Kabanata 48

562 13 4
                                    

Unraveling The Dawn
Kabanata 48
Bait

Everyone is preparing for what’s going to happen tonight. I left Dos after because he needed to rest. Hindi niya sinabing nakipaghabulan pa siya para lang subukang kunin si Diana dahil magiging matagumpay kung hawak niya pa rin ang babae.

Diana gave birth to a premature child and the baby was left with Dos. The rebels want the child but they also don't want to give Diana to Dos. Kaya naman ngayon, alam talaga ng sekta na darating ang mga rebelde para sa bata.

Diana is not just only a rebel. Hearing Dos as he tells me what Diana is to the group somehow hurts me. Katulad ni Pastor, dinidiktahan lang din siya at ang siyang inanakan.

Hindi tunay ang pag-ibig sa mga taong tulad nila. Pagmamahal bang matatawag kung buntis si Diana pero ginamit pa rin ng pinuno nila at ipinain kay Dos? At ngayon ay gusto ang bata?

And Diana herself, hindi man lang ba ito nagkaroon ng lakas ng loob na subuking humingi ng tulong sa amin? Sa sekta at tutal naman ay nakapasok na rin siya? Mas mapoprotektahan ang bata kung nakipagkasundo siya sa sekta. Ngunit hindi kailanman niya ninais mangyari iyon.

“Bakit sa amin ka pa isinama?” walang emosyong tanong ni Dilay sa akin.

“Because he doesn’t want me to face the rebels. Na hindi naman daw kayo mapapalaban,” ang tugon ko.

Bumuntong-hininga ito na animoy problemadong-problemado.  Nanatili akong nakaupo sa kaniyang harapan, handa na ang lahat sa sarili.

“Posibleng mapalaban pa rin. Nasisiguro kong hindi papayag iyang Pastor ninyo na makaalis ng walang tauhang kasama.”

I nodded at her hunch. Iyon din naman ang naisip ko. At kahit siguro kaunti na lang ang mga kanayon namin ang kasama niya pa, kukuha at kukuha ito ng ibang tao. Pera ang usapan at para sa akin, walang inosente sa pera.

Namataan nga itong kasama ang isa sa kinikilalang drug lord at isa rin sa politiko. Sa harapan ng sekta noon, inilahad lahat ng Dias. Na ang Pastor ay mayaman dahil sa mga ilegal na gawain at hindi kailanman sumaksak sa isip kong pagdudahan ang sekta.

“Hindi ko gusto ang alagain. Kaya please lang, huwag kang maging pabigat sa grupo ko,” anas niya na dahilan ng pagguhit ng ngiti sa labi ko.

“Hindi ako magiging pabigat. Nag-e-ensayo ako at tinanggap ako ng Lolo mo sa Setta. Pagbubutihan ko dahil gustong-gusto kong makatulong.”

From the phone, her eyes traveled to me. She then scanned my whole body before she smirk. She shook her head.

“Walang-wala ka kay Quin in terms of combat. Unang tingin pa lang alam ko na.”

Umayos ako ng upo. “Hindi pa ako natuturuan doon. Dos said he will be the one to train me.”

“At naniwala ka naman? Hindi ba sumaksak sa isip mo na posibleng pinaglalaruan ka lang ng kapatid ko at si Quin ang gusto niya?”

Walang emosyon ang boses niya na animoy ang pinag-uusapan namin ay isa lamang walang kwentang bagay.

“But where’s Quin?” I asked her.

Muli’y tumingin siya sa akin, hindi gumagalaw ang ulo, Tumikwas ang kilay niya at kahit mabilis lang, nahuli ng paningin ko ang pag-usli ng bahagi ng kaniyang labi.

“You’re confident, I see. Still feisty,” she mumbled.

Hindi na naulit ang pag-uusap namin at naging tahimik na sa loob ng sasakyan.

When Dos called her about me, I didn’t expect that she will be the one to pick me up. Siyempre, ano naman ang dahilan para pagkaabalahan ako nito gayong hindi naman siya si Dos. Siya sa Dilay na ‘di hamak na mas gusto si Quin para sa kapatid niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Setta Segretta #1: Unraveling The DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon