Part1
Tumakbo ako papasok sa CR. Hindi kase ko makapaniwala na nandito sya ngayon. Tapos Boss ko pa.
"Kainis!"
Ni-lock ko kagad tong pinto tapos nag-iisip ako kung saan ako magtatago.
"Jody!" Sigaw nya.
"Oh!"
Kinakalampag na tuloy nya tong pintuang sandal sandal ko.
"Alam kong nandian ka..." Sabi nya.
*****
Jody*
POVHabang nagkakalkal ng mapapanood sa Laptop ko e panay naman ang sigaw ng Kuya Jeff ko.
"Jody! Halika nga dito! Paloadan mo ko!"
"Hoy! Jody! Ano ba!"
"Jooooodddyyyy!!!"
"Kainis naman. Ang hirap magkaroon ng kapatid na kung makautos wagas!" Naiinis na sabi ko sabay tayo dito sa kinauupuan kong uluhan ng kama.
Dali-dali akong naglakad para makalabas dito sa kwarto ko para masunod yung utos nya. Nasa sala sya tamang upo lang at nood ng TV.
"Akina! Bwisit ka!" Sabi ko.
Tinawanan pa ko ng bugok kong kapatid. Pasalamat siya't mahal ko sya.
"I love you Sis. Eto oh. Bibigyan naman kita ng pang meryenda mo eh. Nagagalit ka pa..." Sabi nito.
Nangiti ako kase may meryenda pala. Nagmamadali pa kong humingi ng pera sa kanya. Kaya pagkaabot nya patakbo na kong lumabas dito sa bahay.
*
Nagpaload ako nung number nya tapos bumili ako ng meryenda kong coke at lemon square na mamon.
"Jody!"
Si Russell yun kaya lumingon agad ako pakanan. Patakbo syang lumapit saken na nakangiti pa kaya ngiting ngiti din ako. Kaya lang hanggang dito lang naman ang pagpapantasya ko sa kanya. May Girlfriend kase si Russell. Maganda yun. Samantalang ako losyang mag-ayos.
"Uyy. Kamusta?" Bati ko sa kanya.
"Ayos naman. Nga pala. Sa sabado may gala kame. Baka gusto mong sumama??" Sabi nito.
"Hmm. Sabado. Nako. Baka pagalitan ako ni Kuya. Hindi ako papayagan malamang."
"Sayang naman. Edi sige. Hehe. Mamaya nga pala pahiram ako ng USB mo ah? Lagyan mo na din ng Movie. Hehe. Manonood kame ni Kim..." Sabi nito bagay na kinabwisitan ko.
Ang pisting Kimberly na yun. Ang Girlfriend nya. Nanggigigil tuloy ako. Dapat ako kasama neto pag magmu movie. Dati nung hindi nya pa Girlfriend yun nagkukulong kame sa kwarto ko saka nanonood ng Movie. Ang saya-saya namen ngayon hindi na ko natutuwa.
"Huy!" Sabi nito.
"Oh. Okay sige. Sige! Maya. Kunin mo nalang saken. Hay nako." Sabi ko tapos nagpaalam na syang maglalaro daw ng basketball.
Nalulungkot ako habang pinagmamasdan syang papalayo saken. Matagal ko na syang kaibigan. Matagal ko na din syang mahal. Bata palang kame ayaw ko nang mawala saken si Russell. Ouch lang kase mahilig sya sa pala ayos ngayon. Hindi gaya ko.
"Oh eto na Jody." Sabi ni Ate Lolit na tindera dito sa kapitbahay namen.
Tinignan ko kagad sya tapos kinuha ko na yung sukli at binili ko. Pagkatapos umuwi na ko.
*
"Oh diba. May pang meryenda ka..." Sabi ni Kuya.
Inabot ko sa kanya tong sukli nya.

BINABASA MO ANG
Smile at me (COMPLETE)
RomanceR🔞 Yung Crush mong hindi ka naman Crush. Gagawin mo tuloy ang lahat para lang maramdaman mong gusto ka ni Crush.. Meet my Baby Jody na kahit nasasaktan nagtitiis parin para sa taong minamahal.. Magsawa man sya may babalik at babalik parin na taong...