𝘊𝘏𝘈𝘗𝘛𝘌𝘙 19Vin's POV
Kausap namen ni Aby ang ibang bisita ng hatakin ako ni Van.
"Kuya hanapin naten yung toy ko please." sabe nya habang hatak hatak nya ko kung saan.
"San mo ba naiwan?" tanong ko sa kanya.
"Doon po." turo nya sa pinakalikod ng garden.
Wala gaanong tao dito.
Pero nagulat ako nung may babaeng nakatalikod dito sa likod garden nakaoff shoulder na black dress at nagbibilang.
"45, 46, 47, Antagal mo Van ah. 48, 49-" hindi pa sya tapos magbilang ay sumigaw si Van ng GAME NA PO kaya napalingon na sya.
Nagulat sya pati ako pero ayaw ko ipahalata.
Sh*t bat ang ganda nya pa din.
Sinabe ni Van na magusap kame ni Brie at tumakbo na sya paalis.
"Ahm. So-sorry kung pumunta ko sa engagement mo. Eto lang kase yung chance na pwede kita makausap eh." hiya nyang sabe saken.
"Its ok. Invited naman lahat ng estudyante sa campus." Cold kong sabe sa kanya.
Ayaw ko syang tingnan sa mata dahil alam kong baka tumakbo ako pabalik sa kanya.
"Vin thankyou for this." pakita nya saken ng promise ring naabinigay ko sa kanya sa clinic at nagulat ako.
Pano nya nalaman?! Pakana siguro ni Rhy. Tsk.
Inayos ko ang sarili ko at nagpakacold ulet.
"Vin salamat kase palagi kang andyan para saken. Salamat kase kahit nasaktan kita hindi mo pa din ako matiis. You still care for me." Dagdag nya pa at umiiyak na.
Sh*t wag ka umiyak Brie.
Gusto kong punasan ang mga luha nya.
"Tapos ka naba? Kung wala ka ng sasabihin aalis na ko" sabe ko at tumalikod na.
Gusto kong maging matigas. Ayokong ipakita sa kanya na marupok ako pagdating sa kanya.
"Vin sandali. Mahal mo pa ba ko? Ako pa din ba ang laman ng puso mo?" Kapit nya saken.
"Bitawan mo ko. Noon yon Sabrina. Hindi na yun ngayon." Inis na sabe ko at naglakad na.
"Vin Mahal kita! Mahal na mahal kita." sigaw nya na ikinagulat ko.
Hindi ko alam pero ayaw kong lumingon sa kanya.
Mahal na mahal din kita Brie..
Inayos ko ang sarili ko dahil tumulo na ang luha ko.
Ang bakla ko kainis.
"Wag mo sirain ang engagement party namen Brie. Umuwe ka na." sabe ko na nakatalikod sa kanya dahil ayaw kong makita nya akong umiiyak.
At umalis na sya. Akma ko syang hahabulin ng may tumawag saken.
"Vin!" sigaw ni Aby at lumapit sya saken.
"San ka ba galing. Halika na. Tinatawag na tayo ni Tita sa stage." kapit nya saken at hinihila na ako pabalik sa party.
....
Bago matapos ang party ay lumapit sakin si Zeus.
"Congrats." sarcastic na sabe nya.
"Ano ginagawa mo dito?" inis kong tanong sa kanya
"Why? Magschoolmate tayo at invited lahat ng estudyante tama?" sagot nya.
"Ano kelangan mo? Kung sinundan mo dito si Brie umalis na sya kanina pa." maangas na tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang pinunta ko dito. Gusto kong pakinggan mo si Brie. Mahal mo sya diba? She choose you over me Vin! Ikaw ang mahal nya alam mo ba yun? Nilet go ko sya kase mahal ko sya. And i want her to be happy. At kung papahirapan mo sya at uunahin mo yung bullshit mong pride?! Sisiguraduhin kong hindi ka makakalapit sa kanya." banta nya saken at umalis na.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong maniwala nalang basta sa mga sinasabe nila.
Natapos ang party at cold pa din ako.
Seryoso lang ako at andito na ko sa kwarto ko at kakalabas ko lang ng cr ng makita ko si Aby sa kwarto ko nakaupo sa kama.
"Aby? Bat ka andito? may kelangan ka ba?" tanong ko sa kanya at umupo din ako sa kama ko.
"Vin.. do you see yourself na ako ang makakasama mo habang buhay?" tanong nya saken at humiga sa kama ko.
"Engage na nga tayo diba? dun na din yon papunta." tipid kong sabe.
Lumapit sya saken at lumapit sya saken para halikan ako pero umiwas ako at tumayo.
"Ahmm. Aby wala ka bang gagawin? magbibihis muna ako." at pumunta na ako sa cr pero lumabas na sya.
Hayst. Kinabahan ako don.
Si Brie lang ang babaeng gugustuhin ko halikan.
Hindi pa din mawala sa isip ko yung sinabe ni Zeus saken.
After vacation ay may pasok na kame. Hindi ko din madalas makita si Brie. Tinanong ko din kay Rhy kung anong nangyare pero kahit si Rhy ay parang galit saken.
Hindi ko pa din nasasabe kay Aby ang totoong nararamdaman ko. Hindi kase sya umuuwe dito sa bahay. Umuwe kase muna sila kasama ng parents nya sa bahay nila.
"Vin.. can we talk? Pede ka ba pumunta dito sa airport?" text ni Aby saken.
"Sige ngayon na ba?" text ko sa kanya.
"Yes." reply nya.
Siguro ihahatid nya sila Tita. Ngayon na pala ang alis nila. Di man lang ako nakapagpaalam.
...
BINABASA MO ANG
𝕋ℍ𝔼 𝔹𝔼𝕋 📝
Novela Juvenil"𝑩𝒓𝒊𝒆, 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒖𝒔 𝒌𝒏𝒐𝒘𝒔 𝒏𝒂 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒖𝒔 𝒒𝒖𝒆𝒆𝒏. 𝑺𝒐.. 𝒘𝒆 𝒎𝒂𝒅𝒆 𝒂 𝒃𝒆𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒃𝒐𝒚." 𝑻𝒖𝒓𝒐 𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒆𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒌...