𝘊𝘏𝘈𝘗𝘛𝘌𝘙 15
Vin's POV
Mag 7pm na ko umalis sa dorm nila Brie.
Pinababa ko lang ang lagnat nya saka ako umalis. Hindi ako pwede magstay don.
Iniiwasan ko nga sya eh. Nagiwan nalang ako ng note.
Pag uwe ko sa bahay ay nakita ko si Aby sa bar counter na umiinom.
"Hindi ka umiinom. Wag ka magpakalasing." Sabi ko sabay agaw sa kanya ng iniinom nyang wine.
"Bakit ba? Wag mo na ko pakealaman Vin. Ok na ko na magisa." pilit nyang agaw sa wine.
Kumuha ako ng baso at uminom din ako.
"Bat uminom kaagad? Baka wala pang laman tyan mo isusumbong kita kay tita." Pangungulit nya.
May tama na si Aby. Hindi naman sya sanay sa alak. Parehas kame
"Aby.. Im sorry. Sana nakinig nalang ako sayo.. Sana pinaniwalaan nalang kita." Seryosong tingin ko sa kanya.
"Matigas kase ulo mo." Saad nya kahit lasing na.
"Yeah. I know. Sorry. I miss you Aby. Namiss ko yung ganito. Yung tayo lang." Sabe ko sa kanya.
Nakailang baso na din ako at medyo may tama na din ako.
Maya maya ay nagtatawanan kame at mamaya ay iiyak.
"Alam mo ba Vin.. Pag nasasaktan ka nasasaktan din ako. Alam mo yung tingin mo sa babaeng yon? You only have eyes on her. Ako yung nandito pero bat di mo ko magustuhan? Hahaha. Bestfriend nalang ba talaga role ko sayo?" Iyak tawa nyang kwento.
"Abyyyyy maganda ka. Kulang ka lang sa make over parang ako. Hahaha." sagot ko sa kanya na nakalagay ang ulo ko sa bar counter.
"Nakakainis ka ah! Seryoso ako Vin! Pwede bang ako nalang? Bigyan mo ko ng chance na iprove sayo kung gano kita kamahal. Nakakainissh ka. Vinsh. I love yoush." hawak mya sa muka ko at papikit pikit na.
Nagulat ako sa sumunod na ginawa nya.
Aby kissed me.
At bigla syang bumagsak sa bar counter.
"Bat mo ginawa yon? Baliw." huling sinabe ko bago mawalan ng malay.
...
Pag gising ko ansakit ng ulo ko.
Nagulat ako kung sino ang katabi ko sa kama.
Si Aby na mahimbing ang tulog.
Nagflashback sa utak ko lahat ng nangyare kagabe.
F*ck! We agree to be in a relationship at napasapo ako sa mukha ko dahil umoo ako.
Sana hindi nya maalala..
At nagmadali na kong mag asikaso.
Aby's POV
Andito na ako ngayon sa labas ng pinto.
Nakaready na ko para pumasok sa school.
Iniintay ko si Vin dahil sabay kameng papasok.
Yun ang napagusapan namen kagabe nung uminom kame.
Naaalala ko lahat.
Lasing ako pero hindi ko pwede makalimutan ang nangyare.
Medyo masakit ang ulo ko dahil sa hangover pero napapangiti pa din ako ng maalala ko yung kiss namen kagabe.
Pag labas ng pinto ni Vin ay dahan dahan sya.
Ni hindi man lang nya ko nakita na nasa likod ng pintuan.
"Vincent, tinataguan mo ba ko?" mataray kong tawag sa kanya na halos mapatalon na sya sa gulat ng makita ako.
"H-hindi ah." utal nyang sabe.
"Let's go." Sabe ko at pumunta na sa kotse nya.
"Ahm.. Aby.. yung kagabe wa-" Pag uumpisa nya na pinutol ko.
"Stop. Lahat ng napagusapan naten kagabe ay gagawin naten sa ayaw at sa gusto mo." mataray kong sabe sa kanya kaya wala syang nagawa.
Ramdam kong kinakabahan sya saken dahil hindi ko sya tinatarayan before.
"Lahat ng nangyare kagabe ay minemean ko Vin. I'll help you para makamove on kay Brie. Dont you dare na umatras dahil hindi mo ugaling hindi tumupad sa napag usapan. You will be my boyfriend and i'll be your girlfriend. Understood?" maotoridad kong sabe.
"Y-yes." buntong hininga nyang sabe.
Pagdating namen sa university ay magkaholding hands kame ni Vin at hinatid nya ko sa klase ko kahit alam kong ayaw nya.
Usap usapan naman sa buong campus ang about samen
"May pupuntahan tayo later pag tapos ng klase at sasamahan mo ko." sabe ko sa kanya bago kumiss sa pisngi nya at nagpaalam na.
Vin's POV
Nandito ko sa CR ngayon at naghilamos.
Napasapo ako sa mukha ko dahil sa kagaguhang ginawa ko kagabe.
"Ano ba tong ginawa ko." kulang nalang iumpog ko ang ulo ko sa pader.
Napatigil ako ng may nagtext saken.
"VIN LET'S TALK PLEASE." from Brie.
Maya maya ay tumawag sya.
"Hello? Vin? may klase ka pa ba? Andito ko ngayon sa fountain sa south gate. Pede ba tayo magusap?" tanong nya.
"Ok." tipid na sagot ko at ibinaba na ang telepono ko at pumunta na sa fountain.
Nakita ko syang pinagmamasdan ang mga isda sa fountain.
"Anong kelangan mo?" cold kong sabe sa kanya.
"Ahm.. Gusto ko lang magsorry. Hindi tayo nakakapagusap ng maayos. Vin.. pinutol ko na lahat ng ugnayan namen ni Zeus. Gusto kong magsorry kase pinagsisisihan ko yung nagawa ko. Yes. I love Zeus pero-" Hindi pa sya tapos magsalita ay nagsalita na din ako.
"I dont care kung ano pa namamagitan sa inyo ng lalakeng yon. Wala na kong pakealam Sabrina. Simula nung niloko mo ko ay nawalan na ko ng pake sayo. Pinutol ko na lahat ng ugnayan naten! You are a stranger to me now." galit kong sabe.
Tumulo ang luha nya at yumuko sya.
Damn! I hate it.
Gusto kong punasan yung luha nya.
Ayaw kong nakikita syang umiiyak.
"Naiintindihan ko. Hindi ako titigil hanggat hindi mo ko napapatawad. But still thankyou. Nalaman ko na ikaw ang nagpaexpelled kay Ella at sa dalawa nyang kaibigan. Thankyou for that." nakayuko nyang sabe.
"I did that for the school. Para wala na silang ibang mapinsala. Dont get me wrong." cold kong sabe.
"Thankyou pa-" napatigil sya dahil may tumawag sa pangalan ko.
"Vin. Let's go?" sabe ni Aby ng makalapit samen at hinawakan ang kamay ko.
Nakita ko ang expression ng mukha ni Brie.
Gulat at may lumabas na naman na luha galing sa mata nya na agad nyang pinunas ng tingnan nya ang mga kamay namen ni Aby na magkaholding hands.
"Sorry. Mauna na ko." Paalam nya at nagmamadaling umalis.
Gusto ko syang pigilan at yakapin pero hindi ko na yun pwedeng gawin. Hinde na pwede.
...
BINABASA MO ANG
𝕋ℍ𝔼 𝔹𝔼𝕋 📝
Teen Fiction"𝑩𝒓𝒊𝒆, 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒖𝒔 𝒌𝒏𝒐𝒘𝒔 𝒏𝒂 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒖𝒔 𝒒𝒖𝒆𝒆𝒏. 𝑺𝒐.. 𝒘𝒆 𝒎𝒂𝒅𝒆 𝒂 𝒃𝒆𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒃𝒐𝒚." 𝑻𝒖𝒓𝒐 𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒆𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒌...