Part18
Austin*
POVNakakatuwa pala tong anak ko. Napakatalino at sobrang bibo. Madaldal din gaya ko. Nangingiti tuloy ako sa payo nyang kailangan ko raw mapalabas yung lambing ng Mommy nya. Naalala ko dati sobrang clingy ni Jody saken kapag magkayakap na kaming dalawa. Namimiss ko na yung ganon. Sobrang miss na miss.
"Hmp, siguraduhin mo lang na hindi mo na paiiyakin Mommy ko." Bulong ni Yjoseff.
"Hindi na mauulit yun..." Bulong ko.
"Dapat lang. Kawawa naman Mommy ko e." Bulong nito na busy sa pagbabanlaw ng sinabunan nyang kasangkapan.
Napapakamot ulo tuloy ako. Aawayin pa daw nya ko kapag nakita nyang umiyak ang Mommy nya dahil saken. Sabi pa ni Yjoseff handa nya kong itakwil bilang ama. Talagang nakakagulat na nakakatakot tong anak ko.
"Hindi ko na uulitin yun promise..." Bulong ko.
"Oh. Basta yung gagawin mo. Alam mo na?" Bulong nito.
"Oo hehe..."
Bumulong ulit ako saka tinanong tong anak ko kung ano ba yung pinagbubulungan nila ng Mommy nya. Nakita ko kako kase sila bago ko naupo sa hapagkainan. Sabi ni Yjoseff sinabi nya kay Jody yung nararamdaman ko na kakasabi ko lang sa kanya kanina nung sinundo ko sya. Paikut-ikot lang kame kanina sa buong street tapos nagtanong sya kung ano bang nangyare samen ng Mommy nya kaya nagpaliwanag ako para alam nya.
"Magkamukha naman tayo diba?" Bulong ko.
"Opo. E mas Pogi nga lang ako. Pano ba yan Pars..." Bulong nito.
Nakakatuwa talaga to saka nakakagigil. Napaka gwapo at sa liit nyang to e matapang ito. Palaban. Inaaway kase nya ko kanina bago namin makita ang Mommy nya.
"Oh basta. Yung tinuro ko sayo ah." Bulong nito.
"Effective ba yon?" Bulong ko.
"Oo ah. Wag ka mag-alala hindi ako sisilip..." Bulong nito.
Kinakabahan tuloy ako. Gusto kase nyang gawin ko e yung kagaya raw nung napanood nya sa Romance Movie. Nag-aalala ako kase may mga parts na nagsa something something yun. Sabi naman nya pag ganon na pumipikit raw sya.
"Hindi ako naniniwala?" Bulong ko.
"Bawal pa ko dun huy hehe." Sabi nito.
Natawa tuloy ako tapos lumingon baka kase may nakakarinig samen. Sakto nakita ko si Jody na nagpupunas ng mesa.
"Bakit nga ba nanonood ka ng ganon?" Bulong ko kay Yjoseff habang nakatitig parin ako kay Jody.
"Gusto ko kase malaman yung dapat na gagawin ng isang Lalaki para hindi sila mag-away ng Girlfriend nya. Paglaki ko ganun gagawin ko. Sana lang wag ako lokohin ng magiging Girlfriend ko." Bulong nito.
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ng batang to. Ganitong ganito kase ko dati kaya nakaka shock talaga. Mahilig ako manood ng movies.
Sabi ko tuloy pabulong..."Maganda yan. Para magkasundo kayo ng magiging Girlfriend mo. Wag ka gagaya saken. Bad yung pagiging Babaero. Walang mapupuntahan na maganda yun. Masasaktan ka lang sa huli..."
"Opo hehe. Mabait ako. Tyaka may Crush na nga ko na kaklase ko e. Tapos sinabihan ko na sya." Sabi nito.
"A-Anong sinabi mo sa kanya?" Sabi ko sabay tingin sa anak ko.
"Sabi ko paglaki namen liligawan ko sya..." Sabi ni Yjoseff.
Nakakagulat talaga. Napatingin ulit ako kay Jody para malaman kung naririnig ba nya tong sinasabi ng anak namen...

BINABASA MO ANG
Smile at me (COMPLETE)
RomanceR🔞 Yung Crush mong hindi ka naman Crush. Gagawin mo tuloy ang lahat para lang maramdaman mong gusto ka ni Crush.. Meet my Baby Jody na kahit nasasaktan nagtitiis parin para sa taong minamahal.. Magsawa man sya may babalik at babalik parin na taong...