CHAPTER 19

325 18 0
                                    

-AERON POV-

Kinabukasan nga ay nakalabas na ng Hospital si Elsie, agad ko siyang hinatid sa apartment na tutuluyan niya. Medyo malapit lang yun sa bahay ko.

"Kuya, sino yung babaeng kasama mo kanina?" agad na tanong sakin ni Trisha ng umuwe ako sa bahay.

"Ah si Elsie yun." seryosong pagkakasabi ko.

"Elsie? Sinong Elsie kuya?" sabat naman ni Divine.

"Saka bakit wala ka ngayon kuya sa Mansion? Diba ikaw ang personal bodyguard ni Ate Amethyst?" pagtataka ni Trisha.

"Nag resign na ako. Hindi na ako ang personal bodyguard ni Amethyst." seryosong bagkakasabi ko.

"Huh? Pero bakit?" magkasabay na tanong ni Trisha at Divine.

"Mahabang kwento." sagot ko.

"Hala kuya, pinagtataksilan mo ba si Ate Amethyst? Yung Elsie na sinasabi mo, siya na ba ang bago mo? Kuya bad yan. Diba sabi mo, mahal na mahal mo si Ate Amethyst at po-protektahan mo siya lagi? Eh bakit ngayon nag resign kana bilang bodyguard niya? Sino na ang magtatanggol kay Ate Amethyst kapag may gumawa ng masama sakanya." pangongonsensya ni Trisha.

Bahagya ako natahimik sa sinabing yun ni Trisha.

-ELSIE POV-

"Binigla mo naman ako sa pagdating mo, hindi ka man lang kumatok." nakangiting pagkakasabi ko kay Aeron.

"Medyo nakabukas naman yung pinto, kaya hindi na ako kumatok. Ano, ok ka ba dito? Comfortable ka naman ba? Ito, dinalhan kita ng pagkain." saad ni Aeron saka nilapag sa lamesa ang pagkain na dala niya.

"Aeron, salamat ha. Salamat sa pag aalaga mo sakin. Kung wala ka sa tabi ko, baka kung ano na ang nangyari sakin." malumanay na pagkakasabi ko at kaagad na niyakap si Aeron pero hindi niya ako niyakap pabalik kaya kumawala na ako agad.

"Kumain kana, may pupuntaha muna ako saglit." seryosong pagkakasabi niya.

"Huh? Saan ka pupunta?" pagtataka ko.

"Kay Amethyst, na-realize ko kasi na mali na iniwan ko siyang bigla." saad ni Aeron.

Kaya agad na nag iba ang facial expression ko.

Hindi ako kumibo, palabas na ng pintuan si Aeron ng umarte ako na kunware biglang sumakit ang ulo ko. Kaya agad niya akong pinuntahan.

-AERON POV-

"Anong nangyari sayo?" pag aalala ko kay Elsie.

"Sumakit nalang bigla yung ulo ko. Hindi ko alam kung bakit." mahinanon na pagkakasabi ni Elsie habang hawak ang ulo niya.

Kaya agad ko siyang inakay patungo sa silid niya.

"Mahiga ka muna, bibili lang ako ng gamot sa Pharmacy. Babalik ako agad." saad ko at agad na umalis.

-ELSIE POV-

Nang makaalis na si Aeron papuntang Pharmacy ay agad ko kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at agad na tinawagan si Lorrie.

"Uy gurl, bakit ngayon ka lang tumawag? Kamusta kana? Grabe yung ginawa mo gurl. Best actress." saad ni Lorrie.

"Well, ako pa ba? Kulang na nga lang manalo ako ng Oscar Award eh." natatawa kong pagkasabi ko.

"Eh nasan ka ngayon? Alam mo ba, nag resign na si Aeron bilang bodyguard ni Amethyst." kwento ni Lorrie.

"Sa isang apartment malapit lang sa bahay ni Aeron ako tumutuloy. Actually, sobra sobra nga yung pag aalaga na ginagawa sakin ni Aeron eh. Kinikilig tuloy ako." nakangiting pagkakasabi ko.

"Ibig mong sabihin, magkasama kayo lagi ni Aeron? Iba ka talaga gurl." saad ni Lorrie.

"Ganun talaga." nakangiting pagkakasabi ko.

"Oh siya, baba ko na 'to gurl. May tao yata sa gate eh. Tignan ko lang kung sino." paalam ni Lorrie saka nag end call.

-AMETHYST POV-

Agad ako napabalikwas matapos marinig ang ingay kaya agad akong lumabas ng kwarto ko.

"Lorrie, Lina!" sigaw ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay agad bumungad sakin ang dugo sa sahig, at sa 'di kalayuan nakita ko sila Lorrie at Lina na nakahandusay sa sahig.

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at agad na tinawagan si Aeron pero pinapatay niya ang tawag ko.

Hanggang sa may bigla nalang tumakip sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw, hanggang sa makaramdam na ako ng pagkahilo.

-AERON POV-

"Kuya Ruben? Anong ginagawa mo dito?" agad na sambit ko matapos ko makasalubong si Kuya Ruben.

"May kailangan ka malaman Aeron, tungkol ito sa nangyari sa Mansion nitong nakaraang araw." seryosong pagkakasabi ni Kuya Ruben.

Saka inabot sakin ang cellphone niya.

"Ano 'to?" pagtataka ko.

"Panoorin mo. Video copy yan ng kuha sa CCTV tungkol nangyari kay Elsie." seryosong pagkakasabi ni Kuya Ruben.

Kaagad ko nga yun pinanood. Sobrang konsensya ang naramdaman ko matapos ko mapanood ang video, hindi nagsisinungaling si Amethyst.

-ELSIE POV-

"Buti naman naka----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko matapos akong tutukan ng baril sa ulo ni Aeron.

"Ano bang nangyayari sayo Aeron? Ibaba mo nga yang baril mo." saad ko.

"Isang pagkakamali ko ang naniwala ako sayo Elsie! Paano mo nagawang pagtangkaan ang buhay ni Amethyst!?" nanggigil sa galit na tanong ni Aeron sakin.

"Ano bang sinasabi mo Aeron?" pagsisinungaling ko.

-AERON POV-

"Alam ko na ang totoo, Elsie." seryosong pagkakasabi ko at agad na sinikmuraan si Elsie kaya agad siyang bumagsak sa kama.

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga pulis upang huliin si Elsie. Ako naman ay nagmamadaling umalis at nagtungo sa Mansion.

To be continue..

My Personal BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon