Ring

12 3 0
                                    


Full Chapter

Napatingin ako saaking relo upang tingnan kung anong oras na. Madilim na ang paligid at puro streetlight lang ang nagbibigay liwanag sa daan.

6p.m na.

Araw-araw ganto ang ginagawa ko, maglalakad papunta dito at uuwi paring naglalakad. Ayoko ng gumastos dahil malapit lang naman ang bahay ko.

Napalingon ako sa may bukana ng St. Edwards Academy ng mapansin ko ang isang matandang babae na nakatingin saakin. Agad ko itong nilapitan at tinulungang makatawid papunta sa kabilang kalsada.

Kaawaan ka ng diyos.."wika saakin ng matanda.

“mag-iingat ho kayo."
Magalang kong sagot.

Maglalakad na sana ako papasok sa isang kanto ng pigilan niya ako. Agad ko siyang nilingon at hinarap.

“m-may problema ho ba??"

W-wala naman.
Maikling sagot niya.

sige ho, mauuna na ako. Baka kasi lalo akong gabihin sa daa."

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan niya ako sa kamay.

Ineng mag iingat ka. Nanatiling nakabukas ang iyong isipan..."
Wika niya saakin ng may pagbabanta.

Nakaramdam naman bigla ako ng takot dahil sa sinabi niya. Di ko alam kung ano ba ang kaniyang ibig sabihin.

“a-ano hong ibig niyong sa—??"
Di ko ulit natapos ang aking itatanong ng bigla siyang mawala sa harap ko.

Nagsimula nanaman akong mangilabot dahil sa nangyari saakin ngayon. Pilit akong nagpalinga-linga at umaasang mahahanap yung matanda. Ngunit bigo ako.

Pilit kong pinalakas ang loob ko sa kabila ng takot na aking nararamdaman. Nagpatuloy na ako sa paglalakad na punong puno ng katanungan ang aking isipan.

Kyla!!..."
Dinig kong sigaw ng pamilyar na boses saakin.

Oh Nicole??"

Nakita mo ba si Gian?
Halos hingal na hingal niyang pagtatanong.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa tanong niya.

“h-hindi ehh.."

Ah-ah ganon ba? Sige sabihan mo na lang ako kapag nakita mo siya.
Wika niya saakin na puno ng pagkakadismaya.

S-sige."
Maikli kong sagot saka dumiretso na ako papasok sa subdivision.

Nanatiling bukas ang aking isipan? Anong ibig niyang sabihin?"

Napahinto ako sa bukana ng gate namin ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

Message from Shenalyn:

RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon