Full ChapterLahat kami ngayon ay nakaharap sa bonfire na ginawa namin.
Nagkekwentuhan.
Nagtatawanan.
Asaran habang iniihaw ang marshmallow sa apoy.
"Siguro ito na ang tamang panahon para masagot ang mga katanungan ko."
Lahat ay abala sa pagkain. Nabalot ng katahimikan ang lahat dahil sa kanilang mga ginagawa.
M-may alam ba kayo sa background story ng school natin?? Pagbasag ko sa katahimikang namumutawi saamin.
Wala naman ni isa sa mga kaibigan ko ang sumagot saaking tanong.
Bumuntong hininga na lamang ako.
Ba't mo gustong malaman??
Biglang sagot saakin ni Troy.Bakit nga ba??
W-wala lang. Wala kasi tayong mai-topic... Pagsisinungaling ko.
Nakita ko naman sa itsura niya ang pagtataka. Bumuntong hininga siya saka lumipat ng pwesto.
Bakit nga??
Pag-uulit niya sa tanong ngunit makikita mo ang matinding pagtataka sa kaniyang tono.Huminga muna ako ng ilang saglit bago ako nagdesisyong sabihin ang totoo.
Nitong makalipas na araw kasi, may mga kakaiba akong napapansin sa loob ng school . agad naman silang natigil sa kanilang mga ginagawa.-its sounds weird pero, yung nakita mo ako sa loob ng cr, itinuro ko si Troy.- nakita ko kung pano ngumiti mag-isa ang sarili ko sa loob ng salamin. Lahat ng kaibigan ko ay nagsimulang magkumpul-kumpol dahil sa kanilang mga narinig galing saakin. Bukod doon, pagpapatuloy ko, - nakakita ako ng singsing na nakabalot sa puting papel. Agad ko namang ipinakita ang singsing na nasa kamay ko.- nakita ko itong suot ni Bianca kahapon ngunit pagtingin ko ay nasaakin na ulit. Pinilit kong tanggalin ang singsing na nasa kamay ko pero, di ko matanggal. Nakita ko kung pano
mamula lahat ng kaibigan ko dahil sa takot. Nagbigay ulit ako ng isang buntong hininga bago ko ipinagpatuloy ang aking kwento. Yung time na tinanong ako ni Prof Norayda, wala talaga akong ideya doon, pero kusang bumukas ang bibig ko. Pati narin ang iniwang ngiti saakin ni Prof. ay parehas na parehas sa nakita kong ginawa ng aking sarili. Napuno ng katahimikan ang lahat.