Pusong Bato

344 12 2
                                    

Part9

Jody*
POV

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Austin. Basta nakinig lang ako sa Professor namin. Kailangan kong magfocus sa pag-aaral tutal patapos na to. Isang buwan nalang at hindi ko na sila makikita lahat.

*

Matapos yung klase nag-ring na yung bell kaya kanya-kanya na kame ng pagtayo sa pwesto namen. Nagulat pa ko nung bigla akong hinawakan ni Austin sa kaliwang kamay.

"Tara?" Sabi nito.

Ngumiti ako ng pilit. Naglakad kame ng holding hands. Tahimik lang ako habang naglalakad kame papunta sa Canteen. Last na to. Last na last nilang makikita na hinawakan ako ni Austin sa kamay which is first time lang nya kong hawakan ng ganito sa publiko.

*

Pagdating namin dito sa Canteen bumitaw na si Austin sa pagkaka-hawak nya sa kamay ko kase nandito yung magagandang babae na laruan din nya. Nagmukha nanaman akong tanga nung palibutan nila si Austin. Lahat sila yumayakap sa kanya. Ako naman umusog paatras. Nagdadalawang isip tuloy ako kung baka bukas ko nalang yun sabihin sa kanya. Kaya lang...

"Uhm, girls bukas na tayo ya know? May schedule kayo diba. Sa ngayon si Jody muna..." Nakatawang sabi ni Austin tapos tinignan nya ko.

Bumitaw naman agad yung mga babae nya tapos isa-isa nila kong inirapan at binangga sa magkabilang gilid ko. Wala kong laban kase magkakaibigan sila. Ako nag-iisa lang ngayon.

"Jody, tara. Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Austin.

Hindi ako nagsasalita basta tumingin lang ako sa isang pwesto o tindahan. Lumapit agad kame ni Austin dun tapos bumili ng Macaroni Spaghetti.

*

Tahimik kameng dalawa habang kumakain. Ako naman paunti unti kung sumubo at ngumuya. Wala kase talaga kong gana. Iniisip ko ngayon kung ano ba yung mga dapat kong sabihin sa kanya mamaya. Naiilang pa ko nung hawakan na nya ko sa hita. Etong hawak nyang to. Last na din to.

"Jody? What's wrong? Hindi ko yata nakitang nag smile ka ngayong araw..." Nag-aalalang tanong nito.

Umiling lang ako tapos nagpatuloy na sa pagkain. Ramdam kong pinagmamasdan ako ni Austin. Sana naman makaramdam syang mabigat ngayon tong nararamdaman ko.

*

Pagkatapos pa nameng kumain nagpunta na kame sa Parking lot. Sinuotan nya ko ng helmet. Yung sarili kong helmet na binili pa nya para raw couple kame. Nalulungkot ako kase eto na yung huling suot ko sa helmet na bigay nya.

"Ready?" Sabi nya.

Inalalayan nya kong sumakay sa Motorsiklo nya tapos bumyahe na kame papunta sa bahay nya.

*

Habang nasa byahe lumuluha ako. Hawak-hawak kasi ni Austin tong kaliwang kamay ko. Pinipisil pisil nya. Eto na din yung huling beses na mahahawakan ko yung kamay nya. Ang sakit sakit kase palagi nya kong hinahawakan sa kamay kapag kami nalang dalawa. Pero ngayon. Last na to.

*

Pagdating dito sa bahay nya dumiretso kame sa kwarto nya. Dito na namin inalis yung helmet naming dalawa tapos naupo ako sa paanan ng kama. Tulala. Nag-iisip-isip.

"Jody. Please. Tell me what's wrong." Nag-aalalang tanong nya.

Marahan ko syang tiningala tapos nagsimula na kong umiyak. Nung nakita nya tong pagtulo ng luha ko agad nya kong nilapitan saka tinabihan at pinunasan nya ko sa magkabilang pisngi.

"Ayoko na Austin." Iyak ko.

Tumingin ito sa mga mata ko tapos mahigpit nyang hinawakan ang mga kamay ko saka nya ito hinalikan.

Smile at me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon