Chapter 4

172 6 0
                                    

Andito ako ngayon sa parking lot. Inaantay si Jeric. Ang bagal niyang lumabas shopping na shopping na ako eh.

"Ang bagal mo naman lumabas. Kanina pa ako dito eh!"

"Sorry. Late na kaming pinalabas ng prof namin eh." He said.

"Okay lang! Let's go?" Tumango lang siya at pumasok na rin sa loob ng kotse. Nasa front seat siya ako naman nasa driver seat.

"Thank you!"

"H-huh?" He said.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tsaka binalik ulit sa kalsada ang tingin.

"Sabi ko salamat kasi sinamahan mo kong mag shopping tsaka pumayag kayong sumama samin."

"Ah wala yun!" He said.

Nakarating na kami sa mall na pagaari rin namin. Malaki naman kasi talaga ang kayamanan ng mga Hernandez eh.

"Magandang hapon po ma'am!" Guard said.
Ngumiti naman ako sa kanya tsaka kami pumasok sa loob.

"Sa inyo din itong mall diba?" He asked.

"Yes! sa amin din ito!"

"Sobrang yaman talaga ng mga Hernandez" He said.

"Mayaman nga pero wala naman time sa mga anak!"

"Sorry!" He said.

"Wala yun. Tara ibibili muna kita ng sayo!"

"H-huh? Hindi na. Tsaka nakakahiya" He said.

"Anong nakakahiya. Hindi kaya no! Basta ako ang bahala."

Hinila ko na siya papunta sa bench at namili dun. Naghanap din ako ng para sakin. Siya naman ang namili ng para sa kanya. Nahihiya daw kasi siya eh.

Nang matapos kaming mamili dun binayaran ko na iyon at lumabas na kami ng bench. Kung saan-saan na kami namili. Masaya kasama si Jeric. Napapatawa niya ako at sumasabay siya sa mga trip ko.

Hanggang sa makaramdam kami ng gutom. Nag McDonald nalang kami kasi mas bet ko pa sa mga fast food kesa sa mga restaurant.

Matapos kaming mag shopping at kumain hinatid ko na siya sa kanila.

"Thankyou sa time jeric ah. Bukas maaga tayong aalis. Susunduin ka namin dito."

"O-okay! Uhmm.. Cloey! May gusto sana akong sabihin sayo." He said.

"Ano yun?"

"Uhmm.. Thank you din. Sige na. Mag iingat ka sa pagmamaneho ah. See you tommorow!" He said.

"Okay!"

Nag wave lang ako sa kanya at pinaandar na ang kotse ko. Napaka weird niya kanina. Ewan ko ba kung bakit. Bahala na bukas.

*****

My Gangster Girlfriend | Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon