Kabanata 21

1.9K 21 0
                                    

Pagpayag

Bakas ang pagkamangha sa aking mga mata ang pagkamangha sa nakikita. Malaki at malawak ang buong lugar na higit pa kaysa doon sa headquarters nila, miski ang mga taong pumupuno rito ay higit pa roon.

“This is what we called mall,” Dos spoke beside me.

I scanned the whole area. Mayroon pa sa itaas noon katulad ng kay Dos ngunit dito, mayroong hagdanan na umaandar sa magkasalungat na gawi. Pataas at pababa iyon na siya namang napupuno at sa bawat pag-alis ng tao ay napapalitan.

“This is TriMall. Pagmamay-ari na ‘to ni Eros,” dagdag nito na siyang tahasan na kumuha ng aking atensyon.

Eros. Pagmamay-ari ni Eros. Ng aking asawa.

Marahil ay napansin ni Dos ang aking pagbaling sa kaniya kung kaya naman binalingan niya rin ako, ang mga mata kung tumingin ngayon ay tila mayroong kalaban.

“Wala rito ang asawa mo. He doesn’t visit here often,” aniya at kakikitaan ng tinatagong ngisi.

I blinked consecutively and nodded without energy.

Tumikhim siya sa aking tabi.

“Saan mo munang gustong tumingin?” wika niya.

“Kahit saan na lamang,” kontrolado ang boses na tugon ko.

Iginiya niya ako patungo sa kauna-unahang hilera. Mga kagamitan iyon na nakikita ko rin sa headquarters. Minsan ay may mas malaki, minsan ay mas maliit.

“Bibilhin kita ng mga iyan sa oras na makabalik ka na rito. I will buy you a house,” aniya na dahilan ng pagsulyap ko.

“Sana makalabas nga ako ulit katulad ng sinasabi mo, Dos,” usal ko.

“You will. Pipilitin kong ilabas ka roon.”

“Salamat kung gayon.” Ngumiti ako sa kaniya matapos ay itinuro naman ang itaas. “Nais kong malaman kung ano naman ang mayroon doon, Dos.”

He didn’t budge, only the clicking of his tongue is what I heard and we went up. Hindi makamayaw ang aking mga mata sa pagsunod sa umaandar na hagdan. Ang escalator. I think this is my most favorite part in this world. Sapagkat sa aming tahanan noon, mahaba lamang ang hagdan at nakapapagod ngunit sasanayin mo ang sarili mo dahil iyon ang iyong araw-araw na gagawin mula ng matuto kang makapaglakad.

“This is a women's haven. Karamihan dito ay pambabae. Bags, dresses, makeups, anything that suits a woman,” pahayag nito at sinundan ng tingin ko ang itinuro niya. “Mamili ka ng gusto mong mga damit.”

Tumambol ang dibdib ko sa kaniyang tinuran. Ito ang paborito ko sa tuwinang uuwi si Ama at Ina noon. Palagian itong mag dalang mga kagamitan para sa aming tatlong magkakapatid at hindi kailanman pumatid ng pangit na kasuotan sa dala ni Ina kung kaya walang pagtatalong nagaganap sa aming magkakapatid.

Sa aking silid sa headquarters, mas marami pa rin ang kasuotang hindi ko nagagamit sapagkat hindi ito ang aking nakasanayan. Dos said I must look for something that I must buy, right? Was it because…this is Eros and I am his wife?

Hindi katulad ko na nagtungo agad sa mga naggagandahang kasuotan, si Dos naupo roon sa harapam, kumuha ng isang libro at tila may hinahanap doon.

Sa akin naman ay may nakasunod na dalawang babae at lahat ng aking nahahawakan ay inililista ng mga ito. May hawak din silang malaking board at titignan iyon matapos sipatin ang aking katawan.

Nakaramdam lamang ako ng pagod noong marating ang ikawalong hilera ng mga kasuotan. Hinarap ko ang mga babae at ngumiti sa kanila.

“Pasensya na kayo ngunit nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi na ako magtitingin pa,” wika ko sa maayos na tono ng boses.

Setta Segretta #1: Unraveling The DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon