Chapter 10

134 3 3
                                    

Andito na ako ngayon sa school at kasalukuyan na naglalakad sa hallway. Lilinga kahit saan dahil nag babaka-sakaling nasa paligid siya.

Nang matagpuan ko ang taong hinahanap ko na nakaupo sa may ilalim ng puno ng garden lumapit ako sa kanya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napalingon siya at nag Tama ang mga mata namin ngunit kahit ngiti wala man lang binato sakin dahil umiwas agad siya.

"Jeric! Can we talk?" Saad ko sana naman pumayag siya. "For what? Hindi ba't sinabi ko sa inyo na wag niyo na akong kakausapin?" Sagot niya.

"Oo nga sinabi mo yun! Pero gusto ko lang humingi ng tawad sayo ako naman ang may kasalanan ng lahat ng iyon eh! Walang kasalanan si Sam. Ako ang humalik sa kanya" saad ko. Alam ko naman na hindi siya maniniwala skin dahil halatang kasinungalingan lang iyon. But as if I care.

"Sinungaling! Nakita ng dalawang mata ko ang nangyare. Wag mo ngang linisin ang pangalan ni Sam sakin at mas lalong wag mo ding linisin ang pangalan mo" galit na saad niya. Bakit ba pinapahirapan mo pa ako jeric.

"Hindi ko nililinis ang pangalan ko. Ang point ko dito wag mo sanang alisin sa banda ang kaibigan mo" diretsong saad ko. Yes! Nag babanda sila. Boys Over Band ang pangalan ng banda nila dito sa school. Lima ang miyembro nila. Si Sam,Lloyd,Jeric,Kevin at si Kris. Hindi ko pa nakikita si Kris at Kevin eh. Baka busy sila.

"Pero huli ka na! Tinanggal ko na siya. Punishment niya yun at wala akong balak na ibalik siya!" Yan ang Huli niyang sinabi bago siya umalis ng garden. Ako eto naiwan sa garden na umiiyak.

Nang medyo naging maayos na ako at narealize na alam kong matagal pa akong mapapatawad ni Jeric. Umalis na ako sa garden dahil pupunta ako ng cafeteria. Nag text kasi sakin si Sam na nasa cafeteria daw silang lima.

"Fuck!" Singhal ko ng may nag tapon sakin ng tubig. Halatang sadya eh kaya tinignan ko ang nag tapon sakin ng tubig. Walangya siya nanaman? Anong akala niya sakin doormat. Badtrip.

"Sorry sadya!" Ngumisi siya sakin. Ang kapal ng mukha neto. Hindi niya ba kilala kung sino ang kinakalaban niya?! "Ano? Naranasan mong maging doormat?!" Dagdag niya.

"Ano bang problema mo? Ang lakas ng loob mong tapunan ako ng tubig sa damit. Okay lang kung naranasan Kong maging doormat kesa naman sayo mukha talagang basahan at Hindi lang yun basura pa!" Inis na sabi ko sabay ngisi. Narinig kong nagtawanan ang lahat ng andito sa cafeteria kaya naasar siya.

Ako pa ang kinalaban niya ah. As if naman kaya niya ako. Isa lang siyang hamak na loser at Hindi niya kayang tapatan ang tulad ko.

"Anong sabi mo?!" Nagigiit sa galit na sabi niya. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ka naman siguro bingi diba? Bakit pinapaulit mo pa sakin? I'm not a robot na kayang sumunod sayo!" Inis na sabi ko sa kanya.

Sasampalin niya dapat ako pero sinalag ko agad yun. "Tapang-tapangan girl? Ensayo ka pa." Pang aasar ko sa kanya. Pero sa pangalawa niyang sampal sakin Hindi ko na nasalag kaya dumapo ang kamay niya sa mukha ko. Ramdam ko din ang dugo sa labi ko dahil nakagat ko iyon.

"Ganti yan sa mga pinag-gagawa mo sakin! Masarap ba?" Matapang niyang sabi.

"Masarap?! Tinatanong mo ko kung masarap? Oo,masarap masampal kaya ishe-share ko sayo!" Sinampal ko siya ng sobrang lakas inipon ko yun kanina pa ngayon ko lang naibato sa kanya.

"Ngayon ibabalik ko sayo ang tanong masarap ba? Anong flavor ang nalasahan mo?" Nakataas na kilay ang saad ko sa kanya.

"How dare you!" Sigaw niya sakin habang nahawak sa pisngi niya.

"Wag kang mag tapang-tapangan girl! Dahil Hindi mo kilala ang kinakalaban mo at isa sa Tingin mo ba may superman na magliligtas sayo kapag gumanti ka sakin?  Wala! Wag kang assumera!" Naglakad na ako paalis sa harapan niya pero Hindi pa naman ako nakakaalis ng bigla niyang hilain ang buhok ko at kinaladkad pabalik. Pero bago niya pa ako masaktan ulit ginantihan ko na din siya.

*****
Sam POVS.

"Ang Tagal naman ng babae na yun. Tinext mo na ba ulit si cloey?" Tanong sakin ni Nica. Pero bago palang ako makapag salita nagulat kami ng biglang pag tayo ni Lloyd. Kasabay ng pag tawag na 'Cloey' kaya napalingon kami dun at nakita namin ang dalawang babae na nagsasabunutan at nag-unahan sa pag takbo papunta dun.

"Walangya ka! Ahh!! Fuck you cloey! Fuck you!" Sigaw ng babae habang nahawak sa buhok ni cloey. Bigla namang tinulak ni nica ang babae kaya nadala si cloey. Tinatanggal namin ang kamay ng babae sa buhok ni cloey at lahat kami nabigla ng sampalin bigla ni Jaime ang kaaway ni cloey.

"Ang kapal ng mukha mong saktan and best friend ko!" Sigaw ni Jaime. Grabe pala magalit to. Nakakatakot.

Napatingin kami lahat sa kakapasok palang na lalaki. Jeric?! Akala ko Hindi siya papasok.

"Anong nangyare dito?" Saad ni jeric.

"Siya! Siya ang nanguna! Sinaktan niya ako naglalakad lang naman ako tapos tinapunan niya ako ng tubig sa damit" saad ng babae. Kaya napatingin kami sa damit niya Hindi naman basa ang Kay cloey lang. Lahat ng istudyante dun kumunot ang noo. Mukha naman kasing sinungaling ang babae na to eh.

"Sinungaling ka! Ikaw ang nanguna. Wag mong linisin ang pangalan mo!" Sigaw ni cloey. "Dahil ba anjan na ang super hero mo? Kaya nagpapaawa ka! Eh kung sampalin kaya kita ulit ano?" Dagdag ni cloey.

"See! Sasampalin niya daw ulit ako tapos itong babae na to sinampal din ako. Pinagtulungan nila ako! Huhu!" Ang Arte naman ng babae na to. Ang lakas ng loob niyang magsinungaling ah.

"Hindi nga ako nagkamali. Matapang ka nga talaga dahil dala mo ang apelyido ng tatay mo! Alam mo kung patuloy kang mananakit ng mga walang laban sayo baka sa impyer--" natigil ang pagsasalita ni jeric ng sampalin siya bigla ni cloey kaya lahat kami nagulat.

"Wala akong pake kung siya ang kinakampihan mo dahil mukha palang ng babae na yan kaawa-awa na. Pero Hindi ako makakapayag na insultuhin mo ko dahil dala ko ang apelyido ng daddy ko. Wala kang alam jeric kaya wag mo kong pagsalitaan." Naiiyak na sabi ni cloey.

"Totoo naman diba?! Matapang ka lang dahil yun ang dahilan. Walang lumalaban sayo dahil yun din ang dahilan. Kaya kung ako sayo magtitino na ako para kapag sa oras na nawala kana sa mundong to hindi ako mapupunta sa impyerno!" Galit na saad ni jeric. Sumosobra na siya sa mga panlalait niya Kay cloey ah. Wala siyang alam.

"Okay, fine! Yun ba ang naiisip mo? Go lang. Ipag patuloy mo lang. Dahil ako lang naman ang nakakalam sa sarili ko na malinis ang konsensya ko." Galit din na saad ni cloey sabay walk out. Susundan ko na sana si cloey pero pinigilan ako ni Jaime.

"Kailangan niyang mapag-isa!" Saad ni Jaime sabay ngiti.

"Bro! Ano bang nangyayare sayo? Bakit Hindi mo manlang paniwalaan si cloey. Ang daming nakasaksi sa lahat ng pangyayare. Tapos yang babae na yan ang kakampihan mo?" Saad ni Lloyd.  Ngunit Hindi nag salita ni jeric umalis nalang sila ng cafeteria.

Ano bang gusto niyang mangyare tss.. Kung sino pa yung Mali yun yung kinakampihan niya pero kung sino pa yung tama at malinis ang konsenya yun pa yung Hinayaan niya. Lagi bang tama ang mali para sa kanya tss..

*****

My Gangster Girlfriend | Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon