•THE FINAL CHAPTER•
“Prof anong gagawin natin sa kanila??..."“hayaan muna natin magising!!..."
“P-pero, baka makatakas sila.."
“Wag kang mag-alala, mahigpit ang pagkakatali ko... Hahahaha!!!!......"
Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig. Inilibot ko ang aking paningin. Nahagip ng aking mata ang aking mga kaibigan. Lahat sila ay puno ng dugo at dumi ang kanilang mga suot. Tatayo na sana ako ng mapagtanto kung nakatali ang kamay at paa ko. Pinilit kong tanggalin ito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali.
G-gising!!!!
Sigaw ko.Agad naman silang naalimpungatan dahil saaking sigaw.
“a-anong nangyari s-saatin??"
Tanong niyang mababakas ang hirap sa kaniyang tono.“H-hinde ko a-alam...."
Sagot ko habang pinipilit lumapit sa iba ko pang kaibigan.N-nasa SIU parin kami?? Pero sino ang may gawa nito saamin??
Agad naman naming ginising ang iba ko pang kaibigan.
Wh-whuut happen on us??
Tanong nila.Hindi ko magawang sagutin ang kanilang katanungan dahil pare-parehas kaming walang alam sa nangyayari.
Pinilit kong tanggalin ang tali na nasa aking kamay ngunit napakahigpit nito.
S-sinong may gawa nito saatin?? alalang tanong ni Cristal.
“Akoo!!!...."
Napalingon kami sabaysabay dahil sa sigaw na aming narinig.
G-giann??
“P-pano mo nagawa to saamin!!??...."galit na sigaw ni Angel anne.
Ngumisi lang ito at humalakhak.
Halakhak na parang demonyo.
Maya-maya pa ay biglang natanggal ko ang ang tali saaking kamay gamit ang isang matulis na bagay na pinangputol ko dito.
Di muna ako nagpahalata at naghanap ako ng tyempo para mapuruhan ko si Gian.
Nagtama ang paningin naming dalawa.
“Oh.. Gising ka na pala!”
Patungkol niya saakin at ngumisi ng kakaiba.Nilingon ko naman siya at binigyan ko ng masamang tingin.
Napaka demonyo mo!
Sigaw ko sakaniya.Tumawa muna ito at lumapit saakin. Pumwesto ito saaking harapan at hinawakan ng mahigpit ang aking muka.
Psh...!! Hahahaha... Di ako demonyo!pang-iinsulto niya.—sa katunayan nga, pinababa ako dito ng diyos para sunduin ka!... Hahahaa....
Nakakairita niyang dugtong.