-AMETHYST POV-
Matapos ko makausap si Elsie ay kaagad na ako pumasok sa loob ng Mansion, kung saan nadatnan ko si Aeron na nililinis niya ang 45Caliber niyang baril.
"Mahirap ba gumamit ng baril?" saad ko kaya agad na napatingin sakin si Aeron.
"Hindi naman. Bakit? Gusto mo matuto gumamit nito?" nakangiting sagot ni Aeron sakin.
Kaagad naman ako napaupo sa tabi niya.
"Bakit ko pa kailangan matuto gumamit niyan kung nand'yan ka naman to protect me." nakangiting pagkakasabi ko.
Kaagad naman ngumiti sakin si Aeron.
"Oo naman, I always here to protect you." saad ni Aeron habang nakatitig sa mga mata ko.
"Oo nga pala, nakausap mo si Elsie? Anong sabi niya?" tanong ni Aeron.
"Ayon, about nga sa love life." natatawa kong sagot.
"May boyfriend na pala si Elsie?" pagtataka ni Aeron.
"Nagugustuhan palang niya yata pero hindi niya pa boyfriend." saad ko.
"Bakit ka nakatitig sakin? May dumi ba ako sa mukha?" pagtataka ko ng mapansin na nakakatitig sakin si Aeron.
"Wala, masama bang pagmasdan ang babaeng nagbibigay ng saya at inspirasyon sayo." nakangiting pagkakasabi ni Aeron.
"Ewan ko sayo. Tigilan mo nga ako sa kakagayan mo Aeron." kunware naiinis kong pagkakasabi but deep inside siyempre, kinikilig buong pagkatao ko.
Kaagad naman ako niyakap ni Aeron.
-ELSIE POV-
"Alam mo gurl, lalo mo lang sinasaktan sarili mo sa ginagawa mo eh. Wag mo na kasi silang tignan para 'di ka nasasaktan. Mag move on kana lang kasi." saad ni Lorrie.
"Hindi Lorrie, hindi ako mag mo-move on. Mahal ko si Aeron, isa pa. Mas nauna ko naging ka-close si Aeron kaysa sa Amethyst na yan. Nawala lang naman ang closeness namin ni Aeron noon ng maging personal bodyguard siya ng babaeng yan. Mayaman lang si Amethyst, kaya siguro siya nagustuhan ni Aeron pero nararamdaman kong hindi talaga mahal ni Aeron si Amethyst. Kaya babawiin ko yung dapat na sakin." seryosong pagkakasabi ko habang masama ang tingin kay Ma'am Amethyst.
"Paano mo naman nasabi yan Elsie? Eh obvious naman na totoong pagmamahal ang pinapakita ni Aeron kay Ma'am Amethyst." sabat ni Lina.
"Ah basta, gagawa ako ng paraan para magkahiwalay sila. Ibabalik ko ang closeness namin ni Aeron noon bago pa man dumating sa buhay namin yang Amethyst na yan." inis na pagkakasabi ko.
"Hay naku, Elsie. Good luck nalang talaga sayo. Kasi sa tingin ko, mahal nila ang isa't isa kaya mahihirapan ka na paghiwalayin sila." sabat ni Lorrie.
[1week later]
-AMETHYST POV-
"Mag iingat ka doon lagi Daddy." nakangiting pagkakasabi ko kay Daddy.
Aalis kasi si Daddy papuntang Italy dahil sa pagtatayo ng 5th branch ng company namin doon.
"Of course sweetie, mabilis lang naman ako doon." nakangiting pagkakasabi ni Daddy saka ako yumakap sakanya.
"Ikaw, Aeron. Wag mo papabayaan itong pinakamamahal kong anak." bilin ni Daddy kay Aeron.
"Makakaasa kayo Sir, hindi ko po papabayaan ang anak niyo. Ingat po kayo." nakangiti naman sagot ni Aeron.
Pagkatapos ay umalis na si Daddy sakay ng isang kotse na maghahatid sakanya sa airport kung saan nandoon ang private plane namin.
-AERON POV-
"Kaya naman pala nasa labas palang ako naaamoy ko na yung mabango eh, masarap pala yang niluluto mo Elsie." nakangiti kong bati kay Elsie na busy sa pagluluto sa kusina.
"Salamat." nakangiti niyang pagkakasabi.
"Para kay Amethyst ba yan? Ako nalang ang magdadala sa kwarto niya." saad ko.
Kaagad naman siya tumingin sakin.
"Hindi 'to para kay Ma'am Amethyst. Para sa'yo 'to, naalala ko kasi noon. Nang wala pa dito sa Mansion si Ma'am Amethyst lagi ko 'to niluluto para sa'yo. Favorite mo 'to diba?" sagot ni Elsie.
Close naman talaga kami ni Elsie noon, pero simula ng maging personal bodyguard ako ni Amethyst. Hindi na kami masyado nakakapag usap ni Elsie.
"Ah Oo, naalala ko yun. Nasunog nga yung pancake na ginawa mo noon eh." natatawang pang aasar ko kay Elsie.
"Grabe ka ah." nakasimangot na saad ni Elsie.
"Ito luto na 'to, tikman mo." nakangiti niyang pagkakasabi sakin.
Saka niya sinalin sa soup bowl ang Brocoli Chicken Soup.
"Sige mamaya, titikman ko yang luto mo. Puntahan ko muna si Amethyst sa kwarto niya baka kasi gising narin yun." saad ko.
"Huh? Eh lalamig na 'to kapag hindi mo kinain agad. Hindi 'to masarap kapag malamig na." pagtatampo ni Elsie.
-AMETHYST POV-
Nang magising ako ay agad akong nag asikaso bago ako lumabas ng kwarto ko.
Kung saan ay nadatnan kong masayang nagki-kwentuhan sila Elsie at Aeron sa kitchen.
Hindi nalang ako lumapit kasi ayaw ko rin naman maka-istorbo sa bonding moments nilang dalawa. Hindi naman lingid sakin na matagal narin magkaibigan sila Aeron at Elsie.
Pero bakit ganun? Bakit nakakaramdam ako ng selos. Malaki naman ang tiwala ko kay Aeron, alam kong hindi niya ako sasaktan. At isa pa, si Elsie para ko na siyang nakababatang kapatid dahil matagal narin siya naninilbilhan dito sa Mansion.
To be continue..
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard
Action"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.