Yjoseff

313 16 2
                                    

Part11

Jody*
POV

Pagkatapos kong kumain ibinaba ko na muna si Yjoseff sa kandungan ko para makapagligpit ako ng pinagkainan.

Sabi ni Ate Mayet..."Bukas punta tayo sa Park. Kanina nagwawala na tong bata na to e." sabi nyang tinutukoy si Jimmy.

Natawa naman si Kuya.

"Kakapasyal lang kahapon nyan papasyal nanaman? " Sabi ni Kuya.

"Ewan ko ba dito sa Anak mo... Gala." Sabi ni Ate Mayet.

Nilingon ko si Yjoseff habang naghuhugas tong mga kamay ko ng kasangkapan na ginamit ko. Kita kong nakatitig sya saken. Ngumiti ako ganun din sya. Wala syang pasok ngayon kase sabado. Kaya bukas wala din syang pasok kaya makakapamasyal kame.

Sabi ni Kuya..."Osha bukas ipapasyal ulit naten ang mga Bata tutal kasama na natin si Jody."

"Oo nga ipasyal nyo naman ako. Dati ako lang Baby nyo e." Biro ko.

Natawa silang dalawa.

"Baby ka parin naman namen. Kaso may Baby kana e. Yang Baby mo na yung bago nameng Baby." Sabi ni Kuya.

Mula sa likod ko niyakap nya ko kaya tumawa na din ako.

"Basta ako pa din Baby nyo ah?" Sabi ko.

"Oo ikaw parin. Haha." Sabi ni Kuya at bumitaw na sa pagkakayakap nya saken.

*

Pagkatapos kong makapaghugas ng kung anu-ano sa lababo inaya ko na si Yjoseff. Nagpaalam na kame kila Kuya at Ate na magpapahinga na kameng mag-ina.

"Osige. Good night." Sabi ni Kuya.

"Good night din sa inyo. Itulog na naten to." Sabi ko.

Natatawa si Ate Mayet. Bigla-bigla nanaman nyang sinisingit sa usapan si Chef Richard kaya pati si Kuya tanong na ng tanong saken kung kame na daw ba nun.

"Hay nako Kuya hindi pa nga nanliligaw kame agad? Haha! Nako. Bahala na nga kayo dian matutulog na ko. Nangungulit na kayo e haha!" Sabi ko.

Natatawa silang mag-asawa. Binuhat ko na nga tong anak ko saka kame nagpunta sa kwarto.

*

"Excited kana ba bukas?" Sabi ko kay Yjoseff.

"Opo! Maraming dogs dun sa Park!" Sabi nito.

Nakangiti akong ibinaba si Yjoseff. Nakakatuwa talaga tong batang to kasi ang hilig nya sa aso. Hanggang dun na muna kame sa pagtingin tingin lang kase bawal pa syang mag-alaga nun. Wala kaseng mag-aalaga lalo't lahat kame busy dito. Kapag sabado't linggo kung hindi kame mamamasyal e nanonood lang sya ng TV.

"Buti kahapon namasyal kayo." Sabi ko.

"E umiiyak si Baby Jimmy e. Gusto daw po nya pasyal." Sabi nito

"Okay tara maghalfbath kana." Sabi ko.

Tuwang-tuwa sya na makapaghubad kaya kumilos na ko. Hinubuan ko sya't dinala sa banyo para malinisan.

*

Ang bibo talaga ni Yjoseff. Habang sinasabunan ko sya panay naman ang kembot nya. Tuwang-tuwa talaga ko sa mini me ni Austin. Hindi mapagkakailang anak nya to kase kamukha talaga nya. Lalake na si Yjoseff pero yung mukha nito Austin na Austin talaga. Ibig sabihin malakas yung dugo ni Austin kesa saken. Pero pagdating sa ugali alam kong yun yung namana saken ni Yjoseff. Malambing to saka palangiti.

"Kulit kulit talaga. Hehe." Sabi ko kase gumigiling ito.

Bago pa lumaki tong tyan ko nun umalis na kame ni Kuya sa dating tinitirhan namen. Hindi din ako makapaniwala nun nung pinuntahan ako ni Russell bago kame umalis. Gusto nya mag-usap raw kame kaso hindi ako pumayag. Mas maganda na yung wala nang tao sa paligid ko na magpapaalala kay Austin. Ang hirap kaseng makalimot. Lalo ngayon na may anak pa kame. Akala ko talaga makakamove on na ko pero hindi pa pala.

Smile at me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon