Ring

14 2 0
                                    


Full Chapter

Nabalik ako sa reyalidad ng mamalayan kong may humawak sa likudan ko.

Kyla! Ang smart mo kanina huh!
Pag-pupuri saakin ni Shen.

Nginitian ko na lamang siya bilang sagot. Napansin ko naman ang paglapit nila Graziel at Angel Anne sa upuan ko.

A-ayus ka lang?
Tanong saakin Graziel.

Oo nga! M-may sakit ka ba??
Dugtong naman ni Angel anne.

Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang mga nakita at napansin ko ngunit baka di sila maniwala.

Syempre ganyan talaga ang na-pressure. Patungkol saakin ni Shenalyn. Ikaw ba naman tanungin ng sunod-sunod kung di ka manghina kakaisip. Dugtong niya pa.

Infairness!!... Galing mo kanina ahh.. Sabat ni Cristal.

Napangiti naman ako sa mga papuring natanggap ko galing saaking mga kaibigan. Hanggang ngayon kasi, di ko alam kung san nanggaling ang mga isinagot ko kanina. Pati narin yung nakita ko sa salamin.   

Baka namalikmata lang ako!—pero hinde ehh, parehas na parehas ng ngiti ni Prof yung nakita ko sa salamin. Imposible kayang??

Napatakip bigla ako ng bibig dahil saaking naisip.

Tara na, baka kanina pa tayo hinihintay nila Troy sa Canteen!..." Yaya ni Graziel.

Agad kaming nag-ayus ng sarili at nilisan ang lab.

•c a n t e e n•

Antagal niyo naman!
Anas ni Carl.

Kinawayan naman ako ni Troy upang makita namin sila.

Umupo ako sa may bandang gilid kung saan nakatutuk ang aircon at bahagyang nanahimik ng ilang saglit.

Oh kamusta ang digmaan kay Buntis??" Pagbibiro ni Troy.

Ayun! Lahat kami bagsak!!
Nakangusong sagot ni Angel anne.

Talaga?? Kahit isa sa inyo walang nakasagot??"
Di makapaniwalang tanong ni Carl.

Meron naman. Pero di dere-deretso ang pagsagot.
Saad ni Graziel.Pero merong isa!Dagdag niya.

Nagkatinginan naman sila Carl at Troy dahil sa sinabi ni Graziel.

"S-sino??"
Pagtataka ni Carl.

RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon