Kabanata 7

2K 32 3
                                    

That was you

Naupo siya sa may dulo ng aking kama, ako ay nakaupo naman sa may tapat ng lamesa kung saan nakalatag ang mga pagkain. Nakatukod ang kaniyang dalawang siko sa tuhod at nakatanghod sa akin.

“Are you bored?” he asked.

I nodded a bit while elegantly chewing my food. I swallowed and sipped on the juice.

“Ilang linggo kang nawala,” kalmadong sambit ko kahit na ang totoo, nakaramdam ako ng hiya dahil wala naman akong karapatan na magtanong kung kailan ang balik nito.

I am their captive but I can live a good life without having to eat bread and water and sleep in the dungeon. I am having a comfortable sleep here. Kaya lamang ay hindi ko na kayang tikisin ang pagkabagot na aking nararamdaman.

“May inasikaso ako at misyon na ginampanan. Pinatawag ako ng kapatid ko.”

“May kapatid ka?” I asked.

He gave me a nod. Hindi ko inakalang may kapatid din siya at hindi ko rin alam kung bakit hindi ko inakala iyon.

“Babae ba?” tanong ko at kumuha ulit ng pagkain.

“Oo. Matanda sa akin ang isa. Ang isa naman ay mas bata.”

“Dalawa kung gayon…”

Natahimik kami, siya ay nakamasid sa akin, ako ay kumakain naman. Hanggang sa matapos ako ay tahimik pa rin.

“Gusto mong lumabas?” he asked.

“Oo sana. Nais kong lumabas ngunit ang sabi nila, hindi maari hangga’t walang permiso mula sa iyo.”

He licked his lower lip and nodded. “Hindi talaga sila papayag dahil may batas dito.”

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay.

“Nais ko sana dahil nababagot na ako,” mahinang tinig ko.

“Hahayaan kita bukas at sa ilang araw na narito ako.”

I looked up to him with a smile written all over my face.

“Really? Ilang araw ka bang narito?” tanong ko.

“Lima. My fiance will be here two days from now. Galing siya sa ibang bansa.”

Nangunot ang aking noo. Fiance? A betrothed? At ibang bansa?

“Saan ang ibang bansa?”

Umayos siya ng upo. “Malayo pa iyon. Kapag naging successful ang operasyon namin sa tulong mo, maari kang manirahan doon kung doon mo gusto.”

Tumahip ang dibdib ko sa tuwa. Mamuhay sa ibang bansa. Ano naman kayang klaseng pamumuhay ang mayroon doon? Ngunit hindi ko pa alam ang buhay dito kaya naman dapat ito muna ang mauna, hindi ba?

“Ang sabi ni Victor ay tuturuan mo ako? Kailan mo iyon gagawin?”

“Hindi ako ang magtuturo sa iyo. Si Leticia. Sasabihan ko lamang sila at ipahahanda iyon. Hindi rin ako mananatili talaga dito sa headquarters pero narito ako sa Pilipinas.”

“Baka hindi nila ako hayaan makalabas…” agap ko.

Umiling siya.

“Sasabihan ko sila. Isa pa, narito ang kapatid ko kapag wala ako.”

“Saan ka naman pupunta?”

He let his tongue grazed the lower pat of his lips. “I’ll be with my fiance.”

Tumango-tango ako sa kaniyang sinabi. He has a betrothed. But maybe she’s a good one, right? I was betrothed to our High Priest but I don’t want him because I feel like it is not necessary. Pero si Dos, maaring masaya siya sa pagkakasundong iyon.

Setta Segretta #1: Unraveling The DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon