Pasyal sa Park

316 12 2
                                    

Part12

Jody*
POV

Nilagay ko sa channel na may Cartoons tong TV. Naiba to kaya ibig sabihin nilipat talaga to ni Yjoseff. Hindi ako makapaniwala na marunong syang maglipat ng channel e hindi naman namin pwedeng ituro yun sa kanya lalo't minsan may malalaswang palabas sa telebisyon.

"Nagsasawa na ko sa Cartoon Mars." Sabi ni Yjoseff na nakahiga sa kama.

Tinignan ko kagad sya habang ako nandito sa pintuan ng banyo. Nakatayo at nanla-laki ang mga mata.

"E Anak. Pang matanda yang balita hindi ka pwedeng manood ng ganito." Sabi ko at lumapit na sa TV.

Nilipat ko to sa buton kaya lang bumabalik balik yung channel kung saan pinapalabas si Austin. Lumingon ako't tinignan si Yjoseff na hawak-hawak yung remote control.

"Anak. Bawal ka pa sa balita diba? Baby ka pa." Sabi ko.

Nakatingin kame sa isa't-isa. Nalungkot ako nang maaninag tong malungkot nyang reaksyon.

"Mommy. Sya ba yung Tatay ko? Same name sila. Tapos Black din buhok nya. Magkamukha din kame." Mahinahon na sabi nya.

Natulala ako't natameme. Nakaharang ako ngayon sa TV habang nakatitig sa anak ko. Malungkot sya ganun din naman ako. Sobrang bigat tuloy ng nararamdaman ko.

"Please. Tell me Mom..." Sabi nya.

Nilapitan ko agad sya saka niyakap at hinalikan sa noo. Yumakap din naman ito saken kahit basa ako.

"Thank you Mommy. Hindi naman ako sasama sa kanya e. Gusto ko lang po malaman kung buhay pa sya tyaka kung anong itsura nya..." Sabi nito.

Naiyak ako sa sinabi nyang hindi sya sasama kay Austin. Isang mahigpit na yakap at madiin na halik sa noo nito ang binigay ko habang humahagulgol ako ng iyak. Ang saya-saya kong kontento si Yjoseff saken. At yun ang mahalaga.

"I love you Anak. Basta saken ka lang sasama ah?" Iyak ko saka ito tinignan sa mukha nya.

Tumango si Yjoseff saka ngumiti saken. Hinalikan ko ulit sya sa noo tyaka sa magkabilang pisngi at ilong. Sya naman ang humalik sa labi ko. Pagkatapos bumitaw na kame sa pagyayakapan.

"Osha Mars. Mag halfbath kana. Binasa mo pa ko kaka bihis ko lang." Sabi nito.

Natatawa kong tumango-tango. Tumayo na nga ko para maipagpatuloy na ang pagha Halfbath kong naudlot dahil kay Austin...

*

Pagkatapos kong maghalfbath, nagbihis na ko saka nagsuklay ng buhok.

"Hmm..."

Tinabihan ko na si Yjoseff. Dito ko pumwesto sa kanan banda nito tapos pinanood namen si Austin na pinapalabas sa Crazy Rich na show. Nalulungkot ako kase titig na titig si Yjoseff sa ama nya. Seryoso itong nanonood, habang ako naluluha na inaalala yung nakaraan namen ni Austin.

"Ang gwapo nya Mom..." Bulong nito.

"Mmhmm. Sa kanya ka nagmana." Bulong ko.

Kailangan maintindihan ko din tong Anak ko. Hindi naman kase nya ginusto na mabuhay ng hindi kame kumpleto. Talagang pangit lang ang kapalaran ko at naglalaro lang kame ng Ama nya hanggang sa mabuo namin sya.

"I love you Anak. Promise, gagawin ko lahat-lahat wag lang mawala yung pagka Love mo saken okay?" Sabi ko.

Ngumiti ito saken saka yumakap ng mahigpit at balik tingin nanaman sya sa Ama nyang si Austin.

*

Mayamaya pa, marahan na nitong ipinikit ang mga mata nya. Inaantok na si Yjoseff at papunta sa pagtulog. Ako naman dahan-dahang kinuha sa gilid nya itong remote ng TV para mapatay na. Ayaw ko na kaseng makita si Austin.

Smile at me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon