𝘊𝘏𝘈𝘗𝘛𝘌𝘙 6𝘉𝘳𝘪𝘦'𝘴 𝘗𝘖𝘝
"Hey Babe. I missed you." Yakap ko kay Zeus pagkakita namen.
"Miss you too. San mo gusto kumain?" Tanong nya.
"Parang gusto ko sa jollibee." Excited kong sabe sa kanya.
"Babe? Pambata don. Sa iba nalang. Gusto mo sa Savory? Dun nalang." Sabe nya kaya sinang ayunan ko nalang.
Hayst. Bat ba ko nalulungkot sa simpleng pagkain lang.
"Babe. Pag may time ka magout of town tayo. Gusto ko pumunta ng amusement park eh." Sabe ko sa kanya habang kumakain na kame.
"Babe, ok naman ako pero mageenjoy ka ba don? Crowded don. Tyaka mapapagod ka lang. Tyaka medyo childish don babe." Sagot nya saken.
Pambata ba yun? Eh halos yun gusto ko puntahan palagi eh. Ang saya saya nga pag andon eh.
Umuwe ako na masama ang loob ko kay Zeus.
Hindi ako nakatiis ako din unang kumausap sa kanya. Wala na syang oras para suyuin ako.
Lately sa chat nalang ang usap namen. Hindi na din kame nagkakasama pag may gala ang barkada.
Pag andon ako sya ang wala. Busy sa banda. Pag ako ang may gig sya naman ang busy.
Parehas man kame makasama sa gatjering ng barkada madalas madali lang sya dahil nga may ginagawa sya.
Pag nagagalit ako dahil wala na syang oras samen hinahayaan nya nalang ako na magalit.
Suyuin man nya ko isang suyo lang gusto nya ok na agad kame.
Nagfofocus nalang muna ko sa bet na yon. Para matapos na at maging ok na kame ni Zeus.
Nagdecide na din na manligaw saken si Vin at pinayagan ko sya. Hatid sundo nya ko araw araw at masayang kasama si Vin.
Hindi ka maboboring na kasama sya dahil nagaadjust din sya.
Vin's POV
Nagdidinner kame ngayon kasama ang family ko at si Aby bestfriend ko.
Bestfriends ang mga magulang ko pati magulang ni Abby.
Dito sya pansamantala nakatira sa bahay namen. Malayo kase sa school ang bahay nila ayaw naman sya ipag dorm ng magulang nya dahil baka maging pabaya daw sa pag aaral si Aby. Mabarkada.
Since highschool magkasama na kame. Para kameng kambal. Parehas din kameng outcast. Aral at bahay lang kame.
Nasa states ang mga magulang nya only child kase si Aby at may kaya din sila katulad namen. Ewan kung tama yung term ko na may kaya kame. Buong campus kase kilala na makapangyarihan ang family namen pag dating sa business industry.
Pero hindi ko kinoconsider as ganon kame.
Hindi din ako spoiled. I want my life to keep it lowkey. Dalawa lang kame ng kapatid ko na si Van. Parehas kameng lalake pero 10yrs old palang sya.
"Anak, paabot ako ng kanin." Tapik saken ni mommy.
"Ay sorry ma. May iniisip lang." Sagot ko sa kanya sabay abot ng kanin.
"Nako. Anak sino yan? May girlfriend ka na ba?" Usisa ni mommy.
"Mom, wala pa po." Sagot ko na nahihiya.
"Wala pa? It means may nililigawan ka? Anak. Proud si mommy sayo magkakagirlfriend ka na. Hon, binata na panganay naten." Excited na sabe ni mommy at sinabe din kay daddy.
"Anak, ipakilala mo samen yan. Who's the lucky girl? Is it Aby?" Tanong ni daddy bago sumubo ng pagkain.
"Of course not! Bestfriend lang kame ni Aby. Right Aby?" Pagkontra ko kay daddy at tumingin ako kay Aby.
Tango at tipid na ngiti lang ang sagot nya samen.
"Tita, Tito, akyat na po ako. Gagawa pa po ako ng assignments." Paalam ni Aby kila mommy"Sure ka Aby my dear?hindi mo pa ubos pagkain mo oh." Sabe pa ni mommy
"Busog na po ako tita eh. Akyat na po ako." Paalam nya saka umakyat na.
Natahimik kame nila daddy sa pagkain.
"Nak. Hindi mo ba talaga gusto si Aby kahit onti?" Tanong ni mommy.
"Mom, bestfriend lang po talaga ang turing ko kay Aby. I know may gusto sya saken pero ayoko masira yung friendship namen kung pipilitin ko lang na gustuhin sya. Besides may iba po akong gusto." Paliwanag ko kay mommy.
Pagkatapos namen kumain ay pumunta ko sa kwarto ni Aby at kumatok.
"Come in." Sigaw nya kaya pumasok na ko.
"Can we talk?" Tanong ko sa kanya.
"Ano na naman pag uusapan naten Vin? Oo na i know. Bestfriend lang turing mo saken." Sarcastic nyang sabe habang nagsusulat sya.
"Aby, im sor-" magsasalita palang ako ay pinutol nya na ako.
"Vin! Stop! Stop saying sorry.. Mahal mo ba talaga yung Brie na yon?" Sigaw nya saken na umiiyak na.
"Aby.. alam mo kung gano ko sya kagusto nung first year highschool palang tayo. At ngayon na nililigawan ko na sya, malapit na maging kame." Paliwanag ko sa kanya.
"Yes. I know. Pero Vin pwede bang ibang babae nalang? Kahit di na ako. Wag lang din sya. Im scared kase ayokong masaktan ka ng dahil sa kanya. Nakita ko sila ng ex nyang si Zeus sa mall nagdidinner nung nakaraan. Niloloko ka nung babaeng yon!" Pilit na sabe nya.
"Aby, maraming tao sa mall. Baka kamuka lang nya yon. Wag mo na siraan si Brie! Please lang!" Sigaw ko sa kanya.
"Lumabas ka na ng kwarto ko Vin. Umalis ka na please. Bestfriend mo ko. Hindi ako gagawa ng kung anong kwento na hindi totoo." Iyak na sabe nya at nagtago na sa ilalim ng kumot nya.
Palabas na ko ng kwarto nya ng may sinabe pa sya.
"Sana wag dumating yung araw na iiyak ka saken dahil sa kagagawan ng babaeng yon." Pahabol nya.
Di ko na alam sino paniniwalaan ko.
...

BINABASA MO ANG
𝕋ℍ𝔼 𝔹𝔼𝕋 📝
Novela Juvenil"𝑩𝒓𝒊𝒆, 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒖𝒔 𝒌𝒏𝒐𝒘𝒔 𝒏𝒂 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒖𝒔 𝒒𝒖𝒆𝒆𝒏. 𝑺𝒐.. 𝒘𝒆 𝒎𝒂𝒅𝒆 𝒂 𝒃𝒆𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒃𝒐𝒚." 𝑻𝒖𝒓𝒐 𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒆𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒌...