Ring

53 3 0
                                    


Full Chapter

Pinagmasdan ko muna ang mga halamang nakapalibot sa Telepathy Collage bago pumasok rito. Nagbigay muna ako ng isang buntung hininga bago tuluyang ihakbang ang aking paa sa tarangkahan nito.

Good morning miss Kyla.
Bati saakin ng gwardiya.

Nginitian ko na lamang siya bilang pagsagot saka naglakad papunta sa building ng Med Department.

Dinig na dinig ko ang kwentuhan ng mga nagpakalat-kalat na estudyante sa ground floor.

Last month of school year"

Naibaba ko naman ang aking mga balikat ng maisip ko ito.

Darlyn san ka magbabakasyon??"

di ko pa alam ehh, ikaw Christina?"

I think sa States. Gusto na daw kasi ako makita ni lolo.."

Nakaramdam naman ako kaunting ng inggit ng marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

Bago ako tuluyang pumasok sa Lab, dumiretso muna ako sa CR upang mag ayus ng sarili.

Naghilamos ako at pinagmasdan ang aking sariling repleksyon sa salamin.

Hahakbang na sana ako palabas ng may mapansin akong maliit na bagay na nakalagay sa isang puting papel. Dinampot ko ito at tiningnan.

Black ring? San naman nanggaling to??"

Nagandahan ako sa itsura kung kaya't ibinulsa ko. Tiningnan ko naman ang papel kung may nakasulat ngunit wala akong nakita.

Biglang nag init ang aking pangangatawan. Bumalik ako sa harap ng salamin upang ayusin ang aking sarili. Tinitigan ko saglit ang aking sariling repleksyon saka bumuntong hininga.

Nakaramdam ako ng kaba ng makita ng dalawang mata ko kung pano ngumiti ng nakapakalaki ang aking sariling pigura sa loob ng salamin.

Nagsitayuan ang aking balahibo.

Nakaramdam ako ng kaba.

Nakaramdam ako ng takot.

Agad kong nilisan ang lugar na iyun. Tumakbo ako papalabas na tagaktak ang pawis.

Oh Kyla, anyari sayo??"
Sabat saakin ni Troy.

Di ko alam kung pano sasabihin sakaniya ang nakita ko.

“Ah-eh, wala. Mainit kasi sa loob."
Pagmamaang-maangan ko.

Biglang nagsalubong ang kaniyang kilay. Tumitig siya saaking mga mata na animo'y sinusuri ako.

umamin ka nga?! Nakadrugs ka ba??"
Nakangisi niyang tanong.

Napakunot ang aking noo dahil sa tanong niya.

A-anong naka drugs na pinagsasabi mo?? Kunot noo kong tanong. ang sabi ko kako, mainit sa loob ng Cr! Pag-uulit ko.

RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon