—AMETHYST POV—
Mula sa ikalawang palapag ng Mansion nakita ko si Lorrie na may hila-hilang maleta, ang maleta na yun ay kay Elsie kaya dali dali akong bumaba ng hagdan.
“Saan mo dadalhin yung mga gamit ni Elsie?” seryosong tanong ko.
“Aalis na dito si Elsie, kaya nakisuyo siya sakin na kunin ang mahahalagang gamit niya. Natatakot siya na baka kapag nag stay pa siya dito ay maulit ang nangyari kagabi. Sa isang apartment malapit sa bahay ko tutuloy pansamantala si Elsie.” seryosong sabat ni Aeron kaya agad akong napalingon sa likod ko.
“Walang ibang kamag-anak na malapit si Elsie, kaya nagdesisyon ako na bilang matagal na niyang kaibigan ay ako muna ang mag aalaga sakanya habang nagpapagaling siya.” dagdag pa ni Aeron.
“So you mea---”
“Mag re-resign na ako bilang personal bodyguard mo.” seryosong pagkakasabi ni Aeron.
“W-what?” nauutal na pagkasabi ko dahil sa pagkabigla.
“Amethyst, kaibigan ko si Elsie bago pa man kita makilala. Hindi ko rin gusto na masaktan siya. Ngayon niya higit na kailangan ang tulong ko.” seryosong pagkakasabi ni Aeron.
“Aeron, hindi ko siya sinaktan. Hindi ko yun magagawa kay Elsie. Maniwala ka naman sakin please.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Hindi ko alam Amethyst. Sa totoo lang, hindi rin ako makapaniwala na magagawa mo yun kay Elsie. Pero ako mismo ang nakakita, kung paano mo siya sinaksak.” seryosong pagkakasabi ni Aeron saka siya umalis.
—ELSIE POV—
Sabi ng Doctor, pwede na daw ako makalabas ng Hospital bukas.” nakangiting pagbabalita ko kay Aeron ng dumating siya.
“Mabuti naman kung ganun, kamusta na ang pakiramdam mo?” malumanay na tanong sakin ni Aeron.
“Kanina, medyo masama yung pakiramdam ko. Pero ng dumating ka, bigla ako naging ok. Oo nga pala, salamat sa pagtatanggol mo sakin. Kung hindi ka dumating, baka napatay na ako ni Amethyst.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Wag ka mag-alala, hindi kana man na babalik sa Mansion. Nakuha na yung ibang gamit mo. Pinahatid ko na doon sa tutuluyan mong apartment.” seryosong pagkakasabi ni Aeron.
“Bakit masyado naman yatang seryoso yang mukha mo?” pagtataka ko.
—AERON POV—
“Hindi ko rin alam Elsie, siguro kasi nakokonsensya din ako sa mga sinabi ko kay Amethyst.” saad ko.
“Aeron, nakita mo naman kung paano niya ako sinaktan at pinagkaila niya pa yung ginawa niya. Kahit kitang kita ng dalawang mata mo ang pananaksak niya sakin. Nakakatakot si Amethyst, masyado yata siyang obsessed sayo. Kaya kahit simpleng pagkakaibigan natin ay binibigyan niya ng malisya. Aeron, natatakot ako. Paano kung balikan ako ni Amethyst? Paano kung saktan niya ako ulit.” saad ni Elsie at kaagad na yumakap sakin.
—AMETHYST POV—
“Ma'am Amethyst, kumain na po kayo. Kaninang umaga pa po kayo hindi kumakain.” malumanay na pagkakasabi ni Lina ng ihatid niya sa kwarto ko ang pagkain.
“Wala akong gana.” seryosong pagkakasabi ko.
“Pero Ma'am----”
“Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala akong gana kumain. Umalis ka sa harapan ko.” inis na pagkakasabi ko kay Lina at kaagad naman siyang lumabas ng kwarto ko.
At muli na naman ngang dumaloy ang luha sa mata ko, lalo na ng maalala ko ang mga sinabi ni Aeron sakin.
Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ko, kaya nagmamadali akong tinignan ito sa pag aakalang si Aeron ang tumatawag. Yun pala si Daddy.
“Hi daddy.” saad ko.
“Hello sweetie, kamusta ka?” agad na tanong ni Daddy sakin.
“I'm ok Dad. You don't have to worry about me.” pagsisinungaling ko sabay punas sa luha ko.
“Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?” tanong ni Daddy.
“Hindi Dad, sinisipon po kasi ako.” palusot ko.
“Uminom kana ba ng gamot?” pag aalala ni Daddy.
“Oo Dad.” sagot ko.
“By next week, uuwe na ako d'yan sa Pilipinas. Sorry sweetie kung mas inuuna ko ang business natin. Don't worry, babawe si Daddy pagbalik ko d'yan.” saad ni Daddy.
“It's ok Dad, I do understand. I miss you dad.” nakangiting pagkakasabi ko.
“I miss you too, Sweetie. Ingat ka lagi d'yan.” saad ni Daddy.
“Oo nga pala, kamusta si Aeron? Hindi ka ba niya pinapabayaan?” tanong ni Daddy kaya hindi ako agad nakasagot.
“Ah, si Aeron po? Well, he's ok. Hindi naman po niya ako pinapabayaan. He's always there for me.” saad ko habang pinipigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko.
“Good to hear that. Oh siya, ibaba ko na. Basta mag ingat ka lagi d'yan. Bye, sweetie.” saad ni Daddy saka nag end call.
Napapikit nalang ako at saka umagos ang luha galing sa mata ko.
To be continue..
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard
Action"I will protect you at all cost." - Aeron "Of course, your job is to protect me. Isn't it?" Amethyst.