron sinasagot ang tawag ko.
Ilang sandali pa nga ay dumating na siya.
At kaagad ko siyang sinalubong.
“Kamusta si Elsie? Ok na ba siya?” magkasunod na tanong ko.
“Matapos mong saksakin si Elsie dahil sa pagseselos mo, magtatanong ka kung kamusta siya? Pasalamat ka nga at mabait parin si Elsie, hindi siya ng file ng attempted murder laban sayo.” sarcastic na pagkakasabi ni Aeron.
“Wag mong sabihin na naniniwala ka sa Elsie na yun? Aeron, ako ang pinagtangkaan niyang patayin. Kahit i-check mo ang CCTV sa Kitchen, mala----”
“Hindi ko na kailangan pang i-check ang CCTV dahil ako mismo ang nakakita ng saksakin mo si Elsie. Hindi ko inakala na magagawa mo yun sakanya, nang dahil lang d'yan sa pagseselos mo.” saad ni Aeron.
“Siguro nga dapat mas kinilala muna kita bago kita minahal Amethyst. Nagkamali nga yata ako ng babaeng minahal ko.” seryosong pagkakasabi ni Aeron kaya isang malakas na sampal mula sakin ang dumampi sa pisngi niya.
Kaagad naman tumulo ang luha ko matapos ko marinig ang mga salitang yun galing kay Aeron.
To be continue..
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard
Action"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.