Russell

385 9 1
                                    

Part6

Jody*
POV

Paano kaya kame makakalabas ni Austin dito kung nandun sa labas lang neto sila Russell at Owen. Grabe tuloy at tumatagaktak ang pawis ko sa kaba tapos ay kulob pa rito.

"Come here..." Bulong ni Austin.

Naglabas ito ng panyo sa bulsa nya saka iyon ginamit para punasan ako't ipangpaypay pa nya. Hirap na hirap akong huminga kase ang init dito tyaka kulob. Mas mainit pa lalo kase nakayakap ngayon saken si Austin. Ako naman dun nakatingin sa pintuan. May anino kase sa ilalim nun kung saan malalaman mong may tao sa labas.

"Mukhang tapos na sila dude." Boses ni Owen.

"Oo nga. Tahimik na e. Tara." Boses ni Russell.

Ayan at umalis na sila. Pinakikinggan namen yung yabag nilang papalayo na dito sa lugar.

"Hays. Salamat. Ang hirap huminga dito." Sabi ko.

"Yup. Tara na. Bili tayo ng maiinom sa Canteen." Sabi ni Austin.

"Okay tara." Sabi ko't nag-ayos na ng buhok.

*

Nagpunta kameng dalawa sa Canteen saka bumili ng C2 Lemon. Sabay kameng uminom ng nakatingin sa mata ng isa't-isa. Pagkatapos nagngitian kame. Na Refresh ba.

"Hahatid na kita sa inyo..." Sabi nito.

"Nakakahiya naman?" Sabi ko.

"Tumigil ka nga. Nagpapaka gentleman lang ako. Syempre pinagod kita. Gusto ko naman bumawi kahit sa paghatid ko lang sayo..."

"Edi sige. Ihatid mo ko." Sabi ko kaya natawa sya.

Painum-inom pa kameng dalawa habang papunta sa Parking lot.

*

Bad boy nga pala si Austin kaya naka Motorsiklo. Isa lang yung helmet nya pero saken nya to pinasuot. Nakaka ilang pa kase dito sa harapan nya ko pinaupo. Hiyang-hiya ako na hindi ko alam kase amoy pawis talaga ko.

"Ready?" Sabi nya.

"Yeah, i'm ready hehe." Sagot ko tapos pinaandar na nya to.

*

Habang nasa byahe pinag-uusapan namin yung susunod naming gagawin.

"Gusto ko ako naman ang Boss." Sabi ko tapos tumawa sya.

"Sure..." Sabi nito.

"Okay sige sabi mo yan ah?"

"Oo nga haha! So, masakit ba yan?" Sabi nito.

"Uhm, oo medyo. Pero okay lang yun. Kailangan ko din yun."

Natahimik bigla si Austin. Parang may malalim syang iniisip kaya nanahimik na muna ko.

*

Makalipas ang ilang minuto,

Pagdating namin dito sa tapat ng bahay namen ni Kuya inalalayan nya kong makababa tapos inayos nya yung stand nitong motor nya. Pagkatapos ay inalis nya saken tong helmet. Kita kong seryoso si Austin. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko kase ang gwapo talaga nya. Ngayon ko lang napansin na kakaiba sya kapag seryoso at namumungay ang mga mata.

"Hm. Nakatingin Kuya mo..." Sabi nito bagay na kinagising ng diwa ko.

Lumingon ako pakaliwa at nakitang nakatayo dun si Kuya. Nakangiti sya samen ni Austin.

"Hoy. Ilan taon kana." Sabi ni Kuya kay Austin.

"19 po." Sabi ni Austin.

"Oh. Magkaklase ba kayo??" Tanong uli ni Kuya.

Smile at me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon