Kabanata 16

1.9K 23 2
                                    

Walang naalala

Content Warning: This chapter contains psychologically triggering scenes that may evoke strong emotional reactions. Reader discretion is advised.

Hinaplos ko ang aking dibdib, dumadagdag sa sama ng aking pakiramdam ang mga mata kong halos pumikit na rin.

Mula kagabi, nakakaramdam ako ng panlalamig, ng kagustuhang makaramdam ng init at ang paghahanap ng isang bagay na hindi ko lubos maunawaan.

Ngayong umaga, bumangon ako mula sa aking higaan, bitbit ang kumot patungo sa bathroom at doon sumuka nang sumuka. Hindi ako masasakitin at lalong hindi ako magkakaroon ng sakit ng dahil lamang sa hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.

“Cedes?” anang isang boses mula sa labas ng bathroom.

Nanginginig ang aking mga binti nang umahon ako at tumayo. Sa ganoong sitwasyon ako naabutan ni Victor sapagkat nakabukas ang pintuan ng bathroom.

“May sakit ka, Des?” bakas ang pag-aalala sa boses nito.

I smiled bitterly when I looked at him and nodded.

“Parang may kung anong humahalukay sa aking tiyan. Napakabigat ng aking pakiradam-”

“Hep…” he cuts me off.

His eyes squinted at me, his face contorted like he’s thinking about something or organizing his thoughts. He pointed at me.

“Are you… pregnant?” he inquired with suspicion in his voice.

Ang aking mga mata ay namilog at nanlaki sa kaniyang binanggit na mga salita. Nahihintakutan ko siyang tinignan.

“Malabo ang iyong sinasabi. Malabo pa sa batis na dinaanan ng sampung kalabaw, Victor,” mabibilis ang aking mga salita.

His face didn’t change. Hinagod niya ako ng tingin.

“You sure? Ganiyan ang buntis. My mother was like that before. Eros hasn't visited you since your wedding day. Dos…”

“Si Dos?” nagtatakang tanong ko.

“Did you and Dos have a honeymoon?”

“Honeymoon?” mas lalo akong naguluhan. “Ano iyon?”

Victor uttered curses I only heard from men here.

“You two… you two… had a steamy night? Sex?”

Magkakasunod ang iling na aking ibinigay. Hindi ko nais na mabuo ang ideyang iyon sa kaniyang isipin.

“Hindi namin iyon ginawa. Hindi ko siya asawa. Hindi ba at malaking kamalian ang pagtataksil sa asawa?”

“Malay ko ba? Baka mamaya dahil kayong dalawa ang ikinasal noon, kayo rin ang…” Bumuntong-hininga ito. “Akala ko talaga buntis ka. Pero baka mamaya ay may nakain ka lang na hindi maganda.”

Akmang tatango na ako nang umakyat ang kilabot sa aking buong katawan. Isa-isang bumalik sa aking alaala ang nangyari bago ako makatakas. Ang nangyari sa akin… sa kamay ni Ama sa hindi na mabilang na pagkakataon.

“Huwag kang umiyak. Mercy. Narito si Ama para sa iyo…”

Nanginig ang aking labi, tinkapan ang aking tainga.

HIndi ko ito maalala. Ang sabi ni Ama, hindi ko maalaala. Walang nangyari, hindi ko naaalala. Hindi… Sasabihin ko lamang na hindi ko naaalala. Hindi ko maaalala. Hindi… Wala akong naririnig. Wala akong maririnig. Ngunit ano ito? Ano ang mga boses na naririnig ko pa rin kahit pakiramdam ko…paralisado ang aking katawan?

Setta Segretta #1: Unraveling The DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon