Kabanata 14

1.9K 28 5
                                    

Substitute

Marriage should not be just by what you want. It should also be what He wants. That’s what the Pastor said to all of us. That the reason why he was given the right to speak his words is because God, the real one, wants His real people to know about His teachings.

“God wants with the right man for you to be a right woman. A right woman not just for a man but for Him. Hindi tatanggapin ng Diyos ang kasal na hindi Niya pinagbuklod. Ano ang kasal na hindi Niya pinagbuklod? Ang kasal na kahit hiningi sa Kaniya ang basbas, hindi niya binasbasan dahil wala itong pag-ibig!”

Paulit-ulit ang mga katagang iyon sa aking isipan. Hindi nagbabago. Animoy narito si Pastor para ako ay sermunan, sabihing mali ang aking ginagawa.

Inaamin ko. Hanggang ngayon, nasa pagitan pa rin ako ng kung ano ang aral na kinamulatan at kung ano ang totoo. Ngunit sa aking sitwasyon ngayon, walang puwang ang pagbabago ng isip. Ito ang kaisa-isang bagay na masasabi kong nagawa ko nang ako ay nakalabas sa pader ng aming nayon. Dadalhin ko ang alaalang ito. Isang patunay na hindi isang panaginip ang lahat.

I am already here, here in front of a wide mirror, someone touching my hair and doing everything to make sure what Leticia told them will be the outcome of my hair.

Mahabang damit, kulay puti, nangingintab, mahaba ang manggas, ang aking labi ay kinulayan ng rosas. Walang binago sa akin katulad ng aking nais. Hindi ko alam kung para saan iyon ngunit alam ko sa aking sarili, hindi ko kailangan ng mga iyon.

Hindi ko na kailangan noon upang makita ang sariling kahali-halina. Alam kong taglay ko ang gandang mayroon ang aking ina.

“Are you sure you don’t want a more bolder look?” Lenny asked with a sweet voice.

Umiling ako. Hindi ko alam iyon at kung tungkol naman iyon sa aking mukha, sapat na ang aking itsura ngayon. Nagtutuminding saya na ang aking nararamdaman.

“You’re beautiful, Mercy. You really do.”

Lumapat ang aking mga mata kay Lenny na ngayon ay nakasuot ng maganda at kulay langit na bestida o ang tinatawag nilang gown. Nakaayos din ang buhok nito ngunit hindi katulad ng ginagawa sa akin.

“Ikakasal ka na,” aniya pa.

Lumandas ang magandang ngiti sa aking labi.

“Salamat, Lenny. Napupuno ng kaligayahan ang aking dibdib sa pagkakataong ito,” pagsasabi ko ng totoo.

Lenny gave me a nod, her eyes twinkling. “I cannot believe it. Ikaw lang pala ang makakabihag sa playboy na iyon.”

Hindi nawala ang ngiti sa aking labi. “Hindi naman pormal ito, Lenny. Pinagbigyan lamang ako ni Eros bago ko maisagawa ang pagbalik sa aming nayon. Isipin mong ang lahat ng ito ay para lamang sa aking kaligayahan.”

Lenny and the woman fixing my hair chuckled.

“Napaka-honest ni Ma’am. Kanina pa niya sinasabi iyan. Mukhang mahalagang-mahalaga ka sa mga Del Rico, Ma’am. They are willing to go this length to make you happy.”

Umiling ako. “I need to do this. Nais ko kasing makasiguro na hindi man ako makabalik dito sa lugar ninyo at makulong sa aming nayon sa buong buhay ko, naranasan ko naman ito at hindi mabubura ang aking alaala.”

Magsasalita pa sana si Lenny nang may kumatok sa malaking pintuan at nang bumukas iyon, si Styn ang aking nasilayan. Nagliwanag ang aking mukha.

“Styn!” nasisiyahang pagtawag ko rito.

Umikot ang mata nito ngunit matapos iyon ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

“Ang ganda mong bride! Talo mo ako,” komento niya na lalong nakapagpangiti sa akin.

Setta Segretta #1: Unraveling The DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon