Ilang araw na ang lumipas pero patuloy pa rin kaming lumalaban ni jeric na kaming dalawa. Sinusubukan naming kalabanin si mommy. Hindi naman kasi pwede ang ginagawa niya. Siya ang gumagawa ng future ko kahit ako naman dapat ang nagdedesisyon.
"Cloey! Dahil bakasyon naman na ulit. Bakit hindi tayo mag bonding ng tayong dalawa lang!" jeric said.
"Okay! Para naman mag karoon tayo ng oras sa isa't-isa"
"Yes! Thankyou cloey!" he said. ang cute niya talaga kahit kailan. Yun din ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ayokong iwan si jeric. Hindi ko na kasi makikita ang reaction niyang napaka cute lalo na kapag nakangiti siya.
*****
Jeric POVS.Masaya ako kasi sa wakas ay naaya ko na rin siyang mag date sa buong buhay ko, sa mga araw na nakakasama ko siya hindi ko pa siya naaya ngayon lang talaga.
"Handa ka na sa first date mo?" tanong ni mama sakin.
"Kinakabahan nga po ako mama eh. First time ko lang kasi to eh!"
"Hahaha!! Halata nga eh. Pero alam ko naman na magiging masaya ang date niyo ni cloey! Goodluck anak! sige na bawal ma late sa first date!" she said. Nag paalam na ako kay mama at papa tsaka umalis na at sumakay ng kotse ko.
******
Wala pang isang minuto nakarating na agad ako sa restaurant na pagkakainan namin ni cloey mamaya.Pumasok na ako pero wala pa siya kaya sinabi ko sa isang crew na kapag dumating na si Cloey Hernandez ay papuntahin sa Reserved 17.
Naupo na ako at inantay na siya. Um-order na muna ako ng pagkain namin tsaka ng red wine para hindi ako boring.
Cloey:
On the way na ako! See you later.
Reply:
Okay! Ingat..
First time to kaya dapat effortness ako ngayong araw. Kaya bumili ako ng sing-sing para sa kanya. Pinag-ipunan ko to kaya special to.
*****
Cloey POVS.Andito na ako ngayon sa restaurant at kinausap ang isang crew na nagbabantay sa labas.
"Name po maam!" She said.
"Cloey Hernandez!"
"Sumunod po kayo sakin" nakangiting saad niya. Kaya sinundan ko na siya.
Nakita ko na si jeric na nakaupo habang nainom ng wine. Kaya nagpunta na ako dun. Hinalikan ko siya sa labi kaya nahinto ang pag-inom niya ng wine tsaka ako na uminom ng wine niya.
"I'm sorry late ako!"
"Okay lang kakarating ko lang din naman eh!" he said. dumating naman ang pagkain namin. puro favorite ko ang pagkain. gosh nakakagutom.
Nagsimula na kaming kumain. Ang cute niyang kumain. shit lahat naman sa kanya cute eh. Hindi nakakasawang titigan ang ka gwapuhan niya.
May souce na dumumi sa mukha ko kaya kukuha na sana ako ng tissue ng bigla niya akong awatin "Ako na!" he said. Kumuha siya ng tissue at mainam niyang ipinunas iyon sa labi ko.
"Cloey! May pupuntahan tayo mamaya!" he said.
"Saan naman?"
"Rides gusto kong mag rides eh!" he said.
"Okay! parang trip ko din yan. Maganda pa naman ang view kasi gabi!"
Binilisan ko na ang pagkain at uminom agad ng wine excited na ako eh. At sa hindi inaasahan nabulunan ako kaya binigyan agad ako ni jeric ng tubig.
BINABASA MO ANG
My Gangster Girlfriend | Complete
Teen FictionCloey Hernandez, Siya ang gangster ng nila. Sobrang sungit at Maldita. Syempre dala niya ang apelyido ng mga hernandez na nag mamay-ari ng eskwelahan. Kaya walang sino man ang lumalaban sa kanya pero sa kanyang pagmamaldita ay may tinatago din itong...