CHAPTER 16

304 16 0
                                    

—AERON POV—

Simula nga ng umalis si Amethyst ay hindi na ako mapakali. Pasado alas-siyente na ng gabi kaya labis na ang pag aalala ko sakanya. Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot.

Kaya naisipan ko nalang na sundan kung nasaan siya sa tulong ng tracking device na nasa cellphone niya.

Palabas na ako ng pintuan ng mansion ng bigla siyang dumating.

Pero imbes na batiin niya ako ay iniwasan niya akong tignan at nagpatuloy siya sa paglakad.

—AMETHYST POV—

“Pwede bang mag-usap tayo?” malumanay na tanong ni Aeron saka kaya napatigil ako sa paglakad at kaagad siyang nilingon.

“May dapat ba tayong pag usapan?” seryosong tanong ko.

“Amethyst kahit hindi mo aminin, alam kong masama ang loob mo sakin. Hindi mo naman ako iiwasan ng ganito kung ok lang tayo eh.” malumanay na pagkakasabi ni Aeron habang nakatitig siya sa mga mata ko.

“Ayaw ko ng ganito tayo. Ayaw kong nagkakatampuhan tayo. Kaya nakikiusap ako sayo Amethyst, ayusin natin 'to.” saad muli ni Aeron.

Kaagad naman ako ngumiti sakanya, senyales na ok na kami.

Pagkatapos ay kaagad nga niya akong niyakap.

—ELSIE POV—

“Yan ba yung sinasabi mo na may namu-muong LQ kila Aeron at Ma'am Amethyst. Eh tignan mo nga, ok na ok na ulit sila.” saad ni Lorrie.

“Pwede ba, manahimik nga kayo. Hindi kayo nakakatulong eh.” inis na pagkakasabi ko.

“Ok shut-up na ako. Puntahan ko lang si Ma'am Amethyst, baka may iuutos eh.” sarcastic na pagkakasabi ni Lina saka siya umalis.

“Alam mo Elsie, simple lang naman solusyon mo sa problema mo eh.” seryosong pagkakasabi ni Lorrie kaya agad ako napatingin kay Lorrie.

“Ano?” seryosong tanong ko.

“Gusto mo ma-solo si Aeron diba? Gusto mong wala ng hadlang sa inyong dalawa tama ba? So, kung sino yung sagabal o hadlang, dapat mawala.” nakangiting pagkakasabi ni Lorrie.

Agad naman ako ngumiti sa sinabi ni Lorrie, ngayon alam ko na kung paano mawawala si Amethyst sa buhay namin ni Aeron.

—AERON POV—

“Ma'am Amethyst, may iuutos po ba kayo sakin?” mahinahon na tanong ni Lina kay Amethyst.

“Wala naman, sige
“So, pinagseselosan mo pala si Elsie?” natatawang tanong ko.

“Bakit natatawa ka?” seryosong tanong ni Amethyst sakin.

“Wala, natatawa lang ako kasi ang cute mo magselos.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Cute ka d'yan.” naka-simangot na pagkakasabi ni Amethyst.

“Alam mo Amethyst, wala ka naman dapat ipagselos eh. Magkaibigan lang kami ni Elsie, mula noon hanggang ngayon.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Talaga?” paninigurado ni Amethyst.

“Oo, kasi ang puso ko ay pagmamay-ari na ng babaeng nasa tabi ko ngayon.” nakangiting pagkakasabi ko habang nakatitig kay Amethyst.

“Wag mo na nga ako titigan ng ganyan, baka matunaw pa 'ko dito.” saad ni Amethyst.

Kaya agad ako ngumiti.

“Basta lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita.” nakangiting pagkakasabi ko.

Agad naman ngumiti sakin si Amethyst.

—AMETHYST POV—

Kinabukasan, nagising ako na may stickey notes na naka-dikip sa lampshade ko. Kaya agad ko yun tinignan, galing yun kay Aeron.

“Sorry kung hindi na ako nakapag paalam sayo. Ang himbing kasi ng tulog mo, kinakailangan ko kasing umuwe muna saglit sa bahay. Kailangan kasi ako ngayon ni Trisha dahil may event sa school nila. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko, tawag mo lang ako. I love you.

Love,
Aeron.”

Agad ko hinanap ang cellphone ko saka ko tinawagan si Aeron.

“Good Morning.” agad na bati ni Aeron.

“Good Morning too.” bati ko rin sakanya.

“Sorry kung hindi na ako nakapag paalam sayo ng personal kanina. Hindi ko na kasi inistorbo yung tulog mo.” saad ni Aeron.

“It's ok. Naiintindihan ko rin naman na hindi lang naman umiikot ang trabaho mo sa pagiging personal bodyguard ko at boyfriend ko narin at the same time, siyempre kailangan mo rin maglaan ng oras para sa dalawa mong kapatid.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Thank you.” saad ni Aeron mula sa kabilang linya.

“Sige na, ibaba ko na 'to. Take care.” saad ko at saka binaba ang ang tawag.

To be continue..

My Personal BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon